GORGY RULA
Bago matapos ang buwan ng January 2023 ay ia-announce na ang malaking teleseryeng collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN.
Ito ang napabalitang pagbabalik-tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na pinamagatang Unbreak My Heart.
Read: Jodi Sta. Maria at Richard Yap, balik-tambalan sa collab project ng ABS-CBN at GMA-7
Ayon sa reliable source ng PEP Troika, sa January 23 na ang formal announcement tungkol sa proyekto.
Pero ayaw pa itong kumpirmahin sa amin ng Senior Vice President ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
“Last stages na ng contract [fingers-crossed emoji]. Abangan na lang ang announcement pag sure na tuloy na he he,” text niya sa PEP Troika.
Pero hindi lang sa isang source kami nakakuha ng ilan pang detalye na kukunan ang karamihang eksena sa Switzerland, at inaayos na raw ang mga papeles.
Kasali pa rin daw sa cast ng Unbreak My Heart ang Kapamilya star na si Joshua Garcia.
Nagulat kami na kasali pa rin pala sa si Gabbi Garcia kahit may ginagawa pa siya ngayong Mga Lihim ni Urduja, kasama sina Kylie Padilla at Sanya Lopez, para sa GMA-7.
Read: Joshua Garcia-Gabbi Garcia collab project, tuloy pa rin ba?
Ayon sa ilan pa naming napagtanungan, sa GMA-7 lang ieere itong Unbreak My Heart na ididirek ni Manny Palo.
JERRY OLEA
Naulinigan nating kasama sa cast ng Unbreak My Heart ang actress-director na si Laurice Guillen.
Kaya inusisa ko si Direk Laurice matapos ang mediacon ng 1st Summer MMFF noong Enero 9, Lunes, sa tanggapan ng MMDA sa Orense St., Mandaluyong City, kung tuloy na ba ang taping nila sa Switzerland sa Pebrero.
“Ay! Yun pa ang pinag-uusapan namin, yung aking partisipasyon,” sabi ni Direk Laurice.
“As of now, February. Pero meron pa kaming mga inaayos na ano. So, hindi pa ako sure, ha?”
Kabahagi si Direk Laurice ng MMFF at Cinemalaya, at heto, meron pa siyang acting job sa TV.
“Kailangan kong maghanapbuhay. Wala namang… Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ng veteran actress-director.
“Lalo na ang Cinemalaya. For the love iyon.”
Dahil under renovation ang Cultural Center of the Philippines (CCP), sa Philippine International Convention Center (PICC) gaganapin ang Cinemalaya 2023 filmfest.
“At least sa PICC, maraming mga theater. Hindi ko pa alam kung ilan ang gagamiting theatres sa PICC pero at least, hindi na tayo mababasa,” saad ni Direk Laurice.
“Puwede na tayong kumain within the building. Puwede na tayong kung anu-ano within the building.
“Meron silang theater na malaki, mas malaki kesa sa CCP Main Theater.”
NOEL FERRER
Excited akong mapanood ulit si Direk Laurice bilang aktres kaya sa isip natin, siya si Tita Jo sa Flordeluna.
Iconic dahil hindi lang siya sa telebisyon magaling, pati sa pelikula at sa entablado.
Aabangan natin itong pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA na talagang dati’y unthinkable pero ngayon, collab (pagtutulungan) — hindi competition — ang magpapabuti ng ating kalagayan lahat.
