PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo pay tribute to Danny Javier

Tanging ang APO Hiking Society ang nag-perform sa kasal nina Ryan at Juday.
by PEP Troika
Published Nov 1, 2022
APO Hiking Society at the wedding of Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos
Bahagi si Danny Javier at ang APO Hiking Society sa kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Batangas noong April 2009.
PHOTO/S: courtesy of Noel Ferrer (L); @ogiealcasid on Instagram (R)

NOEL FERRER

Madamdamin at lubhang malungkot ang teleserye queen na si Judy Ann Santos-Agoncillo nang magka-text kami tungkol sa pagkamatay ng APO Hiking Society member na si Danny Javier.

Tandang-tanda ko pa na sa kasal nila sa Batangas noong April 28, 2009, tanging ang APO Hiking Society lang ang napusuang mag-perform sa reception nina Juday at ang asawang si Ryan Agoncillo.

Destination wedding ito na secret —at dumating ang APO—Jim, Boboy at Danny para sa itinuturing nilang bunso sa ‘Sang Linggo nAPO Sila na si Juday nga.

Sabi ni Juday sa kanyang post (published as is): "My dearest tito danny… i will never forget your hugs, your smile.. your wisdom… how i nervously approached you to ask if APO could sing on our wedding day.. suntok sa bwan ang ginawa namin.. at buong puso nyo kaming pinagbigyan.. tinupad nyo at hinigitan pa ang mga pangarap na yun

"hindi natapos sa gabing yun ang pagka kaibigan natin.. nagkakamustahan pa rin tayo at nagkekwentuhan paminsan minsan… salamat tito danny.. salamat sa pagkakataong ibinigay mo para makilala kita ng husto.. nakakalungkot … mabigat.. pero ngayon.. tapos na ang paghihirap at sakit na dinaanan mo.. oras ng magpahinga at maging maligaya sa langit.. mahal ka namin…."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang aming alaga na si Ryan Agoncillo ay nagpadala ng mensahe para kay Tito Danny.

Ang sabi niya, “His voice is one third of the very first song we danced to as husband and wife. His memory will be forever cherished.”

Hanggang sa huling performance ng grupong APO sa Music Museum, magkakasama kami nina Ryan at Juday para ipakita ang solid na suporta at pagmamahal sa banda ng aming panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Mula pa kagabi ay trending na sa Twitter ang #DannyJavier. Naging bahagi naman talaga ng sambayanang Pilipino ang mga awitin ng APO Hiking Society. Mapa-showbiz man at pulitika, naging bahagi ang APO Hiking Society.

Kahit magkakaiba ng paniniwala sina Danny, Jim at Boboy. Iba ang pinapanigan sa pulitika, may impluwensiya sa mga tao ang kanilang boses at pananaw.

Itinutugtog muli sa radyo ang mga awitin ng APO at napapakinggan na naman natin ang boses ni Danny Javier.

Halos lahat na mga veteran singers, kagaya nina Zsa Zsa Padilla, Leah Navarro, Richerd Merck at marami pa, ay may mensahe para kay Danny na ipinu-post sa kanilang social media account.

Isa sa napaka-touching na mensahe ay mula sa presidente ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) na si Ogie Alcasid. Sabi ni Ogie sa kanyang Instagram account: “Napakarami kong alaala na ikaw ay hindi naging maramot sa pagbigay ng oras sa aming mga singer noong kami ay nagsisimula pa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang pagkakaalam ko pa nga ay ang OPM ay ikaw mismo ang nakaisip.

“Ilang beses din kami nagpunta sa inyong tahanan upang makipagsalo sa iyong pamilya. Ang aming mga noo’y maliliit na gigs ay iyong pinupuntahan para lang kami ay suportahan.

“Meron pa tayong nagawang kanta nag pinag-jamman. At sa inyong show sa Sa Linggo nAPO sila at ‘Sang linggo nAPO sila, napakaraming pagkakataon na tayo ay ‘nakaprod’.

“At siyempre noong naisapelikula ang inyong mga awitin at kami nina Gary, ZsaZsa, Uge, ang napiling gumanap na magulang sa musical na ito, magpahabang buhay na naitatak sa aming puso ang inyong legacy.

“Sobrang dami Danny. Wala kaming ibang masabi kundi-Salamat Sir. Salamat sa lahat. Mahal ka namin. Magpahinga ka na.

“Nakikiramay po kami sa lahat ng nagmamahal sa kanya.”

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang 2012 musical film na I do Bidoo Bidoo: Heto nApo Sila!.

JERRY OLEA

Facebook post ng multi-awarded writer-director na si Jose Javier Reyes, “We joked each other by claiming we were long lost cousins. He was always one to argue... and laugh. He was one to think on his own, never swayed by opinions. His was a voice that sang the music of a generation. His was the music that shall be eternal, embedded by our culture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mission accomplished, Sir. Have a safe trip home to the waiting arms of our Father, Pinsan. You shall be missed as you are so loved.”

Facebook post ng comedian na si Eagle Riggs, “Rest with God APO DANNY JAVIER! Salamat sa mga masasayang panahong pinagsamahan natin sa tv show na ‘Sa Linggo nAPO Sila’ every Sunday at nung ginawa itong daily ng abscbn via ‘Sang Linggo nAPO Sila’ ay ipinagkatiwala mo sa akin ang pamimigay sa live viewers natin ang iyong PIDRO shirts thru Baranggay APO.

“Sing with the angels in heaven. You will forever be remembered.”

Facebook post ni Dulce in Cebuano, “Matinud-anon nakong higala taud-taud nga wa na kita magkahinabi… apan akong gitigom sa akong kasing-kasing sa tanang panahon ang imong mga pahimangno ug pahinumdom nga bisan sa luyo sa kagubot ug kangitngit nga akong gisagubang, kinahanglan nga kita motabok sa suba, sukol sa sulog nga wa’y kukahadlok, kay sukad sa sinugdanan kaligdong ug kamatuoran mao da’y atong hinagiban. Daghang salamat pinalanggang higala ug igsoon... pahuway na…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang English translation ng FB post ni Dulce, “My loyal friend it's been a while since we've talked.. but I keep in my heart all the time your admonitions and reminders that even behind the chaos and darkness I face, we must cross the river, face the ground without fear, for ever The beginning of righteousness and truth is our weapon. Thank you so much dear friend and brother.. Let's take a rest...”

Kaakibat ng post ni Dulce ang video ng marubdob na pag-awit ni Danny, “Lahat tayo’y mamamatay/ Gusto mo bang makisabay?/ Saan mo nais humimlay/ Pag nawalan ka ng malay

“Sige, ako’ng mauuna/ Pangakong susunod ka, ha?/ Malungkot ang nag-iisa/ Mas masayang kasama ka “O sige, mauna ka na/ At susunod naman sila/ Mas masaya kung kasama/ Bitbit-bitbit mong barkada…”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bahagi si Danny Javier at ang APO Hiking Society sa kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Batangas noong April 2009.
PHOTO/S: courtesy of Noel Ferrer (L); @ogiealcasid on Instagram (R)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results