NOEL FERRER
Ang Eastwood City Walk of Fame or the Walk of Fame Philippines is a walk of fame patterned after the Hollywood Walk of Fame, and is located in Eastwood City, Quezon City.
It was founded on December 1, 2005.
At ngayon, tuloy pa rin ang tradisyon at ang tawag na rito ay German Moreno Walk of Fame, with Megaworld Head Kevin Tan as chairman of the board, at ang president ay ang nag-iisang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno.
Ang inductees ngayong taon ay ang mga sumusunod:
National Artist Ricky Lee — film
National Artist Tony Mabesa (posthumous) — theater
Ranz & Niana Guerrero — social media
Janet Basco — music
Hidilyn Diaz — sports
Maja Salvador— television
Mario Dumaual — news & public Affairs
Gerry Baja— radio
Gaganapin ang seremonya sa January 18, Wednesday, 5:30 p.m., sa Eastwood City to be hosted by our very own Jackie Lou Blanco and Bogart the Explorer.
See you there, mga Ka-Troika!
GORGY RULA
Maayos naman ang lineup, at hindi mo makukuwestiyon kung bakit sila napili.
Mukhang pinili nang mabuti, at pinag-usapan ng grupo na pinangunahan ni Federico. Hindi aarko ang kilay mo bakit napili at bibigyan ng ganung pagpapahalaga.
Gusto ko na ring batiin ng congratulations si Kuya Mario Dumaual na madalas kong nakakasabay sa mga coverage.
Pagkatapos siyang parangalan ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) sa nakaraang EDDYs Awards, ang bongga na Walk of Fame na ang kasunod, at tuluy-tuloy pa rin siya sa paghatid ng maiinit na balitang showbiz.
Congratulations din kay Ka Gerry Baja na kasama ko sa DZRH. Hindi ko lang tiyak kung meron na si Ka Tunying Taberna, pero dapat nasa Walk of Fame na rin siya, di ba?
Sa totoo lang, dito napapatunayang malaki talaga ang naiambag ni Kuya Germs sa showbiz. Siya ang nagpasimuno na tawaging "City of Stars" ang Quezon City.
Ang isa pang magandang iniwan niya ay ang That’s Entertainment na nagtuklas ng napakaraming big stars natin.
Ang narinig namin, gagawa ang GMA-7 ng tipong That’s Entertainment na tampok ang mga bagong tuklas nilang stars para sa Sparkle. Isa ito sa aabangang programang sisimulan ng Kapuso network ngayong 2023.
JERRY OLEA
Sa tingin ko, mas mabuting Enero na ganapin itong induction ng German Moreno Walk of Fame at huwag nang dumagdag sa Christmas rush kung Disyembre.
Wala akong question sa mga napiling parangalan. Hopia at asado lang ako na mas marami sanang aktor, aktres, at mang-aawit sa line-up ng inductees, lalo na iyong mga beterano sa entertainment industry.
Sa panahon ng pandemya ay andaming umaribang social media influencer, kagaya ng DoLaiNab — ang magkakaibigang sina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres, at Zeinab Harake.
Andiyan din si Herlene Nicole Budol na magbibida sa Kapuso afternoon drama series na Magandang Dilag.
Sa larangan ng musika, bumongga last year si Arthur Nery.
Teka, naikonsidera kaya riyan ang Vivamax Queens na sina AJ Raval at Angeli Khang?
Speaking of That’s Entertainment, magkakaroon din ba ng kahalintulad na musical variety show ang NET25, at ang JUAN Networks Studio Inc.?
