JERRY OLEA
Three months old na ang panganay nina Iza Calzado at Ben Wintle na si Deia Amihan ngayong Abril 26, 2023, Miyerkules.
Ipinost ni Iza ang tatlong pictures ni Deia Amihan sa Instagram at Facebook.
Ani Iza, “Our little seedling is growing fast. As you turn 3 months old today, we set the intention of nurturing you so that you reach your fullest potential and fulfill your divine purpose in this world.
“By God’s grace, your future is brighter than we could ever imagine!”
Enero 26 nagsilang si Iza. Amihan season noon, at nagpapahinga sa social media ang aktres.
Isinapubliko ni Iza ang tungkol dito after two months, pero hindi kita ang mukha ni baby sa litrato.
Read: Iza Calzado shares partial glimpse of baby Deia Amihan
Ipinaliwanag ni Iza sa edamama New Mama Expo 2023 noong Abril 14, Biyernes, sa Megatrade Hall 2 ng SM Megamall, Mandaluyong City, kung bakit inilihim muna niya ang tungkol sa kanyang panganganak.
Salaysay ng 40-anyos na aktres, “I went offline talaga and I think it was the best decision for me. You know, everybody has their own realities.
“And for me, if I had posted early on about her, I would have been overwhelmed by the greetings, you know, and parang…
“And knowing me, I would want to respond to most if not all the messages, coz that’s how I’m hardwired. And that’s going to take time away from my child.
“And then if I don’t get to respond, I’ll feel bad. So I didn’t want that to… na parang… and it was good to just focus on her.
“Because there was a lot to understand. There are a lot of things pa.
"So, buti na lang talaga I made that decision because so many things were happening na around that time.
“It was a challenging time but also very fulfilling…”
Read: Iza Calzado opens up about postpartum struggles
GORGY RULA
At press time, mahigit 500 comments na ang IG post na ito ni Iza.
Ang cute naman kasi ng bagets na kamukha nga ni Ben Wintle, pero malay natin, baka may makukuha rin kay Iza pag lumalaki na.
Agree ako sa comment ni Sunshine Dizon na nakikita niya ang yumaong ama ni Iza na si Tito Lito Calzado kay Deia Amihan.
Komento ni Sunshine, "Aww I don’t know why but the 1st pic gives Tatay Lito vibes Ga @missizacalzado not sure if it’s the stare or the smile. Love you.”
Si Tito Lito rin kasi ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko ang post na yun. Tiyak na ang lolo ang isa sa pinakamasaya kay Baby Deia Amihan ng kanyang pinakamamahal na anak.
Read: Director-choreographer Lito Calzado succumbs to liver cancer
NOEL FERRER
Parang ibang swerte ang dala ni Deia Amihan sa mag-asawang Iza at Ben, kasi ang daming nagkakainteres sa bata at sa pamilya nila, lalo na sa endorsement at ambassadorship na ang kick off ay Mother’s Day.
Significant naman talaga ang unang pagbubuntis ni Iza na kaloob ng Diyos.
Hindi lingid sa kaalaman ng tao na nagpa-freeze sila ni Ben ng fertilized egg nila, at hindi pa nila kinailangan ito para sa kanilang unang baby.
Talagang unexpected beautiful gift itong si Deia Amihan na ang ibig bang sabihin ay puwedeng masundan agad?
Hayyyyy, focus muna tayo kay Deia Amihan. Kung may darating pa, e, darating iyan in God’s perfect time.
Ninanamnam ni Iza ang pagnananay ngayon, at kung ano ang proyektong magpapabalik sa kanya sa magalingang acting? Abangan na lang natin!
