PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorna Tolentino turns down villain role

Lorna Tolentino, na-miss makipag-bonding sa kanyang mga apo.
by PEP Troika
Published Jan 31, 2023
lorna tolentino kontrabida role
Lorna Tolentino on being part of FPJ's Ang Probinsyano: “Sana merong ganun uli. Inaabang-abangan ko, baka malay mo, mag-guest ako sa Batang Quiapo, tapos tuluy-tuloy na uli.”
PHOTO/S: @lornatolentinofernandez on Instagram

JERRY OLEA

Ten days lang dapat si Lorna Tolentino sa Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano bilang Lily Ann Cortez.

Humaba nang humaba ang participation niya roon, na inabot ng tatlong taon at limang buwan.

Read: Lily role ni Lorna Tolentino sa Ang Probinsyano, inspired kay Janet Napoles?

“Sana merong ganun uli. Inaabang-abangan ko, baka malay mo, mag-guest ako sa Batang Quiapo, tapos tuluy-tuloy na uli,” sambit ng multi-awarded actress nang makatsikahan namin sa birthday lunch ni Ka-Troikang Gorgy Rula noong Enero 28, 2023, Sabado, sa Via Mare, Morato Extension, Quezon City.

Biniru-biro ni Tonton Gutierrez si Lorna kaugnay sa talent fee nito sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Bongga! Wish ko lang! Alam mo, yung mga bitaw mo na per day na ano… nakakagulat, di ba?” lahad ni Lorna.

“Parang iniisip mo, ‘Sana, ganun ang presyo ko.’ Nangangarap na lang ako.”

Matapos ang taping niya sa FPJ’s Ang Probinsyano, nakapag-shoot siya ng movie sa South Korea kasama sina Bela Padilla at Yoo Min-gon. Guest role iyon, at seven days lang siyang nag-shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang title niya, If. Ipapalabas siya sa mga sinehan either this Feb or March. Ang role ko, ako yung nanay ni Bela na nag-OFW,” saad ni Lorna.

Read: Lorna Tolentino, bilib sa istilo sa pagdidirek ni Bela Padilla

Nagpunta rin si Lorna sa Indonesia. Sa Pebrero 3, Biyernes, ay magdya-Japan naman siya, regalo ng kumare niyang si Sylvia Sanchez.

“Isinama niya ako. Gusto raw niyang makasama ako sa happy place niya… ubod ng lamig! Yun!” bulalas ni Lorna.

Pareho silang brand ambassador ng Beautederm, at present sila sa event ng Beautederm headquarters noong Enero 21, Sabado, sa Angeles City.

Matagal na silang magkaibigan ni Sylvia. Nagkalapit sila dahil sa namayapang asawa ni Lorna na si Rudy Fernandez.

“Si Daboy yung mahal na mahal niya. Mahal na mahal ni Sylvia si Daboy,” sey ni Lorna.

Nakaka-bonding niya kung weekends ang kanyang mga apo. Nagsisilbing yaya siya for two to three hours kung may lakad ang parents ng mga ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Patutulugin ko, papadede, ikut-ikot, sway-sway, ganun.”

Kumusta na iyong farm niya sa Cavite? Sa tagal niya sa FPJ’s Ang Probinsyano, natutukan pa ba niya ang kanyang bukid?

“Inaayos ko rin yun. Nagpapa-repair ako ng mga alulod. Eleven years na ang farm kaya siyempre, yung bahay, naaano na rin. Kinakalawang,” kuwento pa ni Lorna.

“Nabulok ang mga kahoy kaya sabi ko, palitan na ng metal lahat, huwag nang magkahoy.”

Kinukuha si Lorna na mag-guest sa isang weekly TV show pero hindi pa iyon tumutugma sa schedule niya. Mas gusto ni LT na mag-guest sa TV series kung saan magti-taping siya ng M-W-F or T-Th-S.

Noong 2017 ay nag-umpisang mag-vlog si LT, pero hindi rin niya iyon naipagpatuloy.

Aniya, “Meron pa nga akong kamera. Pina-edit ko yung ano. Tapos, wala na. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Andun lang siya, sa isa kong file.

“Para sa mga bata-bata na lang siguro yung social media na ganyan, hindi na para sa katulad kong senior.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya si Lorna na dumalo sa pa-birthday ni Gorgy kung saan present ang manager niyang si ‘Nay Lolit, pati sina Amy Austria, Ricky Davao, Glydel Mercado, Direk Chito Roño, Direk Joel Lamangan, Liza Diño-Seguerra, Jo-Ann Maglipon, Malou Choa-Fagar, Ysabel Ortega, Jenny Miller, at iba pa.

gorgy rula birthday

PEP Troika's Gorgy Rula (fourth from left) with his guests: (from left) Liza Diño-Seguerra, Tonton Gutierrez, Direk Chito Roño, Lorna Tolentino, Lolit Solis, Amy Austria, Glydel Mercado, and Ricky Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Matagal ding hindi naasikaso ni Lorna ang bahay niya, pati ang farm niya sa Cavite dahil sa ilang buwan siyang nasa Ilocos para sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Na-miss din niya ang bonding sa dalawa niyang apo, kaya nagbabawi siya ngayon.

Gusto na rin niyang magkateleserye uli. Pero sana, huwag namang kontrabida.

Sobrang sama raw ang mga nagawa niya sa Ang Probinsyano kaya okay na siyang inaapi-api sa susunod na role na ipagkakatiwala sa kanya.

NOEL FERRER

Ang ganda at talagang markado ang role ni LT bilang Lily sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ganyan talaga ang kalakaran sa showbiz, kung magaling ka na at mahusay ka pang makisama, pagpapalain ka talaga!!!

Isa pang tulad ni LT na dapat guest role na humaba ay yung kay Ma’am Charo Santos-Concio. Ayun, hindi lang siya pam-Probinsyano kundi pam-Batang Quiapo pa!

Nasa tamang timing din lahat niyan. Nagkataong nag-swak ang pangangailangan ng show sa ganung character, tapos okay rin sa sked at estado nina LT at CSC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana nga, mangyari rin ang overwhelming na response sa Batang Quiapo katulad ng sa sinundan nitong Probinsyano kahit wala nang franchise ang ABS-CBN.

Sana, pumalo rin ito ng mataas na following sa digital/online streaming para maipakita na tuluy-tuloy ang FPJ tradition.

While waiting, puwede namang mag-guesting muna o gumawa ng magagandang pelikula muna si LT!

Pero ang tatak LT, mga piling-pili at magagandang proyekto!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino on being part of FPJ's Ang Probinsyano: “Sana merong ganun uli. Inaabang-abangan ko, baka malay mo, mag-guest ako sa Batang Quiapo, tapos tuluy-tuloy na uli.”
PHOTO/S: @lornatolentinofernandez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results