JERRY OLEA
As expected, nanguna pa rin sa takilya ng North America last weekend (Nobyembre 18-20, 2022) ang Black Panther: Wakanda Forever.
Naka-$66.5M ito sa takilya ng US at Canada, malaki pa rin ang agwat sa pumangalawa, ang bagong bukas na The Menu na naka-$9M.
Iyong bagong bukas ding She Said ay nasa pang-anim na puwesto, at $2.2M ang domestic gross sa first weekend.
Ang worldwide gross ng Black Panther: Wakanda Forever ay mahigit $545M na. Bale pangwalo na ito sa pinakamalalakas ng pelikula globally this year.

So far, ang top 7 na pinakabongga ang worldwide gross ngayong 2022 ay Top Gun: Maverick ($1.5B), Jurassic World: Dominion ($1.0B), Doctor Strange in the Multiverse of Madness ($956M), Minions: The Rise of Gru ($937M), The Batman ($771M), at Water Gate Bridge ($627M).
Noong Nobyembre 16 nag-umpisa ang theatrical exhibition ng Mahal Kita, Beksman ni Christian Bables, kasabay ang Prey for the Devil at The Menu.
Mag-o-open bukas, Nobyembre 23, sa local cinemas ang pelikulang An Inconvenient Love na bida sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Makikipagsalpukan ito sa foreign films na Strange World, She Said, Bones and All, at The Ghosts of Monday.
Siyempre pa, marami na ang nasasabik mapanood sa local cinemas ang Avatar: The Way of Water umpisa Disyembre 14. Kasabay nito ang showing ng launching film ni Jeric Gonzales na Broken Blooms.
Bale labing-isang (11) araw lang muna mapapanood sa mga sinehan natin ang inaabangang Avatar: The Way of Water. Ang 48th Metro Manila Film Festival kasi ay mag-uumpisa sa Disyembre 25, at tatagal hanggang Enero 7.
If ever, sa Enero 8 magpapatuloy ang showing ng sequel ng Avatar (2009) ni Direk James Cameron.
Take note na ang epic sci-fi na Avatar ang pinakamalakas na pelikula worldwide (hindi adjusted sa inflation) sa kasaysayan. Lampas $2.9B ang worldwide gross ng Avatar, kaya isang film event ang showing ng sequel nitong Avatar: The Way of Water.
Ang target noon ni Direk James Caneron ay 2014 i-release ang sequel ng Avatar, pero na-delay iyon at noong Agosto 2017 sinimulan ang principal photography nito.
Kasabay nang syinuting nito ang Avatar 3, at noong Setyembre 2020 natapos ang filming after more than three years.
Ang production budget ng Avatar: The Way of Water ay $250M. Isa ito sa most expensive films of all time.
![]()
Traditionally ay mahihina ang mga pelikulang ipinapalabas sa local theaters kung Disyembre bago ganapin ang MMFF. But Avatar is Avatar is Avatar!!! Makaapekto kaya sa 48th MMFF ang showing ng Avatar: The Way of Water?
Siyanga pala, pormal na nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at BingoPlus noong Nobyembre 15, Martes.
Ang BingoPlus, isang online bingo game platform na ino-operate ng AB Leisure Exponent, Inc. at lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang main sponsor at presentor sa pagdaraos ng 2022 MMFF.
Ang MOA signing ay pinangunahan nina MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, BingoPlus President Rafael Jasper Vicencio, at MMFF Marketing Committee Chairperson Maria Anicia Naval.
NOEL FERRER
Sana, magtuluy-tuloy na talaga ang pagbabalik-sinehan ng mga kababayan natin.
Sana rin, makahanap na tayo ng paraan na babaan pa ang ticket prices. Kung hindi man ma-waive ang mga taxes, baka mai-subsidize ng pamahalaan ang kahit kalahati man lang ng presyo ng babayaran — like the usual P400 can go down to kahit P200 man lang.
Ang kilo ng sibuyas ay nasa P300 na pataas. Hindi na talaga sila nagkakalayo sa presyo ng pagpanood ng pelikula. Matuk ninyo iyan?
GORGY RULA
Talagang magba-"Balik Saya" kung magawa sanang ipababa ang presyo ng ticket.
Iyon sana ang isinususog ni Senator Jinggoy Estrada na magkaroon ng tax holiday sa ating local films na ipalalabas sa mga sinehan. Maganda sana kung maihahabol ito sa darating na Metro Manila Film Festival 2022.
Suportado rin ito ni Senator Bong Revilla pero hindi lang daw nila matiyak kung maihahabol sa darating na 48th MMFF. Kung matutuloy kasi yun, puwedeng pababain ang presyo ng ticket sa mga sinehan.
Nagsisimula na nga ngayong ipalabas ang trailer ng mga official entry sa MMFF.
Ewan kung magagawan ng paraan ng My Father, Myself na mabawasan ang pagiging mapangahas nito para hindi mabigyan ng R-18 ng MTRCB. Pag R-18 kasi, hindi puwede sa SM Cinemas.
E, sa trailer pa lang ng My Father, Myself, mainit na ang halikan nina Jake Cuenca at Sean de Guzman.
Read: Sean de Guzman at Jake Cuenca bigay na bigay sa kanilang mapangahas na eksena
Ang trailer ng family drama na Family Matters naman ay kinagiliwan na ng mga manonood. Kumukurot sa puso ang mga hinaing ng mga karakter nina Noel Trinidad at Liza Lorena.
Ayon sa Cineko Productions, mahigit 27M views na ang trailer ng Family Matters across all platforms in six days.
Read: Trailer ng MMFF 2022 entry na Family Matters, umabot na sa 5M views
Nung Lunes, November 21, naman ipinalabas ang trailer ng Nanahimik ang Gabi ng Rein Entertainment na pinagbidahan nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo.
Sa trailer pa lang, ramdam mo na ang pagka-suspense thriller nito na sinulat at idinirek ni Shugo Praico. Iba ang atake rito ni Direk Shugo na tingin ko, iba ang ihahain nito sa mga manoood.
Read: Ian Veneracion plays sugar daddy to Heaven Peralejo in Nanahimik ang Gabi
Siyempre pa, lilikha rin ng ingay ang Mamasapano: Now It Can Be Told na bida sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, at Paolo Gumabao. Ayon sa producer na si Atty. Ferdie Topacio ay nakakalungkot ang trahedya ng Mamasapano, pero hopeful naman daw ang ending ng movie.
Read: Mamasapano producer wants to shake up the Metro Manila Film Festival
Kabilang pa sa MMFF 2022 entries ang Deleter ni Nadine Lustre, My Teacher nina Joey de Leon at Toni Gonzaga, Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi, at Labyu with An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.
