JERRY OLEA
Aminado si Pia Moran na kasalanan niya ang pagkalat noong 1990s ng VHS (Video Home System) tape na nakikipagtalik siya sa boyfriend niyang Pinoy.
Unang-una, pumayag siyang i-videotape ang kanilang pagniniig.
“Ang tanga-tanga, di ba?! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ng sexagenarian dancer-actress sa storycon ng pelikulang Lola Magdalena nitong Abril 30, 2023, Linggo, sa Max’s restaurant, Sct. Tuason St., Quezon City.
Super-cry siya noon sa TV!
“E, anong magagawa ko, nangyari na. Naano ako doon pero nalampasan ko. E anong magagawa ko, nangyari na, di ba?” napapailing ni Pia, na tinaguriang Miss Body Language ng local showbiz.
“Bigla namang tumahimik. Ha! Ha! Ha! At least, di ba? Ako yung unang ano yata noon, e!”
Hindi pa noon uso ang internet at cellphone. Wala pa noong cellphone. Ang mga VHS tape (before that ay betamax tape) ay narerentahan sa mga video store. Ang mga sumunod na nauso ay laser disc, VCD, DVD at Blu-Ray.
Sa ngayon ay tila uso sa mga kabataan ang pagbi-video ng kanilang lampungan o pagsasariling-sikap. Yung ibang starlet, iniisip pang gawin iyong gimik.
Sandamukal na rin ang online adult creators na ganoon ang pinagkakakitaan sa online platforms.
“Balewala na ngayon sa kanila,” pakli ni Pia.
“E, ako, talagang ninakaw yung akin. Ha! Ha! Ha! Ha! Nakita! Siguro… ahh, hindi, magre-rent lang siguro ako ng tape.
“Tapos nagkamali ako ng dala. Yung isinauli kong bala ng tape, hindi pala yung movie na nirentahan ko. Oo, nagkamali ako ng dala. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Hindi ko ine-expect na ganun ang mangyayari. Katangahan, aray ko! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Di ba, nakakaloka?!”
Hindi niya iyon gimik? Hindi siya mismo ang nagpakalat?
“No! No! Siyempre, common sense yun! Hindi ko igigimik yun. Ise-secret ko yun. E nangyari na,” pagbuntong-hininga ni Pia.
“Ang mali lang sa akin, bakit ako pumayag ng ganun na may boyfriend ako. Dapat maging maingat na.”
Anong nangyari sa lalaking ka-partner niya sa scandalous video?
“Ahh wala na.”
Anong natutunan niya sa episode na iyon ng kanyang buhay?
“Dapat sa lahat ng bagay na meron kang sikreto, maging maingat ka na. At hangga’t maaari, huwag nang gawin ang mga bagay na yun,” sambit ni Pia, na hindi nagkaanak sa totoong buhay.
“Kahit pa sa asawa mo, o boyfriend. Hindi mo dapat gawin.”
GORGY RULA
Inulit pa ba niya ang pagre-record ng pakikipagtalik?
“Hindi na! Hindi na… hindi na,” mabining tugon ni Pia.
Siyempre, ngayong senior citizen na siya ay wala na talaga siyang balak gumawa ng ganoong kagagahan. At least, noong kasariwaan niya, maganda na meron siyang ganoong kalokahan…
“Hindi magandang kalokahan yon!” pagkontra ni Pia.
“Makulay pero ayokong mangyari yun, pero nangyari. Hindi ko siyempre gustong gawin yung experience na ganun nung kabataan ko hanggang maaari.
“Ang experience ko, hindi ko na dapat gawin ang ganun. Kasi, dapat isinisikreto ang mga ganyan, e, sa buhay natin, kahit sino mang tao, di ba?”
Paano kung may boyfriend siya ngayon na mag-request na i-video ang emehan nila?
“Hindi na! Maghiwalay na lang kami! Di ba?! Diyos ko, ibi-video na ganon? Ayoko na! Matanda na, ano?! Ha! Ha! Ha! Ha! Kalokah!”
NOEL FERRER
Gaganap si Pia Moran bilang Luningning sa Lola Magdalena, na ididirek ni Joel Lamangan mula sa panulat ni Dennis Evangelista.
Dating ago-go dancer ang 65-anyos na si Luningning, na nahuhumaling sa 28-anyos na si Daks (Carlo San Juan) na dating bikini kontesero.
“Gusto ko ang istorya. OK lang. May porno nga kami rito kunwari, di ba?” sey ni Pia.
First time ever niyang ididirek ni Joel Lamangan. Proud siya na handpicked siya ng multi-awarded director dahil sa husay pa rin niyang gumiling-giling.
If ever, payag ba siyang maghubad sa Lola Magdalena? Keri ba niyang mag-breast exposure?
“Why not? Breast lang pala, e!”
Huwaw, palaban pa rin si Pia Moran! Sana malaki na ang in-improve at iginaling niya from his TechnoFantastic days, ha!!! Sana!!!
