PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong Navarro wants to spend time with family after release

Legal team ni Vhong, handa na sa hearing ng rape case na isinampa ni Deniece.
by PEP Troika
Published Dec 8, 2022
Vhong Navarro fetched by wife Tanya Bautista after court issued an order of release
Atty. Maggie Abraham-Garduque (left) on client Vhong Navarro after his release from prison: "Nag-a-adjust pa siya and up to now hindi pa siya makapaniwala na nakalaya na siya. I even advised him na kailangan mo na mag-take ng melatonin para makatulog. Kasi nga, alam mo yung feeling na gigising ka na wala ka na dun." With them in this photo is Vhong's wife, Tanya Bautista.
PHOTO/S: Courtesy: Niko Baua of ABS-CBN News on Twitter

GORGY RULA

Nagpapahinga muna si Vhong Navarro, kasama ang kanyang pamilya, matapos payagan siyang pansamantalang makalaya noong Martes, December 6, 2022.

Read: RTC allows Vhong Navarro to post P1M bail for rape

Ganundin daw ang isa sa mga legal counsel niyang si Atty. Maggie Abraham-Garduque, na sobra raw na-stress sa paghihintay sa resolution ng petition for bail na isinumite nila kaugnay sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong.

Nagsisigaw, nagtatalon, at napaiyak daw si Atty. Maggie pagkatapos niyang i-print ang email ng resolution na ipinadala sa kanya.

Napapanaginipan na raw niya iyon bago pa man ibinaba ang resolution. Kaagad daw nilang tinrabaho ang mga requirement para sa bail na PHP1 million para makalabas si Vhong sa araw na iyon mismo.

Nakapanayam namin si Atty. Maggie sa DZRH nung Miyerkules, December 7, isang araw pagkatapos makalabas ni Vhong sa Taguig City Jail.

Tinext daw niya si Vhong para kumustahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ng abugada, “Sabi niya sa akin, nag-a-adjust pa siya and up to now hindi pa siya makapaniwala na nakalaya na siya.

“I even advised him na kailangan mo na mag-take ng melatonin para makatulog. Kasi nga, alam mo yung feeling na gigising ka na wala ka na dun.

“So, naiintindihan natin yung ganung sitwasyon ni Vhong na nag-a-adjust talaga siya.”

Napag-usapan na raw nilang hindi muna babalik sa trabaho si Vhong dahil gusto nitong magpahinga kasama ang kanyang pamilya, at makasama ang mga ito sa pagdiriwang ng Pasko.

“Sabi niya, magpapahinga muna siya and, of course, he wants to spend the Christmas with the family. And this holiday, of course, he wants to spend it with the family.

“Ang sabi niya sa akin, if that would not be changed, mga January na siya babalik ng work,” dagdag na pahayag ni Atty. Maggie.

Read: Vhong Navarro, sa January 2023 pa babalik sa It's Showtime?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa February 16, 2023 ay sisimulan na raw ang hearing para sa kasong rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong. Matagal na rin daw nila itong napaghandaan.

Read: Court ruling shows Deniece Cornejo "inconsistencies" during cross-examination; Vhong Navarro lawyer speaks up

“On our part, handang-handa po ang defense with regard to this. In fact, as early as in the petition for bail, ipinakita naman po ng defense how we are prepared.

“Lahat naman po na documents were marked and which we used also for the petition for bail. Ready naman po yan. Eight years ago pa po yung case na ito. So, napag-aralan naman po nang mabuti,” sabi pa ni Atty. Maggie.

NOEL FERRER

Kailangan din daw nilang pag-usapan ang security ni Vhong ngayong nasa labas na ito. Hindi pa raw nila ito napag-usapan paglabas ni Vhong.

Lahad ni Atty. Maggie, “Hindi na namin natanong si Tanya regarding that, pero yung kahapon naman, we made sure that he’s also secure until such time na makarating siya ng bahay. In-assist po siya ng mga lawyers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ina-assure namin yung security niya. Maybe we have to have another conference with Tanya and Vhong with in the week or by next week to be able to assess also on their fears regarding to his security.”

Hindi lang security ni Vhong kundi pati na ang malalapit dito ang kailangan ding isaalang-alang.

Read: Tanya Winona Bautista-Navarro fears for husband Vhong Navarro’s safety if transferred to Taguig City Jail

JERRY OLEA

Nagpapasalamat si Atty. Maggie sa pagtitiwala ni Vhong sa kanya at sa buong legal team nito.

Sabi niya, “Nagpapasalamat ako kay Vhong sa pagtitiwala niya na pina-handle yung kaso. All the while, hindi nagkaroon ng doubts si Vhong sa buong miyembro ng legal team para depensahan siya.

“Never nagtanong yang si Vhong at nagkaroon ng doubt kapag nagkakaroon ng trial o ng hearing. Lagi niyang sinasabi na may tiwala siya sa lawyer niya at naniniwala siya na lalabas ang totoo, dahil wala naman talaga siyang ginawang masama. Iyon ang lagi niyang sinasabi sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And the faith of Vhong to God is always there. Yun ang lagi kong maa-attest sa lahat na pag kinakausap ko siya, naniniwala na siya na lalabas din ang totoo.

"And thank you very much Vhong for that inspiration that gave to us your counsels, and because of that, you gave us that strength.

“Patuloy pa rin naming hinihingi ang strength ni Vhong, kasi hindi pa rin kasi tapos ang kaso.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atty. Maggie Abraham-Garduque (left) on client Vhong Navarro after his release from prison: "Nag-a-adjust pa siya and up to now hindi pa siya makapaniwala na nakalaya na siya. I even advised him na kailangan mo na mag-take ng melatonin para makatulog. Kasi nga, alam mo yung feeling na gigising ka na wala ka na dun." With them in this photo is Vhong's wife, Tanya Bautista.
PHOTO/S: Courtesy: Niko Baua of ABS-CBN News on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results