GORGY RULA
Dahil sa pagpapa-sexy ni Heaven Peralejo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry ng Rein Entertainment na Nanahimik ang Gabi, posibleng masundan pa ng projects na mapapasabak siya sa sexy scenes.
Hindi naman matiyak ni Heaven kung gagawin pa niya dahil tiyak na kokontra na raw ang kanyang ina. Kaya sure na sure siyang hindi siya makakagawa ng isang erotic film para sa Vivamax.
Read: Heaven Peralejo, payag bang tawaging "sexy star" pagkatapos ng Nanahimik Ang Gabi?
“Hindi ko kaya. Ibibigay ko na sila dun. Mas magaling sila dun kesa sa akin,” bulalas ni Heaven sa tanong kung okay bang gumawa siya ng pelikula para sa Vivamax.
Iba na nga ang tingin ng ibang artista sa Vivamax, may impression na hubadero o hubadera ka na.
Kaya ang tigas ng tanggi ni Ronnie Alonte sa presscon ng My Teacher nang tinanong kung okay rin ba sa kanyang lumabas sa pelikulang pam-Vivamax.
Hindi naman apektado ang ilang Vivamax stars sa reaksiyon ng ilang aristang ayaw mapabilang sa kanila.
Sabi ni Julia Victoria ng six-episode series na Lovely Ladies Dormitory, “Alam ko rin naman na nababaan sila sa ginagawa namin sa Vivamax.
“Sa akin naman, wala akong pakialam kung ganun ang tingin nila. As long as may nakaka-appreciate sa ginagawa namin.
"Yun yung titingnan kong mahalaga para sa akin. Hindi ko kasi masyadong iniintindi ang mga ganyan.
"Kung ayaw nila sa ginagawa namin, e… iba yun e, iba sila.
“May kanya-kanya naman talaga tayong ano…wala naman akong problema dun kung iyun ang gusto nila.”

Julia Victoria
Ganundin ang pahayag ni Andrea Garcia, na kasama rin sa Lovely Ladies Dormitory.
“Alam ko na mababa ang tingin ng ibang mga artists, ibang mga tao sa Vivamax. But Viva is not just a sexy platform, it offers a lot.
“Ang sa akin lang naman, wala rin akong paki, e. I love what I’m doing.
"My family is proud of me, and wala akong tinatapakang tao sa ginagawa kong career.
“So, pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. As long as I’m happy, deadma!”
Si Andrea Garcia ay apo ng beteranang aktres na si Marissa Delgado, at suportado raw ng kanyang lola ang paghuhubad niya sa mga nagawa niyang Vivamax movies.

NOEL FERRER
Ganoon ba ang level ni Heaven Peralejo after Nanahimik Ang Gabi? Sexy star na pam-Vivamax?
Parang hindi naman yata papayag din si Direk Lino Cayetano na siyang nakipag-usap sa ABS-CBN para hiramin si Heaven para sa kanilang MMFF 2022 entry na PG-13 ang rating mula sa MTRCB.
The good thing lang is that, marunong si Heaven bumalanse at may artistic goals din siya kaya hindi siya yung papayag magpa-exploit lang.
As for Andrea Garcia, let’s leave it at that, she’s proud of what she’s doing kaya, walang basagan ng trip.
Let us see how the audiences react to both their outputs. Good luck!
JERRY OLEA
Karaniwan na sa Vivamax babes ang nagbubuyangyang ng butt at boobey, nagsasariling-sikap, at kaldag kete kaldag, wagas kung tumuwad-tuwad sa serye o pelikula.
Ang iba, walang kiyeme sa pagsubo ng prosthetic penis. Patibayan talaga ng loob para magampanan ang mga mapangahas na eksena.
Tuluy-tuloy ang pamamayagpag ng Vivamax kaya marami ang nabibigyan ng trabaho at naaambunan ng pagpapala.
Streaming na ang pelikulang Laruan umpisa ngayong Disyembre 16, Biyernes. Tampok dito sina Franki Russell, Ava Mendez, Jay Manalo, at Kiko Estrada, sa direksyon ni Yam Laranas.
Sa Disyembre 18, Linggo, naman matutunghayan ang unang episode ng Lovely Ladies Dormitory kung saan bida sina Andrea Garcia, Hershie de Leon, Yen Durano, Tiffany Gray, at Julia Victoria. Idinirek ito ni Mervyn Brondial, at nasa cast din nito sina Alma Moreno, Nico Locco, Massimo Scofield, Shirley Fuentes, Yuki Sakamoto, Mauro Salas, Isadora, at Alan Paule.
December 23 ang streaming ng pelikulang An Affair to Forget starring Sunshine Cruz, Allen Dizon, Angela Cervantes, Karl Aquino, Quinn Carillo, and Jiad Arroyo, sa direksiyon ni Louie Ignacio.
Pasabog sa Disyembre 30, Biyernes, ang Bugso nina Sid Lucero, Ayanna Misola, at Hershie de Leon, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.
Pambuena mano ng Vivamax sa Enero 6, 2023, Biyernes, ang Panibugho nina Kiko Estrada, Angela Morena, Stephanie Raz, Micaella Raz, at Benz Sangalang, sa direksiyon ni Iar Arondaing.
At any rate, nakakatuwa na suportado si Andrea hindi lang ng lola niyang si Marissa Delgado, kundi maging ng kapatid niyang si Jet Delgado.
Lumabas si Jet sa Vivamax movies na Pornstar 2: Pangalawang Putok at Tahan. Medyo conservative si Jet at hanggang pa-puwet lang ang kaya niyang gawin, kaya siguro minabuti niyang magpursigi na lang sa pagmomodelo.
