PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aneeza, ginabayan ni Glydel sa pelikula

Aneeza Gutierrez, hindi priority ang pag-aartista
by PEP Troika
Published Jan 4, 2023
glydel mercado daughter aneeza
Aneeza Gutierrez on mom Glydel Mercado: "Every night po… kasi I receive po the script parang three days o four days before the shoot. So, parang medyo mahirap nga po. My mom was really, like, 'We should memorize.'”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Hindi pinilit ng mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado na pasukin ng panganay nilang si Aneeza Gutierrez ang pag-aartista.

Si Aneeza ay co-star ni Joaquin Domagoso sa pelikulang That Boy in The Dark na nakatakdang mag-showing sa January 8, 2023, Linggo.

Read: Aneeza Gutierrez prioritizes school, part-time job in Singapore over showbiz career in PH

Kuwento ng producer ng pelikula si Daddie Wowie Roxas, tinanggihan ni Aneeza ang project na ito nang unang inalok sa kanya kaya naisip nilang kunin ang isang anak nina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.

Kabilang din sa pelikula si Glydel.

Ang ginawa ng aktres, pinabasa raw niya kay Aneeza ang script para sabihin sa kanya kung okay ba ang role ni Glydel at kung maraming mahahabang lines.

Ang ginawa ni Aneeza, pinag-aralan daw niya ang role na Ellie na unang inalok sa kanya.

“Sa kanya ko pinabasa yung role ko, yung mga dialogue ko,” kuwento ni Glydel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang binasa pala niya, yung role ni Ellie, yung character niya dapat. So, tapos nung pagbalik niya sa akin after an hour, kinumusta ko kung marami ba akong lines o scenes.

"Sabi niya, ‘Mom, I love the role of Ellie.’ ‘Ha? Bakit mo binasa yung Ellie, akala ko, ayaw mo mag-artista?’ ‘I like it,’ sabi niyang ganun.

“'So, ano, tatawagin ko si Daddie na okay ka na?' 'But I’m shy,' sabi niya. 'No, I will help you sa mga lines mo kasi puro Tagalog.'”

that boy in the dark

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natapos ni Aneeza ang pelikula sa paggabay ng kanyang mommy.

Pahayag ni Aneeza, “Naka-adjust naman ako. Since my parents naman di ba? So, parang nakasanayan ko na din in a way. It’s a fun experience.”

Pero hindi ang pag-aartista ang gustong propesyon ni Aneeza. Naka-focus siya ngayon sa pag-aaral sa Singapore, kung saan ay scholar siya roon sa kursong Business Administration.

Pagkatapos sa Singapore at ma-maintain ang scholarship, tutuloy siya sa Dubai at pagkatapos nito ay sa Australia. Gustong makapagtapos ni Aneeza ng degree sa Australia.

Nandito ngayon si Aneeza sa Pilipinas para sa holiday break. Babalik siya sa Singapore bandang mid of January para ipagpatuloy ang pag-aaral, at nagtatrabaho pa siya roon.

Hindi raw niya masabi sa ngayon kung maipagpatuloy ba niya ang kanyang pag-aartista. Hindi ito ang priority niya.

“Hindi naman siya close doors sa akin. It’s not like really really job for me. It’s not a priority for me,” sabi ni Aneeza.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I mean, nakikita ko naman siguro ang sarili ko sa future. Pero not fully, like my parents na yun yung life nila, yun yung trabaho nila.

"Parang I don’t see myself there. I can’t imagine myself like acting full time.”

JERRY OLEA

Napakarami pa ring nanood ng Avatar: The Way Of Water sa 1:00 p.m. screening nito ngayong Enero 4, Miyerkules, sa IMAX cinema ng SM Mall of Asia.

Tantiya ko, more or less ay 80% ng capacity ng sinehan ang naupuan.

Afterwards, napakarami nang naghihintay sa labas para sa 5:00 pm screening. More and more and more.

Nang makausap ko ang takilyera, extended daw ang showing Avatar: The Way of Water sa IMAX ng MoA. Wala pa raw naka-schedule na ipalit dito.

Iyong mga nanood ng Avatar (2009) ay dapat panoorin itong sequel na sadyang kamangha-mangha!

Hanggang Enero 7, Sabado, pa ang 48th Metro Manila Film Festival. Posibleng ma-extend pa ang showing ng malalakas na entries, partikular ang Deleter, Partners in Crime, at ang highly recommended kong Family Matters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Enero 8, Linggo, ay kasabay ng That Boy In The Dark na mag-o-open sa local cinemas ang Hollywood films na M3GAN, Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody, at Shotgun Wedding.

Sa Enero 11, Miyerkules, naman ang showing ng Plane.

Curious ako kung tatangkilikin ng mga Manileño ang mga pelikulang palabas this weekend.

Sa Enero 6, Biyernes, pa lang ay abala na ang mga Manileño sa paghahanda ng pagdiriwang ng Nazareno Bente Bente-Tres (Nazareno 2023).

Facebook post ng Quiapo Church noong Disyembre 27, “Dala po ng ating sitwasyon ngayon kung saan pinapayagan na po ang marami sa ating mga gawain sa Simbahan, tuloy na tuloy po ang ating Pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno…

“SUBALIT sa kasalukuyan, WALA PA RIN PO ang Tradisyunal na Prusisyon mula sa Quirino Grandstand, pabalik sa Dambana ng Poong Hesus Nazareno, o ang tinatawag nating Traslacion.

“Gayunpaman, may mga gawain at pagdiriwang po tayo hindi lamang dito sa Simbahan ng Quiapo, kundi pati na rin sa Quirino Grandstand sa Luneta at bunga ng ating mga pagbabagong isinagawa noong panahon ng pandemya, tuloy pa rin po ang ating PAMBANSA at PANDAIGDIGANG PAGDIRIWANG, kung saan magaganap ang kapistahan hindi lamang sa Quiapo at Luneta, kundi sa iba’t ibang panig ng ating bansa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Enero 8, Linggo, ang Solemnity of the Epiphany of the Lord, at kinabukasan, Enero 9, Lunes, ay kapistahan ng Nazareno sa Quiapo.

Napakaraming activities kaugnay rito sa Quirino Grandstand at Quiapo Church.

nazareno 2023

Sa Linggo sa Quiapo Church, labimpito ang Banal na Misa.

Walo ang mga Misa ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon (5:00 am, 6:00 am, 7:00 am, 8:00 am, 9:00 am, 10:00 am, 11:00 am, 12:15 pm).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyam ang mga Misa sa Kapistahan sa Itim na Nazareno (3:00 pm, 4:00 pm, 5:00 pm, 6:00 pm, 7:00 pm, 8:00 pm, 9:00 pm, 10:00 pm, 11:00 pm).

Sa Linggo sa Quirino Grandstand, 12:00 MN, ang Banal na Misa to be presided by Rev. Fr. Rufino “Jun” C. Sescon Jr. 2:00 am ang Lakad Pananampalataya (Walk of Faith). 2:00 pm ang parada ng The Nazarene Catholic School and MMDA Band. 5:00 pm ang Simula ng Programang Panggabi at Bihilya sa kapistahan ng Itim na Nazareno. 5:15 pm ang Panalangin ng mga Kristiyano sa Takipsilim. 6:00 pm ang Pagtatanghal ng mga Kabataan (Parish Youth Ministry).

Sa Enero 9, Lunes, sa Quiapo Church, ratsada ang mga Fiesta Mass sa buong araw. Oras-oras, dalawampu’t apat na Misa.

nazareno 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Facebook post ng Manila Public Information Office nitong Enero 4, Miyerkules, “Mayor Honey Lacuna-Pangan suspends classes and work in Manila on the 9th, imposes liquor ban from 7-9 for #Nazareno2023.

“The Office of the Mayor releases the Executive Order No. 1 declaring the suspension of classes in all levels and local government work in the City of Manila on Monday, January 9, 2023 for the feast day of the Black Nazarene.

“Suspension of work in the national government offices and private companies in Manila is left to the discretion of their management.

“The Mayor also released Executive Order No. 2 imposing liquor ban from January 7-9 in the city.”

At any rate, nairaos ni Aneeza itong That Boy in The Dark na tinutukan nang lubos ni Glydel. Lagi raw sinasabi kay Aneeza ng mommy niya na dapat i-memorize ang mga lines niya.

“Yun nga, kasi po, hindi naman sa pini-pressure ako. Pero my mom was really telling me, 'Memorize it.' She was guiding me how to say stuff,” kuwento ni Aneeza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, parang, every night po… kasi I receive po the script parang three days o four days before the shoot. So, parang medyo mahirap nga po. My mom was really, like, 'We should memorize.'”

NOEL FERRER

Gusto kong magtagumpay ang That Boy in The Dark dahil bukod sa malaki na ang hirap ni Daddie Wowie Roxas sa mga proyekto niyang hindi pa siya nakakabawi, pawang magagaling at mababait ang mga kasama rito sa pelikulang ito.

Congratulations sa mga napanalunan nilang mga parangal. Sana, makadagdag ito ng interes sa mga taong manonood sa sinehan.

At sa mga anak ng mga artistang kaibigan natin, sana maging matagumpay sila at makaalpas sa mga anino ng kanilang mga magulang. I’m sure, marami rin silang maio-offer sa showbiz kung pagpupursigehan lang ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aneeza Gutierrez on mom Glydel Mercado: "Every night po… kasi I receive po the script parang three days o four days before the shoot. So, parang medyo mahirap nga po. My mom was really, like, 'We should memorize.'”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results