PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Para sa 'honest' portrayal, pasalamat si Ken Chan kay GMA-7

Ken Chan, "nakalaya" sa pelikulang 'Papa Mascot.'
by PEP Troika
Published Apr 19, 2023
ken chan papa mascot
Ken Chan on being able to portray characters in movies that he cannot do on television: “Nagawa ko po ang gusto kong gawin na hindi ko magawa sa TV, sa mga teleserye. At masaya po ako... Ang sarap na magawa mo lahat ng gusto mong sabihin! Lahat ng gusto mong ikilos o ipakita sa pelikula, dahil walang limitasyon."
PHOTO/S: Jerry Olea / Ken Chan Facebook

JERRY OLEA

Nagpapasalamat si Ken Chan sa mga sumuporta sa premiere night ng pelikula niyang Papa Mascot noong Abril 17, 2023, Lunes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.

“Lubos po akong nagpapasalamat dahil pinayagan po ako ng aking management, GMA Network at Sparkle management po, na gumawa ng klaseng ganitong materyal,” pahayag ng 30-anyos na Kapuso actor.

“Lingid po sa kaalaman ng lahat na talagang pagdating po sa TV, may mga limitasyon po.

“Ang paggamit ng mga bad words. Ang paggamit ng sigarilyo. Ahhh talagang hindi po natin iyan maipapakita sa TV.

“Pero nagkaroon po ako ng kalayaan bilang isang aktor na maipakita yung matagal ko nang kinikimkim bilang isang aktor. At nailabas ko po dito sa pelikula na Papa Mascot.

“Isang materyal na kung saan matagal ko nang pinapangarap at ipinagdarasal na magkaroon.

“At tinupad po yon ng Wide International Film, ni Direk Louie Ignacio, at siyempre ni Lord.

“Kanina nga po, habang pinapanood ko yung pelikula — hawak-hawak ko yung mga sigarilyo — nasa likod ko po si Miss Lilybeth, tumitingin po akong ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tinitingnan ko po kung ano ang reaksiyon niya.”

Ang tinutukoy ni Ken ay ang GMA SVP for Entertainment Group na si Lilybeth G. Rasonable.

Dagdag ni Ken, “But I’m really happy na nagustuhan po nila. And ang sarap po sa pakiramdam na makagawa ng mga ganitong pelikula na may aral, relatable, at masarap gawin.”

Read: Ken Chan, paano na-achieve "maamoy" ng audience sa screen?

Pangalawang movie na ito ni Ken na idinirek ni Louie Ignacio. Nauna iyong MMFF 2021 entry nila ni Rita Daniela na Huling Ulan sa Tag-araw.

“For sure, ilalaban ito ni Direk Louie sa mga festivals hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa,” sambit ni Ken.

“And yun po, excited din po kami na mapanood siya hindi lang po dito sa Pilipinas kundi pati na rin po ng mga kababayan nating OFWs at mga kababayan po nating nasa ibang bansa, na mapanood nila ang ganitong pelikula po.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At masuwerte po, I feel so blessed and thankful that I was able to work with the icons of the industry, Kuya Gabby [Eigenmann], Ate Liza [Diño], you know, Miss Sue [Prado], at marami pang iba.

“I’m just so blessed, thankful. Erin, palakpakan naman natin si Erin, napakagaling. Nandito ang pamilya ni Erin!

“I know na proud na proud po kayo sa inyong little angel, you know. At yun po, sana, dasal ko na makagawa pa ang Wide International ng mga pelikulang kagaya nito. Salamat po. Thank you.”

Ang six-year old na si Erin Rose Espiritu ang gumanap bilang anak ni Nico (karakter ni Ken) na si Nicole sa Papa Mascot.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa local cinemas umpisa Abril 26, Miyerkules.

Nasa cast din ng movie sina Miles Ocampo, JC Parker, Joe Gruta, Tabs Sumulong, Jericho Arceo, at Yian Gabriel.

NOEL FERRER

Bilang aktor, lumaya si Ken sa pelikulang Papa Macot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Ken, “Nagawa ko po ang gusto kong gawin na hindi ko magawa sa TV, sa mga teleserye. At masaya po ako.

“May mga kaibigan po akong mga aktor na gumagawa ng mga ganitong pelikula po, at nakikinig po ako sa kanila.

“Lagi ko pong naririnig yung mga kuwentuhan nila, ‘Hah! Ang sarap sa pakiramdam! Grabe, ganito pala ang pakiramdam!’

“Ang sarap na magawa mo lahat ng gusto mong sabihin! Lahat ng gusto mong ikilos o ipakita sa pelikula, dahil walang limitasyon.

“Pero naiintindihan ko naman po yun. Ganun po talaga ang sistema ng pelikula at ng TV series. May mga kailangan po tayong sundin.

“Pero ako po, masasabi ko po na nagawa ko at nakalaya po ako doon sa gusto ko pong gawin.

“Pero me as an actor doing a TV series, I’m also blessed and thankful dahil de kalibre din naman po ang mga pino-produce ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I’m just so blessed na nagagawa ko po yun, both world.”

Sana, maging successful itong Papa Mascot as a stand-alone film na ipalalabas na bago magtapos ang buwan.

GORGY RULA

Co-producer si Ken sa Papa Mascot. First foray niya ito sa pagpoprodyus ng pelikula.

“And I’m just so proud to say na pinasok po namin ang venture na ito bilang pagiging producer with Miss April [Martin] and Miss Pauline [Publico],” sey ni Ken.

“Wide International Film, this is our first project, at proud na proud po akong sabihin na I’m part of this project not only as an actor but also as a co-producer.

“And as a co-producer, may mga pagkakataon po na nakakapagbigay po kami, yung mga creative juices po namin, pinagsasama-sama po namin kung ano man yung mga materyal na gusto naming gawin, also with Direk Louie Ignacio.

“Kung ano ba yung mga kuwento pa na gusto naming ipakita sa mga viewers. Ano pa ba yung mga kuwento na hindi pa naikukuwento?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami! Marami kaming gustong mga plano. Romantic comedies, horror, action, more dramas, about family, about love.

“And abangan niyo po yun. Yun ang dapat niyong abangan!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan on being able to portray characters in movies that he cannot do on television: “Nagawa ko po ang gusto kong gawin na hindi ko magawa sa TV, sa mga teleserye. At masaya po ako... Ang sarap na magawa mo lahat ng gusto mong sabihin! Lahat ng gusto mong ikilos o ipakita sa pelikula, dahil walang limitasyon."
PHOTO/S: Jerry Olea / Ken Chan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results