GORGY RULA
Inabot ng pandemya ang pagsisimula ng taping ng live-action anime series na Voltes V: Legacy, kaya naantala at umabot ng tatlong taon bago ito natapos. Nagpatagal din ang special effects at computer graphics nito.
Proud si Direk Mark Reyes na nabuo niya at maganda ang kinalabasan ng Voltes V: Legacy.
Read: Direk Mark Reyes reveals tough calls, conflicts while shooting Voltes V: Legacy
Sa tingin nila, maaa-appreciate ng mga manonood kapag napanood ito sa widescreen. Kaya abangan ang cinematic experience ng Voltes V: Legacy na mapapanood sa SM cinemas simula April 19, pagkatapos ng 1st Summer MMFF.
Sa loob ng tatlong taong ginagawa ang Voltes V, napatunayan ang pagiging lider ni Miguel Tanfelix sa grupo.
Kuwento ni Ysabel Ortega, si Miguel ang gumawa ng paraan para tuluy-tuloy ang kanilang komunikasyon nung natigil ang kanilang taping.
Ani Ysabel, “I think it was Miguel na nagsimula. Siya yung nag-initiate na mas naging close kaming lahat sa isa’t isa.
“Kasi I remember nung pandemic, March 2020 pa nag-start. Around June... kasi nung nag-pandemic, hindi kami nag-uusap, talagang sobrang nahinto lahat, parang walang nangyari.
“Nag-meet kami. Si Miguel ang nag-message sa amin isa-isa na kinumusta kaming lahat na, ‘O, kumusta?’ ‘We’re doing okay.’
“I remember a few weeks after, siya rin yung nag-initiate na, 'O, mag-set naman tayo ng online call para we can get to know each other, para nag-taping na tayo at least kumportable na tayo sa isa’t isa.'
“And then, initially yun lang po naman talaga yung plano e. Until, wala! Yung first call namin, dapat siguro mga two hours lang ata yun. Pero tumagal ng hanggang 5:00 a.m. yung kuwentuhan naming lahat.
“Ayun! Nagtuluy-tuloy kami na lahat ang may gusto rin na magkita kaming lahat. Tapos, until December 2020, nagkita kaming lahat in person, nag-set din kami ng parang Christmas party, and then, nagtuluy-tuloy.
“So, I think, it was Miguel talaga ang started everything.”
Masaya sila dahil natapos ang Voltes V: Legacy na maganda kaya excited silang mapanood ito sa mga sinehan. Iba raw kapag na-experience ng mga manonood sa mga sinehan.
Puwede nang makabili ng tickets in advance sa SM Cinema ticket booths, o SM Cinema app.

noel ferrer
Naniniwala si Miguel, na gumaganap bilang Steve Armstrong, na mas mabuting maging close silang lahat bago ituloy ang taping.
Ito ang dahilan kaya nag-effort talaga siyang magkaroon sila ng regular na communication, hindi lang kay Ysabel, na gumaganap bilang Jamie Robinson, kundi pati sa ilang nasa main cast na sina Radson Flores bilang si Mark Gordon, Matt Lozano bilang si Big Bert, at ang batang si Raphael Landicho bilang si Little John.
Sabi ni Miguel, “Ako kasi, naniniwala na kung close kayo off cam, magta-translate yun sa camera, e. E, kami, bilang magka-inmates kami, magkagrupo kami, kailangan namin maging magkakaibigan kami off cam.
“Siguro hindi lang yun ang dahilan kung bakit ko sila gusto i-close, kasi nakita ko sa kanilang mababait silang tao. And pandemic yun, e, parang kailangan natin ng mga may makakausap.
“Ako, kailangan ko ring may makakausap nung pandemic personally. Feeling ko, tamang timing din na mag-set ako ng online na kuwentuhan, mga get-together namin online.
"Kasi, baka medyo nada-down kami, baka naiinip kami dahil matagal na mag-start yung show.
“Ayun! Hindi lang sa show, kundi para sa isa’t isa rin, more on personal actually.”
JERRY OLEA
Walong pelikulang Pinoy ang palabas nationwide for eleven days sa 1st Summer MMFF — mula Abril 8, Sabado de Gloria, hanggang Abril 18, Martes.
Kung hindi magbabago ang ihip ng hangin ay pitong bagong pelikula ang mapapanood sa local cinemas umpisa Abril 19 — Voltes V: Legacy, Adik Sa ‘Yo, The Pope’s Exorcist, One True Loves, The Super Mario Bros The Movie, AIR, at Ride On.
Parang filmfest, huh?!
Sa Abril 26 naman ang playdate ng Renfield at Papa Mascot.
At sa Mayo 3 ipalalabas sa local cinemas ang Guardians of the Galaxy Volume 3.
Gaya ng Voltes V: Legacy ay makakabili na ng tiket sa SM Cinema para sa Volume 3 ng Guardians of the Galaxy.
Facebook post ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero noong Abril 2, Palm Sunday: “Come April 19 ay ipapalabas na ang Voltes V Legacy, una sa lahat ng SM Cinemas, sana ay panoorin ng lahat (lalo na yung mga magagaling manghusga).
“Napanood ko na. Kami ay masaya. ‘Stay away from Steve!’ Stay away muna sa paghuhusga hanggat di pa napapanood ha? Ang gusto lang naman naming lahat sa Gma-7 ay ichallege lagi ang aming mga sarili para maghandog sa inyo ng bago at kakaibang putahe.
“Kaya manood po ha! April 19 na, buy na ng tickets sa lahat ng Sm Cinemas.
“Love you all!”
