Vhong Navarro, suportado ng mga kaibigan sa gitna ng hinaharap na kaso

by PEP Troika
Sep 22, 2022
maynard chito ogie
Nagpahayag ng kanilang suporta ang Streetboys member na si Meynard Marcellano (kaliwa), direktor at manager na si Chito Rono (gitna), at columnist at talent manager na si Ogie Diaz (kanan) sa embattled actor na si Vhong Navarro (wala sa larawan).
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Buo ang suporta kay Vhong Navarro ng mga nagmamahal sa kanya ngayong naka-detain siya sa NBI dahil sa reklamong rape ni Deniece Cornejo.

Read: Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrender in rape case

Sa panayam sa misis ni Vhong na si Tanya Winona Bautista-Navarro noong Setyembre 21, 2022, Miyerkules, sa Tiger Winx restaurant, Panay Avenue, Quezon City ay dumalo sina Meynard Marcellano, Direk Chito Roño at Ogie Diaz.

Read: Tanya Winona Bautista-Navarro fears for husband Vhong Navarro’s safety if transferred to Taguig City Jail

Pahayag ni Meynard na kasabayan ni Vhong sa grupong Streetboys, “Have faith, brother! Marami kaming nagdadasal para sa 'yo.

"And huwag kang mag-alala, nandito lang kami and andiyan si Lord!

“Huwag kang makakalimot. Mahal na mahal ka namin, bro!”

Read: Streetboys member Meynard Marcellano stands by Vhong Navarro amid legal battle

Ang manager ni Vhong na si Direk Chito ay malapit kay Senador Imee Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Direk Chito, “Siyempre, liyung-liyo ako sa nangyayari sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko.

“I want justice to work as it is. I want justice to be enforced, hindi corrupted.”

Lahad ng kaibigang si Ogie, “Siyempre, ipinagdarasal ko si Vhong dahil kumpare, matagal ko nang katrabaho sa sitcom at the same time.

“The mere fact na nagsisisi si Vhong sa ginawa niya dati sa asawa niya… Sabi nga ni Tanya, ‘Sa akin may kasalanan si Vhong, hindi sa kanila.’

“Pero siyempre, alam mo na… Sana, e, lahat ng ito ay pagsubok lang kay Vhong. At sa dulo ng kadiliman, makakakita pa rin ng liwanag si Vhong sa kasong ito.”

NOEL FERRER

Nakakaawa ang mga pinagdadaanan ng mga taong dapat nagbabagong-buhay na.

Sana na lang, lumabas na ang katotohanan sa kasong ito batay sa ebidensiya at hindi nakadepende kung sino ang malakas at may makapangyarihan sa hustisya.

GORGY RULA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon na lang ang nagpapalakas kay Vhong at sa pamilya niya dahil ramdam naman nila ang pagmamahal at marami ang naniniwala sa kanya.

Pero nang nakausap namin si Tanya, sinabi nitong isa talaga sa ipinagdarasal niya na, habang naka-detain pa si Vhong, sana sa NBI lang daw ito at hindi matuloy ang paglipat sa Taguig City Jail.

“Ako, right now, ang worry ko yung security for Vhong. Yun na lang. Nandito na kami. So, lalaban na lang kami. May case na, e.

“Lalaban kami at alam ko, mapapanalo namin ito. My God! Mapapanalo namin ito.

"But for the meantime, at least yung security niya. Natatakot ako for him na malipat siya sa Taguig,” saad ni Tanya.

Kahit daw si Vhong ay nararamdamang mas ligtas siya kung nasa NBI lang siya.

“I think, he feels safer sa NBI. Siguro kasi, nung simula pa lang, nakaano na sa amin, nakaalalay na sa amin yung sa NBI. Sila yung kumuha ng statement namin before,” dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpahayag ng kanilang suporta ang Streetboys member na si Meynard Marcellano (kaliwa), direktor at manager na si Chito Rono (gitna), at columnist at talent manager na si Ogie Diaz (kanan) sa embattled actor na si Vhong Navarro (wala sa larawan).
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results