PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maine-Arjo, Maja-Rambo July Weddings?

Kasal nina Maine at Arjo, hindi naman siguro sa July 16 gaganapin.
by PEP Troika
Published Mar 23, 2023
arjo maine maja rambo engaged
According to the grapevine, the weddings of celebrity couples Arjo Atayde and Maine Mendoza (left) and Maja Salvador and Rambo Nuñez (right) will both happen this July 2023.
PHOTO/S: @mainedcm / @maja on Instagram

GORGY RULA

Pinag-usapan sa Twitter ng fans nina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza ang ipinost ni Enchong Dee sa kanyang Instagram account kasama si Cong. Arjo.

Kaagad itong pinik-ap at ang sabi, isa raw sa si Enchong groomsmen sa kasalang Arjo at Maine.

May lumabas pang kuha ng wedding invitation na raw nina Arjo at Maine.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged

Noon pa man ay kinukulit na namin ang ilang Dabarkads kung nakatanggap na ba sila ng wedding invitation mula kay Maine, o kahit kay Maja Salvador, na engaged na rin sa kanyang fiancé na si Rambo Nuñez.

Read: Maja Salvador is now engaged to Rambo Nuñez Ortega: "My new beginning."

Wala pa naman daw. Wala na silang sagot sa iba naming tanong.

Pero ayon sa nakalap ng PEP Troika, nakatakda na ang wedding nina Arjo at Maine sa July, at magkasunod lang sila ng kasalang Maja at Rambo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasagap din natin noon na nagpakasal na raw sina Rambo at Maja noong Valentine’s Day, pero wala pang nagkukumpirma tungkol doon.

Totoo kayang civil wedding nina Rambo at Maja noong February 14, at itong sa July ay church wedding na?

Abangan na lang natin ang kanilang official announcement.

Read: Maja Salvador, isinisikreto ang detalye ng kasal nila ni Rambo Nuñez

NOEL FERRER

Sa panahon ngayon na parang walang takas ang mga tao sa mga mapanuring mata sa social media, naiintindihan ko kung bakit ang mga artista ay nakikiusap na gawing pribado ang parte ng kanilang mga buhay.

Masaya tayo para kina Arjo at Maine kung tunay na nga ang kanilang pag-iisang dibdib. At kina Maja at Rambo din kung talagang Mister at Misis na sila.

Patuloy nating igagalang ang pribadong buhay nila, at nandito lang tayong nakasuporta sa kanilang maganda, maayos, at mabuting pagsasama!!!

JERRY OLEA

Here Comes The Groom ang pelikula ni Enchong Dee sa 1st Summer MMFF (Abril 8-18, 2023), hindi Here Comes The Groomsman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong Marso 23, Huwebes, ay present pareho sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga!.

Ang mga dyed-in-the-wool fans ng AlDub, ipinagdiriwang ang kanila ika-401 weeksary.

Sa Hulyo 16 ay ikawalong anibersaryo ng AlDub. Hindi naman siguro sa araw na iyon ang ArDub wedding?!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to the grapevine, the weddings of celebrity couples Arjo Atayde and Maine Mendoza (left) and Maja Salvador and Rambo Nuñez (right) will both happen this July 2023.
PHOTO/S: @mainedcm / @maja on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results