GORGY RULA
Ipinagkibit-balikat ni Nico Locco nang binalikan namin ang intrigang pagkaka-link niya sa bilyonaryang Thai transwoman Ms. Anne Jakrajutatip.
Nakatsikahan namin si Nico sa mediacon at private screening ng Vivamax movie na Sandwich nitong Mayo 10, 2023, Miyerkules ng gabi, sa Secret Garden ng Center Stage Productions, Barangka Drive, Mandaluyong City.
Nasa Pilipinas ngayon si Anne para sa grand coronation ng Miss Universe Philippines 2023. Siya ang may-ari ng Miss Universe Organization.
Sa pagdating ni Anne sa bansa, naungkat ang intriga kay Clint Bondad dahil sa ito ang pinagdudahang rason kaya nag-sorry ang Thai billionaire kay Catriona Gray.
Read: Anne Jakrajutatip, inaming nag-apologize kay Catriona Gray
Pagkatapos ni Clint, si Nico ang kasunod na na-link kay Ms. Anne. Gaano ba sila ka-close?
Pahayag ni Nico,“Close naman! I went to Thailand two times.
“And then I even went to Miss Universe in New Orleans, right? I did the backstage hosting for JKN.
"So, close kami, close kami in terms of work, right? I mean, I’ve really enjoyed working for JKN and for Miss Universe, so sana more opportunities in the future.”
Sanay raw siya sa ganoong intriga na kung sinu-sino ang inili-link sa kanya.
“Laging ganoon! Imposible ano pag wala, di ba? OK lang, sanay na ako. I mean, not just with Anne and JKN.
“That’s been around me in my whole life in showbiz, right? Sanay na ako,” paliwanag ng Italian-Canadian model-actor.
Na-feel daw ni Nico na may nabuong relasyon kina Clint at Ms. Anne, na nagbunsod umano kay Ms. Anne para mag-sorry kay Catriona Gray.
“I mean, narinig ko ang lahat ng comparisons. Like, Clint was the guy before… then everybody was looking at me na ako yung bagong Clint, right?” salaysay ni Nico.
“So, narinig ko ang lahat ng comparisons and comments, and messages. I received a lot, right?
“Deadma lang ako sa mga comments. Kasi it’s a completely different situation, e. It just so happened na pumunta ako sa Thailand to work with JKN.
“This is before Miss Universe, right? So, nagkataon lang na she became the owner. So, I think I was just… right place, right time,” sabi pa ni Nico.
NOEL FERRER
Nagtrabaho si Nico para sa JKN Global Group noong Hunyo 2022 sa Bangkok, Thailand.
Si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip ang major shareholder ng JKN Global Group, na kasalukuyang may-ari ng Miss Universe Organization.
Nasa Pilipinas ngayon si Ms. Anne dahil sa Miss Universe Philippines 2023 na gaganapin sa Mayo 13, Sabado, sa SM Mall of Asia Arena.
Nagkita na ba rito sina Anne at Nico?
“Hindi pa. Actually, I’ve been extremely busy because I’m the main host for Mr. International so I’ve been working with that organization,” sabi ni Nico.
“Tapos marami akong work with Viva, lots of hosting. So I haven’t had a chance to catch up with her.
"Kasi I’m not hosting for Miss Universe this year, e. So, pahinga na lang ako this year.”
Read: Nico Locco at MUO owner Anne Jakrajutatip, magkita kayang muli sa Miss Universe Philippines 2023?
Ang hosts ng Miss Universe Philippines 2023 ay sina Xian Lim at Alden Richards, with Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi as guest host.
Panauhin si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, at performer ang runner-up ng American Idol Season 11 na si Jessica Sanchez
Read: Everything you need to know about Miss Universe Philippines 2023 coronation night
Tatlumpo’t walong (38) kandidata ang maglalaban-laban para sa korona at kakatawan sa Pilipinas sa susunod na Miss Universe pageant.
Ipalalabas ng ABS-CBN ang Miss Universe Philippines (MUPH) coronation night sa pamamagitan ng mga digital streaming platform nitong iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube channel, at TFC sa Sabado simula 7:00 p.m.
Mapapanood ang MUPH nang live at on-demand sa buong mundo sa Youtube Channel ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC, habang available para sa mga manonood abroad ang live stream at replay nito sa TFC IPTV.
Ang delayed telecast ay sa GMA-7.
JERRY OLEA
Kasama ni Nico sa mediacon ng Sandwich ang nali-link sa kanyang si Christine Bermas. Walang pagseselos o insecurity si Christine kay Ms. Anne?
“Wala! Wala naman. Work-work lang! Professional lang!” bulalas ni Nico.
Mag-i-streaming ang Sandwich sa Vivamax sa May 19.
Co-stars dito ni Nico sina Kat Dovey, Luke Selby, at Andrea Garcia.
Nag-frontal si Luke. Akala ko ay may pa-hotdog din dito si Nico pero wala pala.
Natatawang sabi ni Nico, “Na-sad ka? Sorry, ha?! Sorry na, sorry na. I knew I should have done it. Ha! Ha! Ha!”
Read: Kat Dovey at Andrea Garcia, payag makipag-threesome in real life
Sa seryeng Love At The End Of The World na streaming na sa Vivamax ay ilang uli na nagpasilip ng kanyang jumbolicious merchandise si Nico.
“May opportunities naman, but I decided not to this time. Kasi nag-Love At The End Of The World na ako,” pagmamatwid ni Nico.
“So I wanted to focus more on the acting, not my ‘ahas’!”
Streaming na rin sa Vivamax ang pelikulang Afam, kung saan leading ladies ni Nico sina Jela Cuenca at Robb Guinto.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
