JERRY OLEA
Buti naman at natuloy na ang tambalan nina Yassi Pressman at Marco Gumabao sa komediseryeng Kurdapya, na mag-uumpisa sa Marso 18, 2023, Sabado ng 6:00-7:00 p.m., sa TV5.
Dapat ay magkasama sila sa pelikulang More Than Blue (2021), pero nag-positive si Marco sa COVID-19 the day before pull out papunta sa set. Pinalitan siya ni JC Santos.
Nakapag-look test at workshops na sila para sa Kapuso drama series na Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?, kung saan tampok din sana si Ken Chan, pero naudlot yun.
Read: Yassi Pressman at Marco Gumabao, matuloy kaya ang soap sa GMA-7?
Read: Yassi Pressman, Ken Chan, Marco Gumabao headline Saan Nagtatago ang Pag-ibig? series
“One door closes, another door opens. And thankfully we’re here sa sitcom, sa Kurdapya,” lahad ni Marco sa mediacon nitong Marso 9, Huwebes ng hapon, sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City.
“And ako naman, sobrang ano lang, e. Parang… always look at the good in all situations. Siguro may reason kung bakit naudlot yung isang project at ito ho ang mauuna.
“Siguro this project also can also help sa aming dalawa ni Yassi in terms of chemistry or kung ano man ang kailangan naming pagtrabahuhan.
“So, hoping kami na sana matuloy rin po yung isa.”
Ang twintastic komediseryeng Kurdapya ay sa direksyon ni Easy Ferrer.
Maliban kina Yassi at Marco, nasa cast nito sina Nikko Natividad, Ryza Cenon, Lander Vera-Perez, Candy Pangilinan, at Katya Santos.
May catch-up airings ang Kurdapya sa Sari Sari Channel (available sa Cignal Ch. 3) tuwing Linggo ng 8:00 pm umpisa Marso 19.
Read: Yassi Pressman, nagdalawang-isip tanggapin ang comedy role sa Kurdapya
NOEL FERRER
Natatawang sabi ni Yassi tungkol sa tambalan nila ni Marco sa Kurdapya, “Kapag pati ito, Marco, hindi pa natuloy, ikaw na yung problema! Ha! Ha! Ha!”
Dual character si Yassi sa Kurdapya bilang kambal — ang promding si Kuring, at ang city girl na si Daphne.
Magkaibang-magkaiba ang gawi ng kambal, hitsura nina Stephanie at Terry sa pelikulang Twice Blessed (1945), o nina Lisa at Lottie sa German children’s novel ni Erich Kastner na The Double Lottie (1949) na pinagbasehan ng pelikulang The Parent Trap (1961).
Gaganap si Marco bilang tambay na si Carlos, ang kababata ni Kuring. Si Nikko Natividad naman ang nouveau riche na si Tadeo, ang manliligaw ni Daphne.
Sabi ni Marco, “Buti naman ngayon, Yas, natuloy na! Third time the charm! So eto, here we go, Kurdapya!”
Nagkasama sina Yassi at Nikko bilang celebrity housemates sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 (Hulyo 2016-Marso 2017).
Lahad ni Yassi, “Hindi ko po inakala na dito po, first day pa lang, klik na klik na po kami ni Nikko. Kaya na-enjoy ko po yung paglalaro po naming dalawa.
“Hindi niyo po maiintindihan minsan sina Kuring at Tadeo, ganun po yung parang, ‘Ha?! Ano ba yun?! Ano ba ang nangyayari?!’ Pero sobra pong nakakatawa. Andami pong out of nowhere yung ginagawa nila.
“And that’s the creativity din po ni Direk Easy na ibinibigay niya rin po sa amin. Minsan nagka-cut, alam mo yun, maraming nangyayari, may mga nagte-teleport, mga ganyan.
“So sana po magulat din po kayo! Ayun lang, nae-excite lang ako!”
GORGY RULA
Dalawa ang karakter dito ni Yassi, si Kuring at si Daphne, na magkaibang-magkaiba ang pag-arte niya. Pagkatapos, nag-switch silang dalawa, kaya suma-tutal, apat ang characterizations niya.

Yassi Pressman as Kuring (left) and Daphne (right)
Pero hindi mawawala sa sitcom na ito ang pagpapa-sexy ni Yassi. Sino ang bigay na bigay ang kaseksihan dito, ang ginagampanan niyang si Kuring o si Daphne?
Sabi ni Yassi, siyempre iba talaga ang pagpapa-sexy dito ni Daphne.
“Kasi, si Daphne feel na feel niya pong maganda siya. Feel na feel niya pong sexy siya. Sobrang yabang niya po kasi in the beginning.
“Kaya lagi po niyang pinu-flaunt yung katawan niya, ganyan,” bulalas ni Yassi.
Kapansin-pansin kasi ang kaseksihan ni Yassi sa ilang pinu-post niya sa TikTok. Ang tindi ng isang TikTok post niya na sumasayawa na naka-swimsuit. Lutang na lutang ang kaseksihan, na ang ibang nagsi-share, akala nila naka-panty lang ang aktres.
Pero sabi ni Yassi, baka nanibago lang daw ang ibang tao. Masaya lang daw siya na nagagawa niya ang gusto niyang gawin at nai-express niya ito sa ipinu-post niya sa TikTok.
Read: Yassi Pressman, sumabak sa sexy pictorial bilang Calendar Girl
“Ang sinasabi ko ngayon, dapat maging open-minded, especially with the woke generation din na it’s still clothes at the end of the day.
“Hindi naman nakahubad, di ba? Ayoko na rin po nun. Hindi ko po kaya. Siguro po, naninibago lang din yung mga tao din.
“Kaya nung ginawa po namin yung sa Ginebra, bigla rin pong nagulat din po ang mga tao. But I fell like, I’m 27 years old na, I’m growing.
“I’m proud of my body. I’m proud of what I’ve been through. Sini-share ko rin po sa social media kung, if I’m bigger one time, from smaller on one time… and pinapamukha ko po sa mga babae, kung ano man po yung shape nio.
“Whatever you look like, you should be proud of yourself and be proud of your body,” saad ni Yassi.
