GORGY RULA
Sa halip na ikatuwa ang pagiging generous ni Matangkad na Aktor, pinagdudahan pa ang kasarian niya dahil ang hilig daw nitong magregalo sa mga kasamahan niyang young actors na nakakasabay sa kanilang regular workshop.
Naging usap-usapan ang Matangkad na Aktor sa kanilang grupo dahil sa pagreregalo raw nito ng jersey sa mga Guwapito na baguhang aktor.
Ang drama raw ni Matangkad na Aktor, tatanungin niya ang Guwapito kung ano ang favorite team nito at sino ang favorite NBA player niya.
Siyempre, wala namang kamali-malisyang sinasabi ni Guwapito.
Nagulat na lang daw si Guwapito nang magkita sila sa sumunod na workshop dahil may iniaabot na sa kanyang bagong jersey si Matangkad na Aktor. Gift na raw niya yun.
Ang siste, hindi lang daw isang Guwapito ang nabigyan ni Matangkad na Aktor.
Sa tantiya ng mga nakamasid, mga five daw ang niregaluhan ni Matangkad na Aktor.
Nagugulat tuloy ang mga Guwapito dahil hindi naman nila birthday, pero natutuwa sila at na-appreciate naman nila ang pagiging mabait ni Matangkad na Aktor sa kanila.
Nabalitaan daw nilang ganun din daw ang ginagawa nito nung nasa kabilang istasyon pa ang Matangkad na Aktor.
READ 20 leading Filipino actors ranked according to height
Bagamat natutuwa sila, nandiyan ang pagdududa na baka totoo ang nakakarating sa kanilang tsismis na closeta si Matangkad na Aktor?
Pero wag nang magmalisya. Puwedeng naman generous lang siya, di ba.
Wala naman daw itong ginagawa o hinihiling sa mga guwapito. Basta type lang daw niyang magtanong kung sino ang favorite NBA team at player mo, presto, may jersey ka na!
Kung napasikat ni Kuya Willie ang linyang “Bigyan ng jacket iyan!”… si Matangkad na Aktor naman, “Bigyan ng jersey iyan!”
READ Teleserye sa totoong buhay: newbie, dumanas ng pang-aapi mula sa isang powerful personality
NOEL FERRER
Parang taken na ang Matangkad na Aktor na ito.
Huwag muna natin siyang tawaging aktor dahil ayon sa mga kasamahan niya sa trabaho, may pagkahamon itong male star na ito.
Ang punchline ng isang direktor, sana’y nai-coach siyang mabuti ng isang direktor na matagal nang inili-link sa kanya.
Look na lang sa sky ang mga dating katrabaho nilang dalawa.
READ Blind items: Kuwento ng mga kiss-and-tell
JERRY OLEA
Nakakalokah! Noon pa napagdududahan na may bahid si Matangkad na Aktor turned Matangkad na Male Star.
Kaya kahit pa-thirsty siya minsan sa photo shoot, umiismid ang mga old-school na bading habang tilam-tilam at napapalunok ang mga alter.
Para maging ganap na aktor itong matangkad na male star… “Bigyan ng workshop iyan!”
Note: Nabanggit ng editor na ito sa isang guwapito male lead ang jersey na pinamimigay ni Matangkad na Aktor turned Matangkad na Male Star. Ang joke niya, "Guwapito naman ako, bakit wala akong natanggap? Pero dahil mga newbie ang nabigyan, e, tila hindi pasok sa banga si guwapito male lead.
