GORGY RULA
Walang project na pinagmitingan sina Alden Richards at Paolo Contis kasama ang Senior Vice President ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdez, Mr. Johnny Manahan, at ilang executives ng Sparkle ng GMA Artist Center.
Tinanong ng PEP Troika si Paolo kung ano ang pinagmitingan nila ni Alden. Wala naman daw meeting, sagot ng Kapuso actor.
Si Paolo ang madalas na naghu-host ng online show ng GMA-7 na Just In na nasa Season 4 na pala. Si Alden daw ang first interviewee niya sa pilot episode ng season 4 ng Just In.
Tamang-tama na nandoon din daw si Ma’am Annette kaya masaya lang ang tsikahan nilang lahat. Malapit lang daw yun sa penthouse unit ni Alden kaya nagkayayaan na silipin nila ito.
Sa totoo lang, matagal nang gusto ni Paolo na mag-host ng isang talk show. At least, natupad na ito sa naturang online show.
Hindi na niya pinangarap magkaroon sa GMA-7, dahil malapit nang simulan ang daily showbiz talk show ni Kuya Boy Abunda.
Streaming sa Facebook at YouTube Channel ng Sparkle ang Just In, at malapit na raw mapanood ang nakakatuwang interview niya kay Alden.
NOEL FERRER
Ok lang iyan! Sana, dumami pa ang following ng talk show na ito online kasi, tama naman si Pao na the future is online.
Kaya pagbutihin niya lang ito and I’m sure marami siyang mapapasayang tao at magiging major-major ang kanyang followers.
Sana nga ay makapag-open up nang bongga si Alden kay Paolo, kasi aabangan talaga ito.
JERRY OLEA
Magkaiba ng istilo sina Paolo at Kuya Boy. Siyempre, excited tayo sa pagbabalik ni Kuya Boy sa telebisyon. Abang-abang tayo sa kanyang mga payanig na panayam!
Likas na pilyo si Paolo, at marami siyang alam na kuwentong-showbiz, kaya interesting malaman ang kanyang pagpipigil kahit nanggigigil na siya sa gustong tumbukin.
Nakakakiliti ng diwa at damdamin eme!
MORE HOT STORIES ON PEP.ph
