GORGY RULA
Ayaw pa ring magsalita ni Maureen Wroblewitz tungkol sa kumalat na litratong may kasama siyang napakaguwapong lalaki sa isang resort and wellness spa sa Siargao.
Read: JK Labajo posts cryptic message after ex-girlfriend Maureen Wroblewitz flexes new boyfriend
Ayon sa ilang taong malapit kay Maureen na napagtanungan namin, hindi pa raw boyfriend ito ng dating Asia’s Next Top Model.
Baka nasa dating stage pa lang daw sila, pero ang sure daway hindi pa committed si Maureen kahit kanino.
Hindi lang daw ang lalaking kasama nito ang nanliligaw sa dalaga, marami pa.
Mukhang hindi pa raw handa si Maureen na pumasok sa panibagong relasyon. Pero ang dami raw umaaligid at pumoporma na ang iba ay hindi na lang pinapansin ni Maureen.
Masugid lang daw ang lalaking nakita sa social media. Fil-Am daw ito na nag-aaral dito sa Pilipinas at nagmo-model din daw.
NOEL FERRER
Sana nga ay makatulong kay Maureen ang panahong ito to get her act together. Kasi, parang hinahanapan na rin siya ng mga tao ng clear artistic output aside from being a looker.
I was able to watch her in Take Me To Banaue, and you know na kailangan pa ng push at pagsasanay sa kanyang pagiging aktres.
Saan ba magaling si Maureen aside from sabihing maganda siya? Iyan ang dapat niyang mahanap, hindi muna ang lovelife, para makita rin niya ang silbi niya sa ating industriya.
JERRY OLEA
May panibagong yugto pa kaya ang pag-iibigan nina Maureen at JK Labajo sa ilalim ng puting ilaw sa dilaw na buwan?
1… 2… 3… awit!
“Ako’y sa yo, ika’y di akin/ Ganda mo pa rin sa paningin/ Ako ngayo’y nag-iisa/ Umaasang ako’y tabihan na…”
