PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Lola Magdalena" Sa Pelikula Si Carlo San JuanAppData

Carlo San Juan, nagsalita tungkol sa pagwawakas ng 'Daddy's Gurl.'
by PEP Troika
Published May 1, 2023
carlo san juan lola magdalena
Carlo San Juan plays a bikini contest veteran named "Daks" who has an affair with a grandmother in his first movie, Lola Magdalena.
PHOTO/S: Jerry Olea / @carlo.sanjuan on Instagram

JERRY OLEA

First movie ng Kapuso hunk actor na si Carlo San Juan ang Lola Magdalena, na ididirek ni Joel Lamangan mula sa panulat ni Dennis Evangelista.

Gaganap si Carlo bilang dating bikini kontesero at “walking penis” na si Daks, na ginagatasan ang septuagenarian prostitute na si Luningning (Pia Moran).

Sa totoong buhay ay wala pa raw nakaka-lips-to-lips na cougar ang 24-anyos na si Carlo.

Batid ng binata na ang ibig sabihin ng “daks” ay malaki, at ang “dyuts” ay maliit. May karapatan ba siyang pangalanang Daks? Malaki ba?

“Malaki… ang pagmamahal ko sa trabaho ko!” natatawang tugon ni Carlo sa storycon ng pelikulang Lola Magdalena nitong Abril 30, 2023, Linggo, sa Max’s restaurant, Sct. Tuason St., Quezon City.

“Sobrang malaki ang pagmamahal ko.”

Ano ang reaksiyon niya nang malaman niya na ang pangalan ng karakter niya sa movie ay Daks?

“Siyempre natuwa. Siyempre natawa. Natuwa at natawa! Kasi siyempre, Daks. Ahhh… pag ngayon, sinasabi ang Daks, alam naman natin kung ano yung nire-refer,” sambit ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, parang noong una kong narinig ang Daks, parang yung mga pumasok sa isip ko, ‘Ahh parang ano ‘to, ehh, parang may pagka-bargas yung personality.

“Tapos talagang… alam mo yung mahangin na parang ganun, pero sinamahan niya ng parang mga lola, na meron pa akong karelasyon na lola.

“So, parang dun ako napaisip and siyempre, ahhmmm doon pumasok sa akin yung parang… ahh, hindi ito yung basta-bastang Daks, na parang loko-loko lang, or parang normal na callboy lang.

“So, parang bago ito sa akin, tapos merong ka-partner na isang matanda, so talagang very excited ako.”

carlo san juan daks

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagwagi si Carlo bilang Mr. Pogi 2019 sa Eat Bulaga!. Gumanap siya bilang CJ sa Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl, na malapit nang magtapos.

Pinakabida sa Lola Magdalena si Gloria Diaz bilang faith healer and fortune teller by day, pokpok by night.

Nasa cast din ng movie sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, Sunshine Cruz, Angel Guardian, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Harlene Bautista, Dorothy Gilmore, Angela Cortez, Myrna Castillo, at Joonee Gamboa.

GORGY RULA

Napamahal na kay Carlo ang Daddy’s Gurl dahil maganda raw ang samahan nila sa taping.

Noong sinabi sa kanilang last taping na nila ang kukunan, parang okay lang daw. Iba raw pala talaga nang natapos na nila ang last scene para sa naturang sitcom. Ang bigat daw ng pakiramdam nilang lahat.

Ani Carlo, “Kasi, weeks before nang kunan yung last episode namin, parang wala lang. Kasi, parang naging ano na sa amin, e. Parang every Tuesday, Daddy’s Gurl taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naka-program na sa katawan namin. So, parang hindi pa kami ready.

“Nung nandun na kami sa last scene, panoorin niyo na lang kung ano.

“Talagang ano… ako, parang nati-teary eyed talaga ako tapos after sabihin ni Direk na, ‘Guys, it’s a wrap.’ Dun na talaga tumama sa akin…

"Hindi naman sa nag-iyakan, pero ramdam ko yung lungkot sa set.

"Kahit sabihin natin na, okay, last taping… parang successful ang Daddy’s Gurl, successful ang last episode, ganyan.

“Para sa amin, ano e… ayaw namin ng ganun. Parang ano… parang puwede, ano pa, tagalan pa natin?”

Walang ideya si Carlo sa ipapalit na sitcom sa Daddy’s Gurl. Hindi naman daw siya kasali roon.

Pero hindi naman daw siya pababayaan ng Sparkle. Naghihintay lang siya sa susunod na programang gagawin niya sa GMA-7.

Sa ngayon ay focus muna siya rito sa role niya bilang si Daks sa pelikulang Lola Magdalena.

NOEL FERRER

Memorable para kay Carlo San Juan na makatrabaho sina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza sa Daddy’s Gurl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Carlo, “Kay Bossing Vic, hinding-hindi ko makakalimutan on and off camera, napakuwela niya.

“Tapos kahit konti lang ang sabihin, pupunahin ka niya nang konti. Hindi yung puna na bad. Pupunahin ka lang niya, ‘CJ, kaya mo yan!’ Masaya talaga.

“And kay Maine, sobrang gaan katrabaho kaya parang pag nagwo-work kami, hindi kami nagtatrabaho talaga.

“Kasi, bago mag-take, nagtatawanan kami. After mag-take, nagtatawanan. Pagkakain, masaya.

“So, ayun din ang isa sa parang nanghihinayang ako na mawawala, yung bonding namin sa Daddy’s Gurl.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo San Juan plays a bikini contest veteran named "Daks" who has an affair with a grandmother in his first movie, Lola Magdalena.
PHOTO/S: Jerry Olea / @carlo.sanjuan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results