PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Romnick Sarmenta, pinalitan si Gardo Versoza sa 'Unbreak My Heart'

Gardo Versoza, puwede nang mag-taping pero limitado ang oras.
by PEP Troika
Published Apr 14, 2023
romnick sarmenta gardo versoza unbreak my heart
2023 Summer MMFF Best Actor Romnick Sarmenta (left) has replaced Gardo Versoza (right) in the GMA-ABS-CBN collab project Unbreak My Heart, after Gardo suffered from heart attack recently.
PHOTO/S: Sany Chua / Gardo Versoza

JERRY OLEA

Pinalitan na si Gardo Versoza sa cast ng teleseryeng Unbreak My Heart na bida sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia.

Inatake sa puso si Gardo noong Marso 28 at naratay sa ICU ng Cardinal Santos Memorial Medical Center.

Sumailalim si Gardo sa angioplasty upang matanggal ang bara sa dalawang ugat na pinagdadaluyan ng dugo patungo sa puso.

Read: Gardo Versoza suffers heart attack from "too much exercise"

Facebook post ng asawa niyang si Ivy Vicencio noong Abril 5: “Maraming Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng nag dasal at nag alala kay Gardo "Cupcake" Versoza .. sa sobrang dami nyo po hindi ko na masagot ang mga private messages ninyo .. mga comment at tawag. Pasensya na po

“Medyo ok na po sya at pinayagan na muna ng mga doctors nya na maka uwi. After 2 months mag undergo po sya ulit ng isa pang Angioplasty. Hindi naisabay nung una dahil may Heart Attack na nangyayari. Again .. taos pusong pasasalamat po sainyong lahat”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Hunyo o Hulyo gagawin ang ikalawang angioplasty kay Gardo.

Pinagbawalan si Gardo ng cardiologist niyang gumawa ng strenuous activity at kailangang magpahinga muna siya sa bahay.

Facebook post ni Gardo recently, kaakibat ang litrato na nagdarasal siya sa kapilya: “sa lahat po ng nagdasal ,, nagpadasal ,, nagpalakas ng loob ko ,, well wishes ,, dumalaw ,, nagpasaya ,, nagbigay ng ayuda ,, mula po sa akin at sa aking pamilya taos pusong pasasalamat po sa inyo… maraming salamat po PANGINOON”

Nag-Tiktok kapagkuwan si Gardo kasama ang kanyang five-member Cardiac Rehab Team habang nakaupo.

@gardo_versoza CHRIST has risen ?????? happy easter cupcakes ?????????????????????? thanks to cupcake #inah and the rest of the cardiac rehab team of @Cardinal Santos Medical Center #GODlovesyou ???? thank you LORD ?????????? #palibhasacupcake ? original sound - Gardo and Ivy Versoza

Sa huling pa-Tiktok ni Gardo ay nakatayo na siya kasama ang Cardiac Rehab Team niya. Naka-rubber shoes si Gardo, hindi naka-heels.

@gardo_versoza thank you so much cupcakes of cardiac rehab ?????????????????? #doctala #dockim #jessica #cristan #ish #palibhasacupcake #goodfortheheart #makesomebodysmile @Cardinal Santos Medical Center ? original sound - Gardo and Ivy Versoza

At any rate, nabalitaan ng PEP Troika na ang pumalit kay Gardo sa Unbreak My Heart ay si Romnick Sarmenta.

Ni-reshoot ni Romnick ang mga eksena ni Gardo noong Abril 12, Miyerkules — kinabukasan matapos tanghalin si Romnick na best actor sa 1st Summer MMFF para sa pelikulang About Us But Not About Us.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: 2023 Summer MMFF Gabi ng Parangal: Romnick Sarmenta and Gladys Reyes win top acting honors

NOEL FERRER

It must be for the best na rin para makapagpahinga si Gardo na masayang nag-a-update sa mga cupcakes niya!

Mabilis lang naman ang three months and for sure, dahil magaling na artista naman si Gardo at mahusay makisama, hindi iyan mawawalan ng trabaho.

As for Romnick, this is his time again! Maligayang-maligaya tayo sa kanyang pagkakapanalo ng Best Actor sa kauna-unahang Summer MMFF. The movie and his performance will remain as one of the MMFF classics.

Credit Dreamscape talaga for being soooo savvy and excellent in their casting. Very relevant at hot si Romnick at magandang addition siya sa stellar cast ng groundbreaking ABS-GMA collab na Unbreak My Heart.

At sana, huwag nang palakihin ang isyu ng pang-iisnab daw ni Romnick kay Senator Bong Go sa Summer MMFF Awards dahil walang katotohanan yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming nakakitang nag-excuse na sa lahat si Romnick dahil supposedly gusto na niyang magbanyo — at nakasama ko pa siya paglabas ng venue.

Bilang isa sa mga tagapagtaguyod ng industriya at nanguna sa Summer MMFF, nagpapasalamat tayo, pati na si Nicko (Romnick), kay Senator Bong Go. Walang halong pelikula ito at all.

Marahil nagkausap na sina Romnick at Victor Neri, na malapit kay Senator Bong Go at jury noong Gabi ng Parangal, dahil magkasama sila sa Unbreak My Heart.

So now, tuloy ang kahusayan at kasiyahan sa magagandang proyektong nagaganap sa ating pinasisiglang industriya.

Kay Gardo, kasama ka sa mga dasal namin para gumaling na agad.

At kay Nicko, congratulations at proud talaga kami sa iyo!

GORGY RULA

Nakausap ng PEP Troika ang misis ni Gardo na si Ivy Vicencio na nag-aalaga sa aktor.

Naiintindihan daw nila ang desisyong palitan ang aktor sa Unbreak My Heart dahil may schedule na ito ng airing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naintindihan naman po namin yung sa Unbreak… kasi sila rin yung maiipit din kung hihintayin pa nila si Gardo. E, may airing date na sila, e.

“Saka kinausap naman din po kami. Kaya naintindihan naman po namin,” pahayag ni Ivy.

Pero sabi ng misis ni Gardo, pinayagan ng doktor si Gardo na bumalik sa taping, pero marami lang daw bawal. Kagaya ng number of hours ng trabaho, dahil hindi talaga siya puwede magpuyat.

“Buti may gagawin siya sa Jack en Jill sa APT po, kasama si Jake Cuenca,” pakli ni Ivy.

Magaan lang daw ito para kay Gardo dahil sitcom at napagkasunduan nila kung ano lang ang puwede para sa kanyang asawa.

“Nagkasundo naman po kami dun sa mga kailangang iwasan during taping,” dagdag na pahayag ni Ivy.

Sa edad na 53, na-realize ni Gardo na dapat talagang pakinggan mo kung ano ang nararamdaman ng katawan at dapat daw talagang regular check-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-realize po niya na talagang kailangan ng regular check-up, at huwag abusuhin yung sarili, kasi may lahi nga sila.

“So, dapat nag-doble ingat siya. Kasi sa lahi na po niya, e. Tapos hindi pa nakakapagpa-check up.

“Naging aware na po siya sa health niya. Kasi iniisip namin, healthy siya… hindi pala ganun,” sabi pa ni Ivy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
2023 Summer MMFF Best Actor Romnick Sarmenta (left) has replaced Gardo Versoza (right) in the GMA-ABS-CBN collab project Unbreak My Heart, after Gardo suffered from heart attack recently.
PHOTO/S: Sany Chua / Gardo Versoza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results