Regine Velasquez, bumirit ng kanta mula sa rooftop ng Ormoc City Museum

by PEP Troika
Oct 21, 2022
Lucy Torres, Richard Gomez
Tinatayang 60,000 katao ang nanood ng Shine: The Diamond Concert ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa Ormoc City. Ito ay handog nina Congressman Richard Gomez at Mayor Lucy Torres-Gomez para sa mga taga-Ormoc sa pagdiriwang ng 7th charter anniversary ng kanilang lungsod.
PHOTO/S: City of Ormoc Facebook

JERRY OLEA

Mahigit 60,000 tao ang nanood ng free concert nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid noong Oktubre 20, 2022, Huwebes ng gabi, sa Ormoc City Stage.

Shine: The Diamond Concert ang title ng palabas, na kaugnay sa pagdiriwang ng 75th Charter Day ng nasabing lungsod kung saan mayor si Lucy Torres-Gomez.

Read: Mayor Lucy at Congressman Goma, bongga ang mga pasabog sa 75th charter anniversary ng Ormoc City

Conservative estimate pa ng crowd yung 60,000. Tantiya ng iba, lampas 80,000 ang nanood.

Ormoc

“May mga fans kami from Cebu na dumayo,” sabi ni Ogie nang makatsikahan namin sa Ormoc City Museum after the concert.

Sambit ni Congressman Richard “Goma” Gomez, “May mga taga-Tacloban na nagpunta dito. Even yung mga taga-Southern Leyte.”

Napatango si Regine, “Kasi, wala namang nagpapa-concert na ganyan. Wala! Wala talaga!”

Buti, hindi umulan! Umepek ang dalangin ng Prayer Warriors ni Mayor Lucy!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umpisa pa lang ng free concert ay payanig na. May special participation ang El Gamma Penumbra, bago bumungad si Ogie na bumanat ng "Nandito Ako."

el penumbra ormoc

Di magkamayaw ang fans nang bumirit naman si Regine ng "Narito Ako" mula sa rooftop ng Ormoc City Museum. Spectacular spectacular!!!

regine velasquez ormoc

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahigit dalawang oras na kantahan at sayawan ang hatid ng OgRe, solo man o duet… o trio with Congressman Goma sa kantang "Bakit Ngayon Ka Lang."

Ormoc, Regine Velasquez, Richard Gomez

Ang ganda ng repertoire at repartee nina Ogie at Regine. Party-party!

Pagbati ni Ogie sa audience, “Magandang gabi po sa inyong lahat. Kami po ay nagagalak na naririto kami. Naku, palakpakan niyo po lahat ng nag-organisa ng event na ito.

“Andami-daming tao hanggang dun. Ayan, o! Andami ko talagang mga fans! Kita mo naman!”

“Grabe!” sambot ni Asia’s Songbird habang naghihiyawan at pumapalakpak ang mga manonood.

Regine Velasquez, Ogie Alcasid

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbibiro pa ni Ogie, “Alam ko naman na ako lang ang hinihintay ninyo,” na ikinatawa ng mga tao.

Sundot ni Regine, “Hindi mo pa nakita yung likod. Andaming syokoy sa likod. Ha! Ha! Ha! Ha!”

“Kumusta kayo diyan sa likod?!” sabi ni Ogie.

“Pasensiya na kayo, hindi niyo ako makita! Akala niyo diyan sa malayo, para lang akong maliit.”

Pag-ayon ni Regine, “Oo actually pero dito, maliit pa rin siya.”

Emote kunwari ni Ogie, “Grabe ka! Basher ka! Basher! Hoy, honey, ang ganda mo dun sa itaas, ha?!”

“E, kasi ang layo ko!” himutok-charchar ni Regine.

Ogie Alcasid

Sey ni Ogie, “Buti na lang, nanggaling ka dun sa itaas. Hindi ako ang inilagay doon! Kasi malululain ako! Malulula ako!”

Eklay ni Regine, “Hindi mo ba ako nakita? Tumawid ako from there to here!”

“Oo, nag-zipline ka nga!” pagsakay ni Ogie.

“Oo, nag-zipline ako. Sa bilis, hindi niyo nakita!” wika ni Regine.

“Hindi, sumakay ka sa broom mo!”

“Ano, witch?!”

Padyak ni Ogie, “Hindi! Mabuti na nga lang, hindi ako ang inilagay dun. Kasi, nalulula ako. Ginawa ako ni Lord, maliit lang, kasi pag lumaki ako nang konti, nalulula ako.”

“Ganun ba yun? O sige…”

regine ogie

Singit ni Ogie, “Teka muna! Gusto ko lang ikuwento. Kasi, pang-apat na beses ko nang nagpunta dito si Ormoc.”

Si Regine, first time pa lang pumunta sa lungsod na tinaguriang City of Beautiful People.

Pagpapatuloy ni Ogie, “Hindi ko makakalimutan itong Ormoc talaga. Nang nagpunta ako dito, sabi ko talaga nung nakita ko yung pangalang ORMOC, sabi ko… Talagang si Regine talaga ang nakatalaga para sa akin, e!”

“Bakit?”

“E, ORMOC, e! Only Regine Makes Ogie Complete. ORMOC!” bulalas ni Ogie, na umani ng masigabong hiyawan at palakpakan.

More and more and more ang lambingan, kulitan at harutan nina Ogie at Regine, pero siyempre, ang ikinasiya nang lubos ng mga tao ay ang kanilang kantahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bonggang-bongga ang pag-awit nila ng "Sana Ngayong Pasko" at "Pasko Na, Sinta Ko."

Makabagbag-damdamin ang rendition ni Regine ng "Usahay," na aniya’y nakatimo sa kanyang puso mula pagkabata.

Pinakagusto ko ay yung medley nila sa hulihan ng mga kanta ng Eraserheads na "Ang Huling El Bimbo," "Overdrive," "Ligaya," at "Magasin."

Pagkatapos ng free concert ay may fireworks display na kamangha-mangha rin!!!

GORGY RULA

Mukhang nasanay na talaga si Cong. Goma sa pagkanta dahil talagang nakipagtagisan din siya sa "Bakit Ngayon Ka Lang:" kina Ogie at Regine. Parang tumaas lalo ang boses niya at nakipagsabayan sa duet nila ni Regine.

Pero pagkatapos ng number na yun, kung saan ay naki-jamming si Cong. Goma, medyo nag-break ang boses niya nang magpasalamat siya sa mag-asawa.

Pinigilan niyang maiyak, pero emotional siyang nagpapasalamat kina Ogie at Regine dahil talagang pinasaya raw nila ang mga taga-Ormoc.

“I’m very happy because you know, sina Ogie at Regine are really good friends of ours,” pakli ni Cong. Goma.

“They came over to Ormoc perform for the people of Ormoc. So, I’m really very thankful and very happy.”

Sabi naman ni Mayor Lucy, they see to it na dapat the best talaga ang dinadala nilang mga performers para sa kanilang mga kababayan.

“Magdala ka ng talent, gawin mo nang the best,” sabi ni Mayor Lucy.

Ormoc, Lucy Torres, Richard Gomez

Magmula nang pumutok ang pandemya, itong Shine concert nina Ogie at Regine ang pinakamalaking show na nagawa nila. Kaya talagang ganado sila.

Lalo pang tumodo si Regine sa pagkanta dahil ito raw talaga ang hinahanap niyang show.

NOEL FERRER

Espesyal talaga ang Shine concert sa 75th Charter Anniversary ng Ormoc City dahil todo-bigay ang mga performers na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Na-miss din nila talaga ang pag-perform sa live audience tulad ng nangyari sa Ormoc kagabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Reg, “Buti na lang hindi umulan kasi, you know me,” aniya.

Salo ni Ogie, “She is Regina, Reign. Rain. She invites rain. But thank God we had such good weather."

Isa pa, talagang nakapag-emote siya sa kantang "Usahay" na itinuro raw sa kanya ng kanyang lola.

Nagpaunlak din ang mag-asawa na based on the songs of Moira, Ben and Ben, at ipa pang social media royalties.

At aminin natin, highlight talaga ng free concert ang pagkanta ni Cong. Goma ng “Bakit Ngayon Ka Lang” with the Songbird which was met with thunderous applause pagkatapos.

Memorable talaga ang show kagabi. Sana, marami pang ganitong pagkakataon na Love Love Love na lang at walang halong politika.

Wala rin tayong masabi sa napaka-extensive at explosive na fireworks display.

Alam kong nasa celebratory mood ang mga tao kaya wala na silang takot ma-cover lalo na sa PEP… Maghanda lang sila ng marami pang susunod dito!

Pagbati, Ogie & Regine and to the Ormoc Development Team. Job well done talaga!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinatayang 60,000 katao ang nanood ng Shine: The Diamond Concert ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa Ormoc City. Ito ay handog nina Congressman Richard Gomez at Mayor Lucy Torres-Gomez para sa mga taga-Ormoc sa pagdiriwang ng 7th charter anniversary ng kanilang lungsod.
PHOTO/S: City of Ormoc Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results