GORGY RULA
Akala namin, tinuldukan na ni Mayor Bullet Jalosjos ang mainit na isyu ng Eat Bulaga! pagkatapos niyang magsalita sa Fast Talk With Boy Abunda.
May ilang nakausap ng PEP Troika na malapit sa ilang Dabarkads na nagkuwento sa aming nag-react daw ang ilang taga-EB sa sinabi ni Mayor Bullet na financially stable sila.
Bakit daw pinababawasan ang talent fee nilang lahat kung wala namang problema sa pananalapi?
May nagsasabing meron daw talagang pagkakautang ang Eat Bulaga! sa ilang hosts, lalo na kina Joey de Leon at Vic Sotto.
Malaki raw ang naipong talent fee na nagkapatung-patong nang ilang taon.
Sabi naman ng ilang sources ng PEP Troika, baka nagpaka-safe na lang daw si Mayor Bullet ng sagot para wala nang madamay pa sa isyu ng pera.
Ayaw na lang daw sigurong lumala pa ang intriga ng naturang longest-running noontime show na matagal nang pinag-uusapan.
Ang inaabangan na lang ngayon ay kung sino pa ang madadagdag sa mga Dabarkads.
Meron daw silang isasama na isang batang winner sa isang talent show sa Dipolog City.
Pero walang alam ang mga Dabarkads kung kailan sila ipapasok.
Nawindang lang sila sa dagdag pang isyung nakarating na status quo raw sila ngayon, pero hanggang May lang daw ito.
Wala pang nakakaalam kung ano ang susunod na magaganap pagkatapos ng buwan ng Mayo.
READ Meet Eat Bulaga! owner Romeo Jalosjos: The power that can shake up Philippine TV
NOEL FERRER
You don’t kill the goose that lays golden eggs. As of now, napaka-profitable pa rin ng Eat Bulaga! kaya wise decision talaga ang mag-status quo.
Open naman tayo sa nasabing mga pagbabago. Sana lang, maitawid ito nang maayos sa mga viewers para swak pa rin sa core audience ng Eat Bulaga!
Bigger prices din daw sa new game portions at exciting ang sinasabi nilang magiging new addition to the Eat Bulaga! Dabarkads.
Hintay-hintay tayo at malapit nang sumapit ang buwan ng Mayo.
Maliliwanagan na sa wakas ang mga next steps in Eat Bulaga na pawang moving forward na nga!
In the meantime, tuloy pa rin ang ligaya, at totoo pa rin ang kasabihang… Basta’t may bata, mag-Eat Bulaga!!!
READ Tony Tuviera: Driving force behind Eat Bulaga!
JERRY OLEA
Napaka-diplomatic ni Mayor Bullet sa Fast Talk With Boy Abunda.
Pero naniniwala tayo na sisingaw at sisingaw ang totoo, na ang katotohanan ay magpapalaya sa iyo.
Ang PHP43M-question, status quo pa rin ba sa Eat Bulaga sa Mayo? O hindi na maaawat ang mga pagbabago?
