PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis addresses bashers on Yen Santos

Paolo, nag-aalala sa kalagayan ng ina na nasa ICU.
by PEP Troika
Published Feb 1, 2023
paolo contis best comedy actor
“Wala akong panahon sa kanila. Busy ako kay Mama ngayon,” says Paolo Contis. The Kapuso actor says he is more worried about his mom who is now in the ICU.
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Jerry Olea

GORGY RULA

Ayaw nang magpaapekto ni Paolo Contis sa mga nabubuhay na bashers na sunud-sunod na namang umaatake sa kanya.

Pagkatapos ng interview sa kanya sa Fast Talk With Boy Abunda, pinutakti na naman siya ng sangkatutak na bashing, lalo na doon sa isyu ng sustento sa tatlo niyang anak.

Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."

May mga nakakaintindi at natuwa sa pagiging totoo at pag-amin sa nagawang kasalanan. Pero talagang masigasig ang karamihan ng netizens sa pamba-bash sa kanya.

Sa ngayon ay wala raw siyang panahong intindihin ang mga pang-aalipustang natanggap niya. Hindi naman daw alam ng mga bashers na ito kung ano ang buong katotohanan.

“Wala akong panahon sa kanila. Busy ako kay Mama ngayon,” text sa akin ni Paolo nang hingan ko sana ng reaksiyon sa mga bashing na natatanggap niya.

Sinu-shoot ngayon ni Paolo ang Ikaw at Ako, at sisimulan na rin niya ang shooting sa pelikulang The Cheating Game nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat si Paolo sa mga taga-Ikaw at Ako dahil minsan ay kailangan niyang umalis sa set para asikasuhin ang mama niya sa hospital.

Nang huling naka-text ng PEP Troika si Paolo, worried siya dahil nasa ICU ang mama niya. Hindi na lang niya idinetalye kung ano ang karamdaman ng ina na lalong lumala pagkatapos nitong ma-stroke nung nakaraang taon.

Sa panalangin daw siya kumakapit na malagpasan ito ng kanyang ina.

NOEL FERRER

Katulad ng sinabi ng manager ni Paolo Contis na si Nay Lolit Solis, sana’y ito na ang hudyat ng pagma-mature ni Paolo. Dahil mas pinapatatag siya ng lahat ng mga hamon na hinaharap niya.

Sana nga, magkaroon siya ng oras sa mga anak niya.

Sana nga, si Yen Santos na ang maging katuwang niya sa buhay.

Sana, magseryoso na siya sa career at buhay niya.

Sana, maging maayos na ang kalagayan ng nanay niya.

Sana, maging blessed pa si Paolo Contis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes

JERRY OLEA

Kinilala ng PMPC Star Awards for TV ang husay ni Paolo bilang comedian noong Sabado night. Nanalo siyang Best Comedy Actor para sa Bubble Gang.

Read: Paolo Contis, Best Comedy Actor sa 35th PMPC Star Awards for TV

How ironic na nag-uumapaw these days ang drama sa kanyang totoong buhay.

Dalangin natin na malagpasan ng ina ni Paolo ang health crisis na pinagdaraanan nito.

Sa tamang panahon, nawa’y magkalinawan si Paolo at ang kanyang mga anak.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Wala akong panahon sa kanila. Busy ako kay Mama ngayon,” says Paolo Contis. The Kapuso actor says he is more worried about his mom who is now in the ICU.
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results