GORGY RULA
Pasabog na "dyowa reveal" ang nasagap namin sa 20th anniversary celebration ng Macbeth apparel and footwear noong Sabado, Oktubre 8, 2022, sa Metrotent Convention Center, Pasig City.
Una naming namataan doon si Daniel Matsunaga na nakatayo sa bandang likuran ng stage.
Girlfriend niya pala ang Brazilian model na si Julia na rumampa suot ang Lady Macbeth at underwear collections nito.
Nagpaka-supportive boyfriend doon si Daniel na aligaga sa pagkukuha ng video sa naturang fashion show. Na-enjoy raw niya lalo na’t mahigit 20 banda ay nandoon para mag-perform.
Pagkatapos ng maiksing tsikahan sa magkasintahang Daniel at Julia, namataan namin doon ang bagong magsyotang sina DJ Rico Robles at Phoebe Walker.
Read: DJ Rico Robles, actress Phoebe Walker now in a relationship
Magti-three months pa lang ang kanilang relasyon at nakakatuwa ang suportahan nila sa isa’t isa.
Sabi ni Rico, “Ngayon, sumama siya sa trip ko, sumasama rin ako sa trip niya, kaya sabi ko, napapamahal na ako sa kanya.”
Ang mga trip daw ni Phoebe ay mga pelikulang horror, na kahit ninenerbiyos si Rico ay hindi niya alintana. Ikinatuwa naman ito ni Phoebe, dahil suportado at naiintindihan ni Rico ang pagiging artista niya.
“Iyon kasi ang problema ko sa dati, e. Parang hindi talaga tanggap yung work ko, kasi alam niyo naman po na nagdaan din ako sa sexy role,” pahayag ni Phoebe.
“Basta magaling kang mag-sexy, galingan mo! Basta galingan, galingan! Yun lang yun!” bulalas ni Rico.
May mga pelikulang ginagawa ngayon si Phoebe sa Viva Films at alam niyang suportado ito ni Rico.
Nag-enjoy rin ang magkasintahan sa mga bandang nagtugtog doon sa Macbeth 20th anniversary show.
Nag-perform sina Rico Blanco at Chelsea Alley. Pinagkaguluhan din ang mga bandang Written By the Stars, Mayonnaise, Chocolate Factory, Sandwich, Urbandub, Hilera, Soapdish, at Macbeth All Stars na sumabay sa kanilang fashion show.
JERRY OLEA
Nakisaya si Daniel Matsunaga sa Macbeth Music Festival: The 20th Anniversary kahit hindi siya endorser ng nasabing apparel.
Nagpaunlak pa si Daniel ng maikling interbyu sa mga taga-media.
Ani Daniel, “Super-traffic coming from Quezon City. Pero andaming tao. I came here to support my friends.
“And super-nice event. Dami sponsors! Andaming food. And ang ganda ng fashion show niyo, ang ganda ng mga damit. I’m very happy to be here.”
Humigit-kumulang 14 years na sa Pilipinas si Daniel pero sa pakiwari niya ay first time niya itong dumalo sa isang event ng nabanggit na apparel and footwear brand.
Ano ang pinagkakaabalahan niya these days? Anu-ano ang projects niya lately?
Nakangiting tugon ni Daniel, “Lately po, ahhh… being busy po with business.”
Nagbiro pa si Daniel na monkey business ang pinagtutuunan niya ng pansin.
“Mga crypto, ganun po. Very busy po,” pakli ni Daniel.
Inamin ni Daniel na mahigit one year na silang together ng girlfriend niyang si Julia.
Bago naging sila, ang huling naging girlfriend ni Daniel ay ang Polis model na si Karolina Pisarek.
Read: Daniel Matsunaga confirms breakup with Polish model Karolina Pisarek
Kinumusta namin kay Julia ang pagmo-model niya sa fashion show that night.
Sagot ni Julia, “It was really nice the way they did it with a live band.”
Kabilang pa sa mga nag-perform sa bonggang concert and fashion show ang Even, Snakefight, Sucketseven, Fragments, Chndtr, Fastpitch, Divina, Lilith, Shotgun Combo, Imbue No Kudos, at Rouge.
Sabi ni Rico Robles, nakiinom at naki-rock lang siya sa event.
Pahayag ni Rico, “Hindi nila alam na nandito na ako. I came from the States… I’ve been with Dickies, Macbeth since 1997.”
Sabi pa ni Rico, “Isinama ko siya, kasi si Phoebe Walker, malupet na aktres. Naging fan ako ng pelikula niya.
“I told her it’s a rock and roll event. ‘Sumama ka lang.’ Kasi masaya dito, e. Rakrakan pag Macbeth. Legit. Totoo lang!
“Fight lang tayo! Walang social media, walang ganyan. Kasi we live in a world na maraming pretension, e, di ba?
“Tayo, OK lang! Sa totoo lang! I’m sure, masaya! At ngayon, she asked me, ‘Mahal mo ba ako?’ Sabi ko, ‘Sandali.’ ‘Do you love me? I love you!’ sabi niya.
“Sabi ko, ‘I’m also with you. I know,’ sabi ko sa kanya. Thank you, ganyan.”
Mga 2017 pa sila magkakilala pero nag-umpisa ang kanilang relasyon halos tatlong buwan pa lang ang nakalipas.
Pagtatapat ni Rico, “Ka-gym ko siya pero may dyowa kami pareho noon. Pero noong pandemic, ako’y naniniwala na lahat nagdadaan sa sakit ng pandemic pero nung nakilala namin ang isa’t isa, I think it made sense.”
Pag-ayon ni Phoebe, “Yeah, masaya kami parehas.”
Sambot ni Rico, “So we put strength from each other at those times. So OK naman. OK naman.”
NOEL FERRER
More than Daniel, parang naging focused ang features kay Rico Robles at sa magaling na aktres na si Phoebe Walker.
Sana, makagawa pa ng maraming magagandang projects si Phoebe dahil maagang nakilala ang kanyang husay sa pagganap sa pelikulang Seklusyon kung saan siya naging best supporting actress ng MMFF 2016.
Sana all!
