PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diego Loyzaga, hindi mag-aasawa kahit makabuntis

"I'm just gonna give the baby a life that I never had."
by PEP Troika
Published Feb 11, 2023
Diego Loyzaga as Bongbong Marcos.
Kahit na makabuntis si Diego Loyzaga, wala raw sa plano niya ang magkaroon ng asawa o magkapamilya. Bakit kaya?

JERRY OLEA

Nabulabog ang mga bading sa pa-white brief ni Diego Loyzaga sa Vivamax movie na Death Of A Girlfriend, kung saan nagharutan sila ni AJ Raval.

Read: AJ Raval, cycling shorts lang ang suot sa steamy scene nila ni Diego Loyzaga

Naka-boxer short naman si Diego sa lampungan nila ni Cindy Miranda sa House Tour.

Nagpasilip nang konti ang hunk actor sa The Wife with Cara Gonzales, pero bitin sa Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili with Ayanna Misola.

Read: Butt exposure ni Diego Loyzaga sa The Wife, tiniyak ng direktor na "tasteful"

Mas nakakapag-init si Diego sa Pabuya with Franki Russell and Jela Cuenca.

Read: Diego Loyzaga says Pabuya is his "wildest film"; Franki Russell on daring role: "If you got it, flaunt it.”

Dream come true para kay Diego na nagkatrabaho sila ng amang si Cesar Montano sa Maid in Malacañang na tumabo ng P750M sa worldwide gross nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-reprise nina Cesar at Diego ang papel na Ferdinand Marcos Sr. & Jr. sa pelikulang Martyr or Murderer na magso-showing na sa local cinemas sa Marso 1, kasabay ang Oras de Peligro at Creed III.

Mas gusto ba o mas nae-enjoy ba ni Diego ang ganitong pelikula na hindi siya kailangang maging daring?

“Daring? It’s all the same to me, but I think the days of those kinds of movies… I tried it once and that’s enough,” sabi ni Diego sa mediacon ng Martyr or Murderer noong Pebrero 9, Huwebes sa The Podium, Mandaluyong City.

“I’m still game to do yung mga topless-topless when I get my fit body back, which I’m working on, pero to do yung mga… sexy and daring, parang tapos na ako. OK na ako.”

Wala raw Valentine plans si Diego. Wala raw siyang girlfriend ngayon.

“Relationship isn’t something that I should focus on right now. I have other things to focus on,” sambit ni Diego. Ayaw niyang pag-usapan ang kanyang mga ex-girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “My life has been so peaceful lately and I want to keep it this way.”

Sabi pa ni Diego, sa tingin niya ay hindi siya magkakaroon ng asawa, kahit pa may mabuntis siya.

“If magkaroon ako ng baby, ahmm... I’m just gonna give the baby the life that I never had,” sambit ni Diego.

“I think there’s a bigger possibility of, you know, just having a baby and raising that baby properly than having a successful marriage.

“I’m sorry, it doesn’t go for everybody. This is just my two cents. And neither am I saying that I’m right, ha?”

Anong ibig sabihin niya ng “the life that I never had”? Yung kumpletong pamilya, na merong mother at father?

“No, no, not naman a complete family. Ahhm, I guess we’ll know pag nandun na ako. Pag nandun na ako.”

HOT STORIES

NOEL FERRER

Parang medyo maaga pa para sabihin ni Diego na hindi siya mag-aasawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maswerte si Diego sa sunud-sunod niyang projects na sana ay makatulong sa kanya para maging mas mahusay pang aktor.

Tough act na sundan niya ang yapak ng tatay niya, pero ang hamon sa kanya ay maghanap siya ng sarili niyang tatak—bagay na naiiba sa kanyang premyadong ama —lalo pa’t “graduate” na siya sa pagiging mapangahas sa Vivamax. We’ll see.

GORGY RULA

Bilang anak ni Cesar Montano na isa sa pinakamagaling nating aktor at pati direktor, dapat naman siguro na sundan ni Diego ang kahit katiting man lang na na-achieve ng kanyang ama.

Wala roon ang pagpapa-sexy. Pag-aralan niyang mabuti ang kanyang craft sa pag-arte, at mabuti, nakakasama niya muli ang kanyang ama.

Pero siguro panahon na ring balikan ni Diego ang TV. Matagal na ring hindi siya napapanood sa soap at dapat na may gagawin na ang Viva para makabalik siya sa TV.

Tuluyan na bang naunsyami ang usapan noon na gagawa siya ng soap sa GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May narinig kami noon na meron nang kumakausap sa mga bosses ng Kapuso network, pero wala na kaming balita kung ano na ang nangyari sa usapan.

Marami pang nakalinyang projects sa GMA-7, dahil bukod sa Entertainment TV, meron pa sa GMA Integrated News at sa Public Affairs.

Kaya puwede talaga si Diego, kung meron nga bang negosasyon sa Kapuso network.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit na makabuntis si Diego Loyzaga, wala raw sa plano niya ang magkaroon ng asawa o magkapamilya. Bakit kaya?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results