PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kyle Velino not ready to bare all in Vivamax projects

Kyle Velino, very proud sa pagiging Philippine Navy reservist.
by PEP Troika
Published Feb 21, 2023
kyle velino martyr or murderer
Kyle Velino on training as Philippine Navy reservist: “Very fulfilling kasi brotherhood, marami kang na-meet, marami kang nakilala na different people from different walks of life. Bilang isang bata naman po, nagta-try ako ng mga bagong things and itong pagiging Navy reservist, I’m very proud po talaga.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Sa Pinoy BL series na Gameboys, dating magka-fling sina Terrence (Kyle Velino) at Achilles (Kych Minemoto). Iniwan ni Kych si Achilles sa ere.

Naging dyowa rin ni Terrence si Gavreel (Kokoy de Santos). Iniwan din niya ito.

Nagkakamabutihan na sina Gavreel at Cairo (Elijah Canlas) nang manggulo si Terrence. Nanaig ang pag-iibigan ng CaiReel (Cairo + Gavreel), at humingi ng paumahin si Terrence sa kanila.

Nakahanap si Terrence online ng bagong kaharutan, si Wesley (Miggy Jimenez) na childhood friend ni Cairo.

Read: Kyle Velino does not mind being hated for his role in Gameboys

Last year, parehong nagpasiklab sa Vivamax sina Miggy at Kych.

Nakipag-threesome si Miggy kina Paolo Pangilinan at Cedrick Juan sa Two And One.

Nagtalop nang lubos si Kych sa PaThirsty with Alex Diaz.

Nasa Viva na si Kyle, pero malabo siyang sumabak sa mga mapangahas na palabas ng Vivamax, lalo pa’t malamang na maging pulitiko siya in the future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talaga bang hindi niya kayang makipagsabayan sa mga hubadero ng Vivamax?

“Mukhang hindi po sa ngayon. Kasi medyo sineseryoso ko po talaga kung ano man po yung pwede kong maitulong sa ating gobyerno,” sambit ni Kyle sa mediacon ng Martyr or Murderer noong Pebrero 9, 2023 sa The Podium ng Ortigas Center, Pasig City.

“Kung ano man po ang posisyon, na any po, kahit any in the government po, talagang I’ll do my best. Kaya po nag-reservist ako sa Navy. Parte po yan.

“Nag-aaral po ako ngayon ng mga extra courses. Pero siyempre, alam ko naman pong kaya ko. And siyempre, Panginoon ang makakapagsabi kung ano ang para sa iyo pero iyon po ang ginagawa ko ngayon.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpa-Felix Bacat noon si Kyle habang naka-superhero costume sa isang showbiz party.

Natawa si Kyle, “Well, yung mga ganung bagay, hindi natin naiiwasan! Ha! Ha! Ha! Ha! Yung mga ganun, hindi natin sinadya. Sadyang ganun talaga ang buhay.

“Kusang lumalabas talaga. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Pero OK naman po. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-reprise ni Kyle ang papel na Greggy Araneta sa pelikulang Martyr or Murderer, na matutunghayan sa local cinemas umpisa Marso 1.

Kasado na ang international screenings nito sa Middle East (Marso 9), USA (Marso 10), Singapore (Marso 10), Taiwan (Marso 11 at 12), at Australia (Marso 11).

Ipalalabas din ito sa iba’t ibang sinehan sa Japan, kabilang sa Tokyo Hibiya (Marso 19, Abril 2, Abril 9), Osaka (Marso 26), Nagoya (Abril 2), Saitama Urawa (Abril 2), Hachioji (Abril 9), at Saitama Kawaguchi (Abril 9).

Abangan ang screening dates nito sa Abril sa Hong Kong, Austria, Italy, Greece, at Israel.

GORGY RULA

Batak na batak ang katawan ni Kyle matapos siyang sumailalim sa training ng Navy reservist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung sa Navy, very unexpected po. Nayaya lang din po ako ng ibang celebrities tulad nina Kuya Jason Abalos, sila po ang mga kasabay ko, e,” kuwento ni Kyle.

“So very productive, hindi ko akalain na ganun yung training ng pagiging reservist. Hindi ko talaga siya naiintindihan nung pumasok ako about three months ago po yata.

“Yung training po namin, two months. First month po nun, puro zoom. Kasi, yung reservists daw, puro civilian yan, e.

“May abogado, may doktor. Iba-iba po talaga, may celebrity, may pulitiko. So ngayon po, ang Navy, pinapalawak po nila ang campaign nila to invite yung mga civilian para maging reservist.

“Siyempre mas gusto natin na tulad ng ibang bansa, kapag civilian ka, alam mo rin kung ano ang dapat gawin, prepared ka rin sa kahit anong disaster.

“Yung training po namin, first month, puro zoom every weekend. Tapos yung second month, every weekend din po, face-to-face training sa camp sa Taguig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dun po ginawa yung military formations, pagkalas ng baril, firing, lahat po. And then ang pinaka-finale po ay four-day training sa Ternate, Cavite. It’s inside the camp.

“Four days straight po kayong nandun. Nandun lahat ng training, lahat ng ituturo sa inyo. It’s not easy.

“Akala ko nga, madali. ‘O, ambassador ka naman diyan, tapos reservist.’ Akala namin, medyo may special treatment.

“Pero wala. Wala po. Nung pumasok kami dun, kung ano ang training ng reservist, kung ano ang training ng sundalo, halos ganun po yung ginawa namin.

“Disiplina po talaga. Imagine, 4:00 am, gising ka, ito lang ang pagkain ninyo, training buong araw. Matatapos kayo, 10:00 pm.

“Hirap kang matulog. Kasi, nasa tent kayo. Hindi kayo makaligo. It was hard actually. To be honest, it was really hard, but it was fulfilling talaga.

“Very fulfilling kasi brotherhood, marami kang na-meet, marami kang nakilala na different people from different walks of life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bilang isang bata naman po, nagta-try ako ng mga bagong things and itong pagiging Navy reservist, I’m very proud po talaga.”

NOEL FERRER

Ang co-star ni Kyle sa Martyr or Murderer na si Diego Loyzaga, ayaw nang maghubo sa Vivamax.

Sapat na raw iyong kapangahasan niya sa Pabuya with Franki Russell and Jela Cuenca. Hanggang topless na lang daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati si Baron Geisler na nag-frontal sa Lampas Langit, pahinga na muna sa hubaran.

OK lang iyon sa Vivamax dahil marami silang bagong hubadero. Andiyan si VR Relosa na sandamukal ang pakikipagharutan kay Manang Medina sa Lagaslas na nag-streaming sa Vivamax umpisa Pebrero 17, Biyernes.

Advance streaming na sa Vivamax Plus ang Suki, kung saan nagbaliktaran si John Flores at ang kaeksenang babae habang nakatayo. Nakatiwarik ang babae.

Pinagpipiyestahan ang video clip na iyon sa Telegram, Twitter, at Messenger.

Si Nikko Natividad ang leading man ni Ayanna Misola sa Botox Beauty na streaming umpisa Marso 10.

Sa Instagram pa lang ay pwetmalu na si Nikko sa ilan niyang posts, kaya asahan na mas mabangis ang paandar niya sa Vivamax.

Si Alex Medina, nagpasabog sa "Episode 1: Cinema Parausan" ng four-part anthology na Erotica Manila.

Ang 19-anyos na si Clifford Pusing, bitin ang pagpapainit sa Tag-init with Franki Russell and Yen Durano. Bolder and much more daring siguro siya sa next Vivamax project niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganundin ang StarStruck alumnus na si Karl Aquino, na nagpakitang-gilas last year with Angelica Cervantes sa An Affair To Forget.

Kabilang sa mga umaaribang leading man ng Vivamax sina Sean de Guzman, Vince Rillon, Sid Lucero, Jay Manalo, Mark Anthony Fernandez, Gold Aceron, Arron Villaflor, Kiko Estrada, Felix Roco, Josef Elizalde, at Wilbert Ross.

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyle Velino on training as Philippine Navy reservist: “Very fulfilling kasi brotherhood, marami kang na-meet, marami kang nakilala na different people from different walks of life. Bilang isang bata naman po, nagta-try ako ng mga bagong things and itong pagiging Navy reservist, I’m very proud po talaga.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results