GORGY RULA
Papasukin na rin pala ni Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez ang showbiz.
Matagal na raw niya itong pinaghandaan at dumaan na rin siya sa acting workshop at ilang guestings na ibinigay sa kanya ng manager niyang si Arnold Vegafria ng ALV.
Ngayon lang nabigyan ng pagkakataong i-announce ni Tracy ang pagpasok niya sa pag-aartista nang inilunsad siyang bagong endorser ng Beauty Wise na ini-relaunch sa Luxent Hotel nung Biyernes, April 28, 2023.
Doon na rin ipinakilala ang bagong CEO ng Beauty Wise na si Ms. Iya Tapulgo Galo. Masasabing pinakabatang CEO, dahil 18 years old pa lang siya na magpapatakbo ng naturang kumpanya.
Si Ms. Iya ang pumili kay Tracy na maging endorser dahil gusto nilang bagong mukha ang mag-endorse ng kanilang produkto at hindi mestiza.

Tracy Maureen Perez with Iya Tapulgo Galo
Tamang-tama naman sa paglunsad sa kanya bilang endorser ng Beauty Wise, ipinahayag na ni Tracy ang kanyang interes sa pagpasok sa showbiz.
Nabanggit din ni Tracy na magkaibigan sila ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo. Kung magkakaroon ng chance, gusto raw sana niyang makausap si Rabiya para makahingi naman daw siya ng tips.
Aniya, “I’m sure she’s also very busy. She has taping every single day. So, I don’t really wanna add to her plate.
“But hopefully, we do have time to catch up. I would really like to get some tips from her. She’s a friend and she’s nice.”
Kagaya ng ilang baguhang artista, wish din daw ni Tracy na maka-partner sa isang project sina John Lloyd Cruz at Jericho Rosales.
JERRY OLEA
Memorable ang pagkapanalo ni Tracy Maureen Perez sa Miss World Philippines nung 2021 na ginanap sa Subic.
Inabot ng alas-dos ng madaling-araw, ang naturang beauty pageant na may natutumba nang kandidata. Isa na rito si Tracy na pagkatapos itinanghal na Miss World Philippines, dalawang beses siyang natumba.
Read: Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez, dalawang beses bumagsak sa stage
Nahulog pa siya sa hagdanan na mabuti na lang kaagad siyang sinaklolohan ni Xian Lim na host sa naturang kumpetisyon.
Read: Xian Lim spotted helping Miss World PH 2021 Tracy Maureen Perez the first time she fell onstage
Hinding-hindi raw makakalimutan ni Tracy ang pagkapanalo niyang yun dahil nagmarka ang mahabang gasgas sa kanyang binti. Ang laki raw ang natutunan niya sa karanasang yun.
“Na-test dun yung lahat-lahat. Character, perseverance, lahat.
“For me, yun nga. Inuulit-ulit ko when people asked me na it’s never easy. So, make sure that you’re prepared talaga, physically, emotionally, dapat healthy ka. Always be present.
"Kasi pag pagod ka na, hindi mo na nararamdaman masyado yun, e. So again, always be ready.
“And para naman sa akin, I was able to get a lot of help from the organization, from my team, from my camp. So, very thankful naman po ako. And they really helped me push through,” pahayag ni Tracy.
NOEL FERRER
Good luck, Tracy.
Sana, magtatak ka at makagawa ng sarili mong marka sa showbiz as much as the other Tracy, ang mother hen ng Sparkle sa GMA… ang kaibigan nating Tracy Garcia.
Kasi kung di mo gagalingan, isusumbong ka namin sa isang sikat pa na Tracy. Ang mahal naming si Wyngard!!!
