GORGY RULA
Masaya ang pakikipagtsikahan ni Korina Sanchez-Roxas kay Raymond Bagatsing sa Korina Interviews nung Linggo, October 16, 2022.
Matagal na kasi silang magkaibigan. Sa katunayan, balak pa noon ni Korina mag-produce ng isang TV show na pagbibidahan ni Raymond. Ewan ko lang bakit hindi pa ito natuloy.
Ang nakakaaliw sa episode na ito ng Korina Interviews, sa simpleng tsikahan ng dalawa ay may nasasagap kang kuwento sa kanila.

Nakikita rin kung gaano sila kahilig sa mga hayop.
Sinabi ni Korina na love na love niya ang dogs at cats, na ang ku-cute ng alagang aso ni Raymond na si Zelda at ang pusa nitong si Mongke.
Na-in love na nga si Korina sa alagang aso ni Raymond na nakuha raw nito sa isang bundok na naakyat ng aktor.
Inimbita na rin ni Korina si Raymond na sumama sa kanya sa campaign nila laban sa dog slaughtering.
Ani Korina, “Let me take the opportunity to say, that I’m going to be recruiting Raymond to help me out with this bill in Congress to finally end dog slaughter.
“In this country, marami pa ring kumakain ng aso. Bawal na po 'yan. It’s a criminal act. So, dog slaughter, dog meat trade, so inhumane.
“I’m going to be recruiting you. And we’re going to make an appearance in Congress.”
Agree si Raymond sa ikinakampayang ito ni Korina kung saan magla-lobby sila sa Kongreso na isabatas ang pagbabawal sa pagpatay ng mga aso at pagbenta ng karne nito.
JERRY OLEA
Inamin din ni Raymond na nasa Dumaguete ang puso niya. Tagaroon ang non-showbiz girlfriend niya for two years, na madalas niyang dinadalaw.
Pero matagal munang nag-isip si Raymond bago niya nasagot ang tanong ni Korina kung handa na ba siyang mag-asawa muli.
Dalawang beses nang ikinasal si Raymond, at pareho iyong nauwi sa hiwalayan.
Una ay noong 2001, sa dating aktres na si Lara Fabregas, anak ng veteran actor na si Jaime Fabregas.
Pangalawa ay noong November 21, 2008, sa columnist/broadcaster na si Cora Pastrana. Noong panahong iyon ay 41 years old si Raymond, at 60 naman si Cora.
Read: Raymond Bagatsing and his two weddings
“I have a fear of a… nagka-trauma na kasi ako, e. Ang trauma for me coming from a broken family.
“Though hindi kami broken. It’s just a term na hindi nagkatuluyan yung mother and father ko. After five years, just separated, and I think that really affects a child growing up.
“As a child, I was able to bring all those angst and all those trauma into my work. But I feel na kaya ko ba? Kaya ko ba, you know… and I’ve lived like a nomad for so long.
"I was in Australia. Sa Australia ako lumaki. Sa Melbourne, Australia. It was only me and my mother.
“'Tapos, I also lived in the US when I was about early 10 years old, and I was supposed to migrate there for work, and I went to Australia, so medyo magulo.
"But, marriage… I like to surrender what I want, all my desires, all whatever ambitions.
“I think, I’m in the process of surrendering that to God’s will. And for some reason, when I do that, it they come even if you don’t seek it.
"So, yung marriage, I think if it’s meant, it will happen."
Natawa si Raymond sa follow-up question ni Korina kung hindi pa ba siya niyayaya ng kasalukuyang girlfriend.
“I do get there. I’m feeling…. I’m on the process. Grabe! I have to make this work. Para hindi naman masayang ang interbyung ‘to.
“Sorry. That’s a joke! Baka mamaya, awayin ako.”
NOEL FERRER
Dapat ding mapanood ng karamihan sa mga kabataang artista ang interview na ito ni Raymond dahil dito nakikita kung gaano siya ka-dedicated bilang aktor.
Kung paano niya pahalagahan ang project na tinatanggap niya. Kung paano niya pag-aralan ang role na ipinagkatiwala sa kanya.
Hindi biro ang trabaho ng isang aktor kung talagang sineseryoso mo ang career na ito, na dapat ay handa ka pagdating sa set.
Aniya, “You really have to study. Anu-ano ang mga methods. Anu-ano ang mga nagagamit mong technique para mailabas mo ang totoo.
"Kasi ang totoong aktor, hindi umaarte. Iyon ang sinasabi na, ‘acting is no acting. That’s the hardest thing.
“You have to get to know yourself really well para maalam mo kung 'makakaarte ba ako, totoo ba itong sinabi ko?' And throughout the film, dapat consistent ka.
“Kasi ang one sentence mo… one sentence can be okay, tapos biglang mamaya may lumabas na insecurity mo, iba yung sinabi mo, hindi pala totoo.
“Marami tayong ganyan e. Psychology. You have to find your own truth.
"So, it’s a very spiritual process in a way, and very psychological."
