PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DonBelle movie na An Inconvenient Love, naka-P4M sa first day?

An Inconvenient Love, tinatayang kikita ng P40 to P45 million.
by PEP Troika
Published Nov 24, 2022
donbelle an inconvenient love
Donny Pangilinan and Belle Mariano star in "An Inconvenient Love," the first movie of Star Cinema to be shown in cinemas this year.
PHOTO/S: Star Cinema

JERRY OLEA

Dinumog ang DonBelle tandem nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kanilang 24Ever Tour para sa bagong movie nilang An Inconvenient Love.

Sa red-carpet premiere ng movie noong Nobyembre 22, 2022, Martes ng gabi, ay dumagundong ang dalawang sinehan sa SM Megamall.

Magandang pahiwatig ito para sa pagbabalik-sinehan ng Star Cinema. Ito ang una at nag-iisang movie ng Star Cinema this year.

Ang huling iprinodyus nila ay ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 official entry na Love At First Stream kung saan bida sina Daniela Stranner, Anthony Jennings, Kaori Oinuma, at Jeremiah Lisbo.

“Very Star Cinema feels ang story at formula ng An Inconvenient Love. Mahusay ang dalawang bida sa drama at pagpapakilig,” sabi ng vlogger na si Byx Almacen na nanood sa premiere night.

175 sinehan ang nakuha ng An Inconvenient Love para sa opening day kahapon, Nobyembre 23, Miyerkules.

Ipinamalita sa socmed na sarado pa ang TriNoMa cinemas, pila-pila na ang DonBelle fans na naghihintay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre pa, may meet-and-greet sina Donny at Belle sa piling block screenings kahapon.

Apat na banyagang pelikula ang kasabay ng An Inconvenient Love na nag-open sa local cinemas — Bones and All, Strange World, She Said, at The Ghosts of Monday.

Ayon sa source ng PEP Troika, umabot sa P4M ang first-day gross ng An Inconvenient Love.

NOEL FERRER

Nanood ang isang kilala kong GMA-7 executive at sinabing maganda ang pelikula, ha!

Wala raw siyang expectation sa pelikula at all, pero endearing ang mga artista at okay raw ang ensemble.

Sana nga ay mag-pick up pa ito ngayong weekend. Papanoorin ko ito sa imbitasyon ng aking kaibigang Maricel Laxa, ina ni Donny.

At siyempre rin, kasama sa pelikula ang inaanak kong si Precious Lara Quigaman na malapit din sa DonBelle.

Kailangang simulan na nating ipakita na safe na safe nang magbalik-pelikula, lalo na kung ito ay maganda!

Game na, find convenience in watching An Inconvenient Love.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Magaling naman talaga ang promo team ng ABS-CBN. Napasikat nila ang DonBelle sa gitna ng pandemya at nawala pa ang franchise ng TV network na ito.

Idinaan nila sa social media at mall shows ang promo ng pelikula nila. Kaya okay na ang P4M na first-day gross ng naturang pelikula.

Ang playdate pa naman nila ay nasa pagitan ng Black Panther: Wakanda Forever (Nobyembre 9) at Avatar: The Way Of Water (Disyembre 14).

Sana napu-promote pa rin nang mabuti ang bagong DonBelle movie dahil kailangang ma-maintain ang kita nito sa takilya. Ang dinig kasi namin, ang tina-target nilang box-office returns ay P80M.

Ayon sa ilang experts na napagtanungan namin, mukhang mahirap abutin iyon. Ang posibleng kitain daw nito ay nasa P40M to P45M sa buong showing nito.

Sa totoo lang, malakas na ito kung ikukumpara sa ibang pelikulang ipinalabas sa mga sinehan.

Sana, magtuluy-tuloy ang pagbabalik ng interes natin sa panonood sa mga sinehan, kahit may kamahalan ang ticket.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga susunod na linggo ay pahirapan na ito sa ilang mga pelikulang ipalalabas.

Naka-schedule na ang pelikulang Ang Kwento ni Makoy ni Buboy Villar at ang Call Me Papi nina Enzo Pineda, Albie Casiño, at iba pang hunks sa December 7. Kasabay nito ang animated film na Puss in Boots: The Last Wish.

Malaking challenge sa Ang Kwento ni Makoy at Call Me Papi kung mapapalakas nila ang ganitong playdate.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donny Pangilinan and Belle Mariano star in "An Inconvenient Love," the first movie of Star Cinema to be shown in cinemas this year.
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results