PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Write One' Pilot Trends on Twitter; Outshines Urduja

Abot Kamay Na Pangarap, mas mataas pa sa ilang primetime shows
by PEP Troika
Published Mar 22, 2023
the write one tv ratings
Real-life sweethearts Bianca Umali and Ruru Madrid (left) star in GMA-7's The Write One; Coco Martin-starrer FPJ's Batang Quiapo (inset, top) rates higher than its rival program Mga Lihim Ni Urduja starring Sanya Lopez (inset, bottom).
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN

GORGY RULA

Ang sipag ng fans ng RuCa tandem nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa pagpu-promote ng bagong drama series nilang The Write One.

Nag-trending sa Twitter nang umere ang pilot episode nito sa GMA-7 nung Lunes, March 20, 2023. Naka-6.6% ito.

Sa totoo lang, hindi na ganun kataas ang viewership sa gabi dahil mas marami nang platform ang pinagkakaabalahan ng mga manonood.

Pero pagdating sa hapon, ang taas ng karamihan ng programa lalo na sa GMA-7.

Ang bongga ng Abot Kamay Na Pangarap nina Jillian Ward at Camina Villarroel. Naka-11.1% ito nung Biyernes, March 17. Nung Sabado ay naka-11.4% naman ito.

Okay rin ang iba pang afternoon drama nung Biyernes kagaya ng Arabella na naka-8.9%, at Underage na naka-7%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda, na guest sina Ashley Ortega at Faye Lorenzo, ay naka-5.8%, at ang The Last Promise ay naka-2.8%.

Ang Family Feud naman ay naka-8.8%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung Lunes, March 20, ang Abot Kamay na Pangarap ay naka-10.6%.

Ang Arabella ay naka-7.8 percent, at ang Underage ay naka-6.5%.

Ang Fast Talk with Boy Abunda, kung saan ipinakilala ni Klea Pineda ang non-showbiz girlfriend niya, naka-5.8%.

Sumunod ang The Last Promise na 2.8%, at ang Family Feud ay 9%.

Read: Klea Pineda introduces girlfriend Katrice Kierulf to the public for the first time

NOEL FERRER

Noong Sabado, March 18, ang pilot ng sitcom sa TV5 na Kurdapya. Naka-1% ito.

Ang rating naman sa primetime ng GMA-7: 8.7% ang 24 Oras, at 2.1% ang TV Patrol.

Sumunod ang Amazing Earth na naka-10.3%. Ang Pepito Manaloto ay naka-11.8%, at ang katapat nitong The Voice Kids ay 6.2%.

Nung Linggo, March 19, naka-4.9% ang All Out Sundays, at 2.9% naman ang ASAP Natin To.

Ang GMA Blockbusters ay 3.6%, at sumunod ang The Atom Araullo Specials na 3.8%. Ang katapat na FPJ Da King ay 4.5%, at ang Regal Studio Presents naman ay 3.6%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa primetime, naka-5.4% ang 24 Oras Weekend, at 2.2% ang TV Patrol.

Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 6.3%, at ang Happy ToGetHer ay 8.9%. Ang katapat nitong PBA Games sa TV5 ay 4.8%, at ang The Voice Kids ay 5.6%.

Consistent namang okay ang rating ng The Clash na naka-11.7%, versus sa I Can See Your Voice na 3.8%.

Sumunod ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-15.5%, at ang The Boobay and Tekla Show ay 3.8%.

Except for The Atom Araullo Specials na show ng talent ko na si Atom, hindi na ako nakapanood ng TV. Hinabol ko na lang sa YouTube ang news nitong weekend.

Ako lang na ito o pati ang iba rin, na wala na halos panahong manood ng TV, at sa ibang gadgets na lang hinahabol. Pero patuloy pa rin ang paggawa ng magagandang content para may maayos na pagpilian tayong mga manonood.

Nag-iba na nga ang panahon. Kailangang mag-adjust at mag-adapt sa teknolohiya, pero ang kailangan na basic ng lahat ay maayos, masinop, at magandang content na may kurot sa puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Namayagpag ang First Yaya (Marso-Hulyo 2021) nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion na sa tuwi-tuwina ay nasa line of 2 ang ratings, at kinabog ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa mga sumunod na Kapuso primetime show na pumuwesto sa timeslot nito — The World Between Us, Legal Wives, I Left My Heart In Sorsogon, First Lady, Lolong, Maria Clara at Ibarra, Mga Lihim Ni Urduja — wala man lang nakapantay sa tagumpay ng First Yaya.

Pero siyempre, excited tayo sa Voltes V: Legacy na siyang papalit sa Mga Lihim ni Urduja.

Pinatumba ng Lolong ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang Mars Ravelo’s Darna, hindi nakaporma sa Maria Clara at Ibarra.

Hindi lihim na taob sa game of ratings ang Mga Lihim ni Urduja (Sanya Lopez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia) versus FPJ’s Batang Quiapo (Coco Martin, Lovi Poe).

Ito lang Mga Lihim ni Urduja ang talunan sa mga programa ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong panghapong Abot Kamay na Pangarap, mas mataas pa ang ratings kesa sa panggabing Hearts on Ice!

Sa Primetime noong Biyernes, March 17, naka-11.2% ang Mga Lihim ni Urduja na sa tatlong channel napapanood. Samantala, ang Batang Quiapo na magkasabay na umeere sa apat na channel ay 12.6%.

Ang Hearts on Ice ay 9.1%, at 7.3% naman ang The Iron Heart.

Sumunod ang Bubble Gang na 5.3%, at 4% percent naman ang katapat na Dirty Linen.

Noong Lunes, March 20, naman, naka-11.5% ang Mga Lihim ni Urduja at ang Batang Quiapo ay 12.2%.

Ang Hearts On Ice ay 9%, at ang 6.8% ang The Iron Heart.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Real-life sweethearts Bianca Umali and Ruru Madrid (left) star in GMA-7's The Write One; Coco Martin-starrer FPJ's Batang Quiapo (inset, top) rates higher than its rival program Mga Lihim Ni Urduja starring Sanya Lopez (inset, bottom).
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results