JERRY OLEA
“Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo/ Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro/ Nandirito kami ang barkada mong tunay, aawit sa iyo/ Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa, kami’y kasama mo…”
Refrain iyan sa "Awit ng Barkada" ng APO Hiking Society.
Bumubuhos sa social media ang posts kaugnay sa pagpanaw ni Danny Javier, 75, ngayong Lunes, October 31, 2022.
Read: APO member Danny Javier dies at 75
Tweet ng The CompanY: “The CompanY sends their deepest and heartfelt condolences to the family and friends of Danny Javier. Tight hugs to Jim Paredes and Boboy Garovillo. The APO help built OPM to what it is now. Your legacies are cemented for the ages. Thank you for Danny.”
Facebook post ni Audie Gemora: “Sad day. To quote Don McLean, ‘the day the music died.’ OPM has lost an icon -- Danny Javier. Like all great artists, his legacy will live on.”
Instagram post ni Direk Chris Martinez: “Maraming salamat sa musika mo, Sir Danny Javier. Di namin malilimutan ang mga awitin mo. Binigyan mo kami ng inspirasyon para gumawa ng mas marami pang sining.”
Facebook post ni Senator Bong Revilla: “Nakikiramay po tayo sa pagpanaw ng isa sa myembro ng Apo Hiking Society na si Mr. Danny Javier.
“Sadyang nakalulungkot po ang pagkawala ng isa sa mga naging pundasyon ng ating Original Pilipino Music o OPM.
“Rest in peace, Danny. Mananatili kaming nagpapasalamat sa musikang buong puso mong ibinahagi hindi lang sa aming mga Pilipino kundi sa buong mundo.”
Pinost naman ni Bibeth Orteza sa Facebook ang ilang linya ng kantang "Pumapatak Na Naman Ang Ulan" ng APO:
“Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay/ Di maiwasang gumawa nang di inaasahang bagay/ Laklak nang laklak ng beer sa magdamagan/ May kahirapan at di maiwasan/ Mabuti pa kayang matulog ka na lang/ At baka sumakit ang tiyan..."
Pahimakas ni Bibeth, “Tulog ka na. Godspeed!”
Tweet ni Senator Tito Sotto: “Danny! We were together frm 1972 to 74. Last time we met was in Beverly Place Country Club few years ago. We always had our private jokes. The industry will miss you, my Friend, but you will now be singing for a far greater audience!”
Facebook post ni Richard Reynoso: “He was one of the people I truly looked up to in the industry. He was my musical idol, my online game clanmate, my adviser, and my friend.
“Sayang, kap. Di na natin marerecord yung kanta with the OPM Hitmen. I guess God has other plans.
“Maraming salamat sa kuwentuhan, pagkakaibigan at pagmamahal. Pangako. Di kita malilimutan and you will be fondly thought of. Pahinga ka na, kap. Labyu!”
Facebook post ni Dulce: My loyal friend it's been a while since we've talked.. but I keep in my heart all the time your admonitions and reminders that even behind the chaos and darkness I face, we must cross the river, face the ground without fear, for ever The beginning of righteousness and truth is our weapon.
"Thank you so much dear friend and brother.. Let's take a rest.."
Facebook post ng comedian na si Eagle Riggs, “Rest with God APO DANNY JAVIER! Salamat sa mga masasayang panahong pinagsamahan natin sa tv show na ‘Sa Linggo nAPO Sila’ every Sunday at nung ginawa itong daily ng abscbn via ‘Sang Linggo nAPO Sila’ ay ipinagkatiwala mo sa akin ang pamimigay sa live viewers natin ang iyong PIDRO shirts thru Baranggay APO.
“Sing with the angels in heaven. You will forever be remembered.”
GORGY RULA
Sa October 24, 2022 mediacon ng bagong Kapuso afternoon drama series na Unica Hija, tinanong ng PEP.ph contributor na si Ruel Mendoza si Boboy Garrovillo kung posible bang magkaroon ng reunion concert ang APO Hiking Society.
Nauuso na rin lang ngayon ang reunion shows, may tsansa kayang magsama uli sina Jim Paredes, Boboy Garrovillo, at Danny Javier?
Sabi ni Boboy, na bahagi sa naturang afternoon drama, sa tingin niya ay malabo na silang magsama-sama uli para sa naturang show.
Aniya, “Actually, we’re all separated kasi si Jim is in Australia, but a lot times he’s here also in Manila. Still doing, writing songs and all.
“Danny is not well. He’s medyo may kahinaan, may karamdaman. He is recovering. He is recovering.
“Iyon po. Reunion, mukhang malabo yun. Di na possible.
“In fact, minsan kami ni Jim, we accept mga private invitations, mga party, dumadayo naman kami.”
Hindi na idinetalye ni Buboy kung ano talaga ang kalagayan ni Danny, dahil sinabi naman niyang recovering na ito. Pero matagal na kasing pinag-uusapang nasa banig ng karamdaman si Danny Javier.
Read: Boboy Garrovillo, kinumpirmang may karamdaman si Danny Javier
NOEL FERRER
Naiiyak pa rin ako dahil nang makausap ko sina Jim and Boboy noong pandemya at noong eleksyon, masaya sila na nagkakaisa muli ang paninindigan nilang tatlo matapos sumuporta kay Digong ang taga-Davao na si Danny.

“Never say never,” ang sabi sa akin ni Jim Paredes sa posibleng reunion nila.
“Of course, I long for that to happen, pero hindi ko alam kung I should look forward to it,” sabi ni Boboy.
“It may not even come in the form of a concert, baka something very private lang. Basta.”
At eto na nga, naiiyak pa rin tayo sa pagpanaw ng isang music great!
