NOEL FERRER
Nagpaalam sa taping ng teleseryeng The Missing Husband at lumipad papuntang Zambales ang talent kong si Joross Gamboa upang um-attend ng wedding ng mahal na kabarkadang direktor na si Direk Cathy Garcia ngayong Martes, May 2, 2023.
Nabiyuda si Cathy, at nakatagpo ng bagong pag-ibig kay Louie Sampana. Hindi rin niya akalaing mabibigyan ulit siya ng pagkakataong makasal muli.
Read: Director Cathy Garcia Molina's husband killed in a vehicular accident

Joross with newlyweds Cathy Garcia and Louie Sampana
Hindi na nga sana mag-iimbita si Direk Cathy ng mga artista, pero itong mga piling-piling tropa ni Direk Cathy ang mga kasama niya — hindi lang sa kanyang mga pelikula kundi pati na sa kanyang buhay na tumawid pa noong pandemya.
Maliban kay Joross (Hello, Love, Goodbye; The Hows of Us; Three Words To Forever; My Ex and Whys; It Takes A Man and A Woman; My Amnesia Girl; You Changed My Life; at A Very Special Love), nasa wedding din sina Alden Richards (Hello, Love, Goodbye), Ian Veneracion (Make It With You, Got To Believe), Jeffrey Tam (Hello, Love, Goodbye; My Ex and Whys; A Second Chance), Janus del Prado (My Perfect You, A Second Chance, She's Dating The Gangster, Four Sisters And A Wedding, My Only U, One More Chance), pati na ang paborito sa shooting na si Panying.

(From left) Ian Veneracion, Jeffrey Tam, Joross Gamboa, Alden Richards, and Janus del Prado
Mula sa atin sa PEP Troika, congratulations and best wishes Cathy and Louie!
At balita natin, ang susunod na big celebs na ikakasal ay isang TV host-actress at aktor-politiko na parehong mahal ng tao.
JERRY OLEA
“Peliku-Love” directed by John Lloyd Cruz.
Best wishes sa Partners in Love, Direk Cathy at Louie! Hello, Love, Cheers!!!
At sa tamang panahon, ipagdiriwang natin ang susunod na kasalang showbiz. ArDub forever na ba ito?!?!

GORGY RULA
Congratulations kay Direk Cathy!
Matutuloy na kaya ang balak niyang mag-retire sa pagdidirek? Matagal na niya itong nasabi sa mga nakaraang interviews. Posibleng itutuloy na niya ngayon para sa bubuuin nilang pamilya.
Read: Director Cathy Garcia-Molina cries over decision to retire from showbiz
Samantala, malapit na ang kasal nina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza. Imbitado kaya si Alden Richards?
Malamang, imbitado ang mga EB Dabarkads, kasama na roon si Alden, di ba?
Read: Maine Mendoza-Arjo Atayde, Maja Salvador-Rambo Nuñez weddings, gaganapin sa July 2023?
