PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alfred Vargas, "umakyat ng ligaw" sa National Artist na si Nora Aunor

Nora, nangangambang hindi ma-meet ang expectations ni Alfred,
by PEP Troika
Published Feb 4, 2023
alfred nora gina pieta storycon
Alfred Vargas on working with legendaryNora Aunor (center) and Gina Alajar (right) in the upcoming film Pieta: “At least masasabi ko po, sa career ko… dumating yung panahon na sa pelikula ni Nora Aunor at Gina Alajar, ako po ang leading man!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Karangalan ni Alfred Vargas na makatrabaho sina Nora Aunor at Gina Alajar sa pelikulang Pieta, na ididirek ni Adolf Alix Jr. Si Alfred mismo ang producer ng project.

Read: Alfred Vargas, matutupad na ang pangarap makatrabaho ang National Artist na si Nora Aunor

“Unang-una, gusto kong magpasalamat sa the one and only Superstar, si Ate Guy, Miss Nora Aunor,” nakangiting lahad ni Alfred sa storycon nitong Pebrero 4, 2023, Sabado ng hapon, sa Victorino’s restaurant, Sct. Rallos St., Quezon City.

“Dahil napasama ako sa pelikula niya at tinanggap niya itong project na ito. Nung tinanggap niya yung project na ito, biglang lumaki yung project. Thank you very much, Ate Guy.

“Nagpunta po ako mismo sa bahay niya. Para akong umakyat ng ligaw, kasama si Direk Adolf. Tapos tuwang-tuwa ako kasi napakamapili ni Ate Guy pagdating sa mga projects. E, napili niyang gawin itong Pieta with us.

“Second, I’d like to thank Direk Adolf Alix. Kasi concept niya ito, pelikula niya ito na nagkataon, e, may bagay na role para sa akin. Direk, thank you, gusto naman kitang makatrabaho eversince e kahit noong Cinemalaya days pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At least ngayon matutuloy, tapos Nora Aunor movie pa. Tapos Direk Gina Alajar pa, nandirito.

“Si Direk Gina naman po, parang I feel very close to her. Kasi ang dami ko pong workshop days na nakasama siya.

“And siya rin po yung nag-workshop sa akin to prepare me for my last film before, yung Tagpuan, na napakaganda rin naman.

“Kaya Direk Gina, thank you very much also for being with us sa project na ito. I’m looking forward.

“At least masasabi ko po, sa career ko… dumating yung panahon na sa pelikula ni Nora Aunor at Gina Alajar, ako po ang leading man!”

Drama na may konting suspense ang Pieta, kung saan mag-ina ang papel nina Nora at Alfred. Devoted friend naman ni Nora ang papel ni Gina.

alfred nora gina adolf pieta storycon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Excited si Alfred na makatrabaho ang multi-awarded actresses na sina Nora at Gina.

Nakaramdam din ba siya ng kaba na makakasama niya ang dalawa sa pinakamahuhusay na aktres ng pelikulang Pilipino, lalo na si Ate Guy na isa nang National Artist?

Read: Nora Aunor finally gets elusive National Artist for Film recognition

“100 percent nandoon yung kaba, aaminin ko. Pero yung kaba, it’s the good kind of kaba. Kasi, may halong excitement,” sagot ni Alfred.

“And gaya ng sabi ko kanina, pumunta ako sa bahay ni Ate Guy… kinakabahan ako nun. Pero you know what, once in-open niya yung pinto, she made me feel so welcome.

“Inalok niya akong kumain ng buchi, ng pizza saka pancit. Nandun lahat. Tapos hindi mo mararamdaman talaga na may ere dahil Superstar siya. Tama yung sabi ni Direk Gina.

“Yung humility ba. Tapos nag-usap kami ng mga pelikula niya. Tapos nalaman niya yung mga hindi ko pa napapanood.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagpunta pa siya sa kuwarto niya para maghanap ng copy ng mga pelikula niya para mapanood ko.

“So si Ate Guy, parang she really makes me feel at home, ang sarap kasama. I look forward to this project very, very much.”

All the best to this project!!!

GORGY RULA

Ano ang impression ni Nora kay QC Councilor Alfred nang umakyat ito ng “ligaw” at inialok sa kanya ang pelikulang Pieta?

Sagot ni Ate Guy, “Ahh, basta ang lagi kong itinatanong kay Direk, ‘Gusto ba talaga ako ni Konsehal na makasama niya sa pelikula?’ Kasi, para bang ang isang…

“Ang talagang naramdaman ko noon, yung… syempre nahihiya ako dahil konsehal, di ba?

“Nahihiya ako na baka mamaya hindi ko magawa yung iniisip niya, o yung ini-expect niya na maipakita ko sa pelikula.

“Ahh gusto ko kung ano yung iniisip niya kung bakit niya ako kinuha, maipapakita ko dun sa paggawa ng pelikula namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, yun ang isang kinatatakutan ko at nahihiya ako na baka hindi ko magampanan masyado, e…”

Tila hindi makapaniwala si Alfred na napatitig sa Superstar.

Pagpapatuloy ng National Artist, “Yung titig na yan… yung titig na yan, nag-uusap kami. Natakot ako sa titig niya kaya tinanggap ko — hindi, joke!

“Biro lang! Biro lang! Talaga pong napakabait niyang kausap. Kasi, talagang hindi mo iisipin na isa siyang konsehal. Ang feeling ko noon, masyado siyang mapagkumbaba.

“At napakadaling kausap, hindi ka mahihirapang kausap. Sobrang intelihenteng tao, at maunawain din po siya.

“Madali siyang makaunawa sa mga problema ng kanyang kapwa. Kaya bilib din ako kay Konsehal sa ugali na iyan.

“Ahhh alam ni Direk iyan, Diyos ko! Di ba, Direk? Iyan po si Konsehal Alfred. Talagang ano… wala pa tayong ano, ha?! Wala pa sa ano ito, wala pang… ano yun, malayo pa ang eleksyon pero sinasabi ko!” masayang pagbungisngis pa ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero totoo ang sinasabi ko. Totoo ang sinasabi ko.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas on working with legendaryNora Aunor (center) and Gina Alajar (right) in the upcoming film Pieta: “At least masasabi ko po, sa career ko… dumating yung panahon na sa pelikula ni Nora Aunor at Gina Alajar, ako po ang leading man!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results