PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic Sotto Paid; Some Dabarkads Unpaid

TAPE, may utang din sa kapatid nina Tito at Vic na si Maru Sotto.
by PEP Troika
Published May 9, 2023
vic sotto tape
Habang inisyuhan na ng TAPE Inc. ng tseke si Vic Sotto sa hindi nabayarang talent fee nito noong 2022, usap-usapang may ilang Dabarkads pa ang hindi nababayaran.
PHOTO/S: Rachelle Siazon

GORGY RULA

Totoo ang sinabi ni Vic Sotto na nabayaran na siya sa matagal nang pagkakautang sa kanya ng TAPE Inc. bilang main host ng Eat Bulaga!.

Akala namin ay nagdyu-joke lang siya, pero totoo pala.

Read: Vic Sotto asked if he was paid more than P30M for his delayed TF in 'Eat Bulaga!'

Ilang Dabarkads ang tinanong ng PEP Troika. Sinabi nilang ibinigay na ang tseke kay Bossing Vic noong Sabado, Mayo 6, 2023.

Ang pagkakaalam nila ay ibinigay na rin daw ang kay Joey de Leon. Sinubukan kong tawagan at i-text si Sir Joey, pero hindi siya sumasagot.

Si Bossing Vic naman ay maingat pa rin ang sagot sa mga tinanong namin sa kanya pagkatapos ng mediacon ng bagong sitcom niyang Open 24/7, kahapon, May 8.

Bago siya umalis ay nilinaw namin sa kanya kung okay na silang lahat sa Eat Bulaga! sa ilalim ng pamamahala ni dating Congressman Romeo Jalosjos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masasabi bang okay na okay na sila at wala nang problema sa Eat Bulaga!?

“I will comment on that when the right time comes. Tamang panahon,” safe niyang sagot.

Pero may naririnig kaming hindi pa rin nabayaran ang lahat.

Nabanggit ni dating Senator Tito Sotto sa exclusive interview sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na pati sa kapatid nilang si Maru Sotto ay may pagkakautang din ang TAPE.

Sa pagkakaalam namin, mahigit P30M pesos din ang pagkakautang kay Maru mula sa mga ipinasok nitong advertisements, at hindi pa rin ito nababayaran hanggang ngayon.

Bukas ang PEP Troika sa panig ng TAPE kung nabayaran na nila si Maru at ang iba pang Dabarkads.

Read: FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'

JERRY OLEA

Kahit si Anjo Yllana, na naging Dabarkads ng Eat Bulaga!, ay isiniwalat na nagkautang din sa kanya ang TAPE. Halos isang taon din daw hindi naibibigay ang talent fee niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Anjo Yllana, inamin ang dahilan kung bakit umalis siya sa Eat Bulaga after 21 years

“Sobrang mahal na mahal ko yung Eat Bulaga!. My darkest days, my darkest months, my darkest… alam ko, nandiyan sila. Biro mo, nagtatrabaho ako, wala akong suweldo.

“Pinaghihinalaan na ako nun ng nanay ng mga anak ko kung saan ko ginagamit yung pera. Ang dami kong utang nun. May utang ako kay Bossing, kung kani-kanino lang.

“Nagtatrabaho ka araw-araw pero wala kang suweldo. Walang pera, e.

"Pero dahil sa mahal mo yung show at walang nagsasalita, tahimik na lang ako,” pahayag ni Anjo nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang linggo.

Unti-unti naman daw siyang nabayaran lalo na noong kasagsagan ng pandemic na meron nang pumapasok na suweldo sa kanya.

NOEL FERRER

Mukha namang katulad ni Bossing at ng ibang pang kasama sa Eat Bulaga!, unti-unti namang nababayaran ang mga pagkakautang.

Saan ba natin gustong mapunta ito kundi magkaayus-ayos ang lahat. Sana, hindi lang ito trial run or for the meantime pero pangmatagalan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana talaga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang inisyuhan na ng TAPE Inc. ng tseke si Vic Sotto sa hindi nabayarang talent fee nito noong 2022, usap-usapang may ilang Dabarkads pa ang hindi nababayaran.
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results