PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iza Calzado Due Late Jan or Early Feb

Iza Calzado, pinagsama-sama na ang gustong magpa-baby shower sa kanya.
by PEP Troika
Published Jan 8, 2023
iza calzado ben wintle baby shower
Iza Calzado and husband Ben Wintle during their baby shower at Okada Manila on January 7, 2023. The actress is expected to give birth to their first baby on last week of this month or on the first week of February.
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER

Larawan ng isang napakagandang nagdadalantao ang alaga naming si Iza Calzado nang idinaos na finally ang kanyang baby shower sa Okada Manila nitong Sabado, Enero 7, 2023.

Read: Iza Calzado inanunsiyo ang pagbubuntis sa kanyang 40th birthday

Ang kuwento niyan ay simula pa last year, napakaraming grupo ang gustong magbigay sa kanya ng baby shower.

Pero dahil sa sobrang ngarag ng Holiday schedules at dahil na rin sa nakakalokang traffic, napag-isipang pag-isahin na lahat ng mga ito dahil mapapagod naman nang todo si Iza kung iba’t iba pa ang events na kanyang dadaluhan.

Kaya salamat na lang kina Valerie de Guzman, Candy Dizon, Divine Lee, Lyn Pinugu, Cheska Iñigo, at Cristalle Belo kasama ang mommy niyang super love si Iza na si Dra. Vicki Belo.

May pa-parlor games din katulad ng best floral arrangement na may explanation pa, ha, na kada presentation ay nagiging emotional ang Izadora.

Tapos may changing the baby diaper game at ang huli, may LOVE or LABOR contest base sa mga photos na naka-print! Nag-abala talaga ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At major ang mga papremyo at loot bags na ibinigay ng Belo, Bobbi Brown, Conzace, at Mary Grace.

Masaya ang lahat na malaman na last week of January o first week of February ang paglabas ng baby daughter nina Iza at Ben Wintle.

iza calzado ben wintle baby shower

Kasama sa mga dumalo sina Rajo Laurel, Tim Yap, Karylle, Aya Fernandez, Culver Padilla, at ang sinasabing oldest friend ni Iza na kasama pa niya since Grade 2, si Mike Lariosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa party pa lang ni Luna Agoncillo, anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ay gustung-gusto sanang mag-attend ni Juday na imbitado sa party dahil di nga ba’t ninang si Juday ni Iza?

Kaya lang, buong maghapon ang event ni Luna sa Dreamplay kahapon din kaya nagpapa-set na lang ng brunch si Juday para mag-catch up silang magninang.

Nakakatuwa lang at paaga na talaga nang paaga ang mga events nitong mga magagaling na aktres na ito, na ang turingan ay parang pamilya.

Read: Judy Ann Santos at Gladys Reyes, nag-reunion sa 7th birthday ni Luna Agoncillo

GORGY RULA

Maiintindihan namin si Iza kung hindi muna siya babalik sa trabaho pagkatapos niyang manganak. Tiyak na nanamnamin muna niya ang pagiging mommy sa first baby nila ni Ben Wintle.

Pero may dalawang pelikula palang naghihintay sa kanya, kaya baka bumalik din siya kaagad kapag nakita niyang puwede na nitong iwanan sandali ang kanyang baby.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maaaring malaki ang mabago kay Iza, maiiba ang mga plano kapag nandiyan na ang kanyang anak na karga-karga niya at pinapadede na niya ito.

Tiyak na excited na siya sa pag-aalaga sa baby.

Kahit paano ay matagal nang na-train si Iza sa pag-aalaga ng bata dahil sa kanya iniwan ang half-sister niya sa kanyang Daddy Lito Calzado na si Zed, na inalagaan nila ni Ben hanggang sa nakapag-college na ito.

Congratulations sa mag-asawang Ben at Iza, at panalangin namin lahat ang safe niyang panganganak.

JERRY OLEA

Yes, ang ganda-gandang preggy ni Iza. And yes, nahihinuha nating magpapaka-mommy muna si Iza kapag iniluwal na niya ang kanyang baby.

OK lang na hindi nakadalo si Juday sa nasabing baby shower na parang Belo event na rin. Kasi, sa Aivee si Juday, e!

Maraming nagkuwento ng mga bagay tungkol kay Iza at ang isa doon ay ang kaibigan niya sa eskwela na may pamangking may cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nito naisipang humingi ng tulong kay Iza, pero ang aktres daw mismo ang nagkusang nagparamdam at nagbigay ng tseke na hindi nila inaasahan. Nabuhay ang batang yun na parang milagro at 10 years old na ngayon.

Kaya naman, ang mga kaibigan ni Iza ay patuloy ring nagpapakita at nagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya, kasi deserve niya ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado and husband Ben Wintle during their baby shower at Okada Manila on January 7, 2023. The actress is expected to give birth to their first baby on last week of this month or on the first week of February.
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results