Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrender in rape case

by Rachelle Siazon
Sep 19, 2022
Vhong Navarro detained at NBI for rape case
It's Showtime host Vhong Navarro (left) is currently at the custody of the National Bureau of Investigation for alleged rape of model Deniece Cornejo. His legal counsel Alma Mallonga earlier shared a screengrab showing Deniece Cornejo (right) inside the condo elevator on the night of January 22, 2014. Atty. Mallonga maintained, "Mr. Navarro reiterates that he is the victim of the crimes of Serious Illegal Detention and Grave Coercion."
PHOTO/S: @vhongx44 Instagram / CCTV screengrab courtesy of Alma Mallonga

Walong taon matapos ibasura ang mga reklamong rape laban sa kanya, nahaharap muli sa kalbaryo ang Kapamilya actor-TV host na si Vhong Navarro.

Ngayong Lunes ng gabi, September 19, 2022, kinumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naditena si Vhong sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa kasong rape.

Kaugnay ito ng alegasyong rape ng complainant na si Deniece Cornejo para sa insidenteng naganap umano sa condo unit ng dalaga noong gabi ng January 17, 2014.

Ayon sa legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, kaninang bandang 4:30 p.m. lumabas ang resolusyon ng Taguig Regional Trial Court na nag-uutos ng warrant of arrest sa It's Showtime host.

Boluntaryong sumuko si Vhong, at handa raw ibigay ang buong kooperasyon sa kaso.

Ipinaliwanag din ng abugada na nasa tanggapan na ng NBI si Vhong mula pa nitong umaga ng Lunes para sa hiwalay na kasong acts of lasciviousness.

Kaugnay naman ito ng alegasyon ni Deniece para sa insidenteng naganap umano noong January 22, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May halagang PH36,000 ang piyansang ipinataw ng Taguig Metropolitan Trial Court para sa kasong acts of lasciviousness. Boluntaryong sumuko at humarap sa korte si Vhong para rito.

Pero, no bail ang rekomendasyon sa hiwalay na rape case na kinahaharap ng aktor kaya ito naidetena ngayong gabi ng Lunes.

Pahayag ni Atty. Mallonga sa PEP.ph: "While Vhong was granted bail already in the case for acts of lasciviousness that was filed against him, just before 5 o'clock on the same day, a warrant of arrest was issued against him for the case of purported rape.

"This is the rape complaint where Deniece Cornejo herself said it did not happen in two sworn declarations.

"Because a warrant of arrest has already been issued, Vhong again surrendered to the NBI.

"And his detention with the NBI, as a result of his voluntary surrender, is being processed.

"The custody of Vhong is now with the NBI."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon kay Atty. Mallonga, tuloy pa rin ang laban ng kampo ni Vhong.

Aniya, "Subject to other remedies that are available, one of the things that we will do is to file for bail for Vhong so he can be released."

Nakausap ng PEP.ph si Atty. Mallonga sa pamamagitan ng tawag sa telepono nitong Lunes ng gabi.

VHONG CLAIMS HE DID NOT RAPE DENIECE

Buo naman ang paninindigan ni Vhong na walang katotohanan ang rape na ibinibintang sa kanya ni Deniece.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang sumuko siya sa NBI nitong Lunes ng umaga, hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya star kung paanong nabaliktad daw siya sa sitwasyon niya ngayon.

Sabi niya sa hiwalay na panayam ng ABS-CBN News kaninang umaga: "At parang ako pa yung nababaligtad. Na ako yung biktima, so parang ang hirap paniwalaan.

"So ako, mula noong 2014, inilahad ko lahat ng nangyari. Wala akong itinago, sinabi ko lahat.

"Alam ng Panginoon iyon. Nagsasabi ako ng totoo, kaya ngayon ang bigat ng loob ko.

"Ba’t parang ganito? Para mabuhay, at the same time, ngayon binabaligtad kami."

SERIOUS ILLEGAL DETENTION VS. DENIECE AND CEDRIC

Sa naunang opisyal na pahayag ni Atty. Mallonga, nitong umaga rin ng Lunes, ipinaabot niya ang pagkamangha dahil walong taon na raw nililitis ang serious illegal detention case laban sa grupo nina Deniece at Cedric Lee.

Para ito sa insidenteng paggapos, pambubugbog, pananakot, at panganguwarta umano kay Vhong noong gabi ng January 22, 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, makikita sa CCTV footage na isinumite ng kampo ni Vhong na isang minuto pagbaba ni Vhong ng elevator sa condo ni Deniece ay bumaba naman ang dalaga sa building.

Saka namataan ang mga natukoy na kalalakihan na dumating sa condo at sumakay ng elevator paakyat ng building.

Makalipas ang ilang oras, ang mga kalalakihang ito rin ang namataan sa CCTV na sumakay ng elevator noong mga oras na nakita si Vhong na waring nakagapos nang sumakay ng parehong elevator pababa ng building.

Sinasabing "citizen's arrest" ang ginawa ng grupo ni Cedric kay Vhong dahil sa panggagahasa umano kay Deniece.

Inalmahan iyon ng legal counsel ni Vhong dahil bahagi raw iyon ng pananakot kay Vhong.

Pahayag ni Atty. Mallonga nitong umaga ng Lunes: "On January 22, 2014, Vhong Navarro was detained, mauled, threatened, tied up, and demands for money made upon him.

"He was then brought to the police station and coerced into signing an admission that he supposedly raped Deniece Cornejo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This was done so he would not complain about what was done to him by Ms. Cornejo, Mr. Cedric Lee, and other persons.

"But Mr. Navarro did complain. On January 28, 2014, he filed a complaint against Ms. Cornejo, Mr. Cedric, and others for Serious Illegal Detention and Grave Coercion."

Diin ng abugada, sa unang sinumpaang salaysay ni Deniece ay sinabi nitong walang naganap na rape nang una silang magkita ni Vhong noong January 17, 2014.

Ang sinabi lang daw ni Deniece ay nagtuloy ang palitan ng text messages nila ni Vhong mula noong January 17, 2014 hanggang sa muli silang magkita noong January 22, 2014.

"Cornejo filed a complaint for rape a day after in which she claimed under oath that she saw Mr. Navarro on January 17, 2014, he did not rape her on that day, but continued to text with him until January 22, 2014 when he allegedly raped her when he visited her at her condo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Atty. Mallonga, na-dismiss noong 2014 ang rape complaint kay Vhong noon kaya kamangha-mangha na ngayon ay nahaharap na naman sa kalbaryo ang aktor.

Diin pa ng abugada (published as is and itals provided): "Mr. Navarro reiterates that he is the victim of the crimes of Serious Illegal Detention and Grave Coercion."

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vhong Navarro (left) is currently at the custody of the National Bureau of Investigation for alleged rape of model Deniece Cornejo. His legal counsel Alma Mallonga earlier shared a screengrab showing Deniece Cornejo (right) inside the condo elevator on the night of January 22, 2014. Atty. Mallonga maintained, "Mr. Navarro reiterates that he is the victim of the crimes of Serious Illegal Detention and Grave Coercion."
PHOTO/S: @vhongx44 Instagram / CCTV screengrab courtesy of Alma Mallonga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results