PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon on missing posters of three MMFF 2022 entries

Joey de Leon, na-miss ang mga dating kasamahan sa StarTalk.
by PEP Troika
Published Dec 12, 2022
joey de leon my teacher presscon
Pagkatapos ng ilang taon ay muling nakaharap ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon ang entertainment press sa mediacon ng MMFF 2022 entry na My Teacher.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Na-enjoy ni Joey de Leon nang humarap siya sa entertainment press para sa mediacon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry ng TinCan at Ten17 Productions, ang My Teacher, sa Winford Manila Resort and Casino, ngayong Lunes, December 12, 2022.

Bukod sa mga bida ng pelikula na sina Joey at Toni Gonzaga, dumalo rin sa mediacon ang co-stars nilang sina Carmi Martin, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Pauline Mendoza, Kych Minemoto, at Isaiah dela Cruz. Pati na ang direktor ng pelikula na si Paul Soriano.

Natuwa si Joey dahil nakakabalik na tayo sa normal, at nakikilala pa raw niya ang karamihan ng press.

Aniya, “Natutuwa ako na namumukhaan ko pa. Ibig sabihin, malinaw pa ang pag-iisip ko. Namumukhaan ko pa ang iba. Kayo!

“Sabi ko nga, iba na ngayon, hindi na masyado mga diyaryo. Oo, blogger na mga yan, sabi ni Toni.

“May nagbago, at siyempre, nami-miss ko rin sina Lolit [Solis], si Butch Francisco, sina Heart Evangelista. Nakakatuwa lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Lolit, Butch, at Heart ay mga kasamahan ni Joey sa defunct showbiz-oriented talk show ng GMA-7 na Startalk.

Read: FAREWELL TO STARTALK: 10 Most Explosive stories and moments

Pero may sumbong lang si Joey tungkol sa slight na reklamo niya na sana ay makarating sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang namamahala ng 48th MMFF.

Ani Joey, “Sa kahabaan ng Quezon Boulevard, kinukuwento ko kay Carmi, napadaan ako, Direk [Paul]. Nagsusumbong din ako. May mga poster sa gitna, nakalagay, ‘Balik Saya,’ di ba?

“Pero wala yung tatlong pelikula — yung kay Coco [Labyu with an Accent], kay Vice Ganda [Partners in Crime], at saka yung sa atin. Hindi ko nakita.

“Yung nandun sa anak ko, kay Ian Veneracin, sa Joey and Son, yung Nanahimik something [Nanahimik ang Gabi]. Yung Deleter; yung si Family something [Family Matters]; yung My Father, Father [My Father, Myself]. Paulit-ulit sila. Siguro tigtatlo, tig-apat yung nakita ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero wala yung tatlong pelikula. Ako ho ay nagsusumbong. Bakit, Direk, bakit wala tayo? E, baka hindi pa nakabit.”

Napansin din pala ito ng ilang press na napadaan sa Quezon Boulevard.

Sana, makarating ito sa MMDA para malaman natin kung paano nila napu-promote ang walong pelikulang kalahok na mabigyan ng parehong exposure.

JERRY OLEA

Napanood ko ang omnibus trailer ng 48th MMFF sa sinehan, at nabigyan doon ng kaukulang highlights yung walong official entries. Naka-post iyon sa Facebook page ng Metro Manila Film Festival noon pang Disyembre 1.

Sa MMFF 2022 Parade of Stars sa Disyembre 21, kani-kanyang paandar ang bawat float.

Yung “isyu” na waley pa ang posters ng ibang kalahok na pelikula, nawa’y malinawan sa lalong madaling panahon.

Sa Disyembre 14, Miyerkules, ay raratsada na sa local cinemas ang Avatar: The Way Of Water.

Curious tayong pagkumparahin ang hatak nito sa moviegoers kumpara sa resulta sa takilya ng MMFF 2022 movies — may posters man o wala sa Quezon Boulevard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Tungkol sa "Balik Saya" campaign, baka may iba’t ibang versions ito at ang natapat ay yung ibang cluster siguro ng mga pelikula at hindi nakasama yung kina Tito Joey. I’m sure may version sa campaign na kasama ito.

Pero tama ang sinabi ninyo, mga ka-Troika! Napaka-challenging ng panahon na kailangang i-market talaga ang pelikula. Hindi na sapat ang mag-presscon lang.

Dapat may iba’t ibang paraan ng pagpo-promote para sa pelikula. At ang karaniwang pinagpapala rito ay ang mga masisipag mag-promote hindi lang sa social media kundi on ground.

Sana lang talaga, medyo makaluwag-luwag ang bulsa ng mga kababayan natin para gumastos sa panonood ng pelikula sa sinehan. Sana.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng ilang taon ay muling nakaharap ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon ang entertainment press sa mediacon ng MMFF 2022 entry na My Teacher.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results