Congressman Richard Gomez, tutol sa mandatory drug testing sa mga artista

by PEP Troika
Oct 22, 2022
richard gomez speech
Richard Gomez on going back to acting: “Why not? I have more time than being a mayor, so… in Congress, yeah, we’ll see. But then again, it depends on the script, 'no. I’m very script-based. I really take into account the quality of the material."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Matagal nang adhikain ni Richard “Goma” Gomez, representative ng fourth district ng Leyte, ang paglaban sa droga.

Ano ang saloobin niya sa panukalang mandatory drug testing sa mga artista?

“Para sa lahat. Huwag lang gawing i-specific na kailangang mag-drug testing dahil artista,” pagmamatuwid ni Goma noong Oktubre 17, 2022, Lunes ng gabi, sa Ormoc City Superdome.

“Hindi puwede, kasi masyadong discriminatory yun. Siguro maganda yung drug testing kung merong purpose.

“Like for example, mag-drug testing dahil kailangan sa trabaho, requirement siya. Yun, OK yun.

“Pero yung i-point out na specific na artista lang ang i-test dahil may mga artistang nagda-drugs, discriminatory yun!”

Noong 2016 na umupo si Goma bilang mayor ng Ormoc City, pinagtuunan agad niya ng pansin ang drug problem sa lungsod.

“Ito talaga ang drug capital ng Region VIII noong 2016. Drug capital. Yung droga was really at its peak, at its worst in the city,” pagbabalik-tanaw ni Goma.

“So, sabi ko sa tao, if I win as mayor, I am going to clean up the city. Of which I did.

“Tamang-tama kaming dalawa ni Presidente [Rodrigo] Duterte, nanalo. I spoke to him, I told him the problem.

“So, in less than six months, naging drug-free yung Ormoc City. It was a tough job, pero ganun talaga. You had to be strong about it.”

Nakilala ang dating administrasyong Duterte sa giyera nito laban sa droga.

Hindi inalintana ni Goma ang death threats noong “nililinis” niya ang Ormoc.

Aniya, “There were really drug operations and a lot of dark personalities died during those drug days.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang trabaho ng pulis. Pag lumaban talaga yung hinuhuli, the police will have to protect themselves.

“So, after six months, eight out of the Top 10 drug personalities na nasa Ormoc City were gone.”

Ang tinutukoy ni Goma ay yung mga inarestong drug suspects na napatay dahil nanlaban umano sa mga pulis.

Ngayong nasa Kongreso na si Goma, siya ang vice chairman ng komite kontra Dangerous Drugs.

Ang Ormoc ay tinagurian na ngayong "City of Beautiful City."

Ang saya-saya ng pagdiriwang nila ng 75th Charter Day, na ang pinaka-highlight ay nitong Oktubre 20, Huwebes.

Read: Regine Velasquez, bumirit ng kanta mula sa rooftop ng Ormoc City Museum

“At least, medyo… dahil hindi na ako ang mayor dito, mas relaxed na lang ako,” napangiting sabi ni Goma.

“Patingin-tingin na lang ako sa mga nangyayari dito. It’s totally different, e. Pag mayor ka, hands on ka, you do everything.

“Every day you make 10 to 15 decisions on different matters.”

Ang misis ni Goma na sa Lucy Torres-Gomez ang kasalukuyang mayor ng Ormoc.

richard & lucy speech

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Noon pa man ay seryoso si Cong. Goma sa ikinakampanya niya laban sa droga.

Kaya nung naging mayor sa Ormoc, isa ito sa tiniyak niyang mawala at nagawa niyang ibaling ang atensiyon ng mga kabataan sa mas kapaki-pakinabang na bagay.

Naging active sila sa sports at arts, na nakikita naman doon sa Ormoc. Sa kanilang munisipyo ay naka-display ang mga paintings ng mga tagaroon, dahil na-inspire sila ni Cong. Goma na ilabas ang galing nila sa pagpipinta at iba bang talentong meron sila.

Thankful din ngayon si Mayor Lucy Torres-Gomez dahil magmula nang sila raw ang nagsilbi sa mga taga-Ormoc, nandiyan ang suporta ng nakaupong Pangulo ng bansa.

Ani Mayor Lucy, “We’ve been very blessed to enjoy the support of every president. There was no president who was not good to us.

“PNoy [Noynoy Aquino] was very good to us. Si President Duterte was wonderful to us, then PBBM has also been just really really sincere and nice and wonderful to us.”

Dumalo si President Ferdinand Marcos Jr. sa selebrasyon ng kanilang 75th Charter Day noong Oktubre 20, Huwebes, kasama ang mga gabinete niya kagaya nina Tourism Secretary Christina Frasco, DPWH Manuel Bonoan, DILG Secretary Benhur Abalos, at iba pang undersecretary para ma-check ang mga nasimulan nilang proyekto.

“It shows the government is supportive of our programs also, and they took it as a chance to inspect the ongoing projects.

“Kasi ang relationship ng LGU at government is really synergistic. For them to be effective, the LGU has to perform, and for us to be effective sa LGU also and sa Congress, we need a president who will support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, it’s really a relationship,” dagdag pang pahayag ni Mayor Lucy.

NOEL FERRER

Naitanong din natin kay Congressman Richard Gomez ang pananaw niya ukol sa napag-uusapang pagba-ban ng Koreanovela.

Read: Senator Jinggoy Estrada clarifies statement about banning K-dramas in the Philippines

Sabi niya, hindi pagba-ban ang solusyon diyan, kundi bigyan pa ng suporta ang mga local productions para makabangon muli ang ating entertainment industry.

“Kung skill at puso rin lang, marami tayo niyan bilang mga Pilipino.”

At nang tanungin kung bukas ba si Cong. Goma na makagawa ulit ng project sa pelikula, mabilis siyang umoo.

“Why not? I have more time than being a mayor, so… in Congress, yeah, we’ll see,” sambit ni Cong. Goma.

“But then again, it depends on the script, 'no. I’m very script-based. I really take into account the quality of the material.

“I’m very fortune na a lot of classics, ngayon lumalabas, di ba? One or two films, kasama ako lagi, e. It’s a product of choosing you project well.”

May offers na ba sa kanyang magbalik-akting?

“Actually, tumawag nga si JoAnn Bañaga, kasi meron siyang international film na gustong gawin.

“Australian ang producer. Pero hindi ko alam kung magagawa ko. Kasi, yung mga ganung klase, it’s very hectic, e,” pagtatapat ni Cong. Goma.

Puwede ba siya sa lock-in shooting?

“Mahirap ang lock-in.”

Hindi siya talaga puwede sa TV series?

Mabilis na tugon ni Cong. Goma, “Sure ako, hindi. It’s mainly because may lock-in sila. I cannot be locked in taping for mga 30 days. I have work.”

Sana, matuloy ang pagbabalik aktor ni Goma soon. After all, Goma is not Urian’s Aktor ng Dekada for nothing.

Exciting ang prospects of Goma helping our industry and spurring change. Exciting din ang kanyang pagbabalik-pelikula if ever.

All the best, Goma!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gomez on going back to acting: “Why not? I have more time than being a mayor, so… in Congress, yeah, we’ll see. But then again, it depends on the script, 'no. I’m very script-based. I really take into account the quality of the material."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results