GORGY RULA
Nag-trending sa Twitter nung Sabado, Mayo 27, 2023, ang Unbreak My Heart pagkatapos mag-streaming sa Viu ang pilot episode ng teleseryeng ito na unang collaboration ng GMA-7, ABS-CBN, at Viu Philippines.
Karamihan ng fans nina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia ang nag-tweet na manghang-mangha sila sa ganda ng unang episode ng teleserye.
May ibang ikinukumpara ang character ni Jodi sa Unbreak My Heart bilang Rose Jacinto sa mga role niya noon bilang Amor Powers sa Pangako Sa 'Yo, Maya dela Rosa sa Be Careful With My Heart, at marami pa. Ibang-iba raw ang atake nito sa mga dati niyang nagampanan.
Meron pang nagpu-post ng pagkakaiba ng character na ginagampanan nina Jodi at Richard Yap sa Be Careful With My Heart at sa Unbreak My Heart.
Sa simula pa lang ay mapapatutok ka na kaya excited na rin ako sa pangalawang episode nito na nag-streaming sa Viu nung Linggo, May 28.
Hindi na ito nag-trending nung gabing yun, dahil dinaig na ng mga kaganapan sa Binibining Pilipinas 2023, lalo na’t isa sa mga umupong hurado ay ang member ng SB19 na si Josh Cullen.
Meron pang finals ng The Clash na nag-trending din ang nagwaging champion na si Rex Baculfo.
Mas intense ang mga eksena nina Jodi at Joshua sa pangalawang episode ng Unbreak My Heart. Ang galing ng ilang eksenang hindi naman pilit, pero ramdam mo ang kilig sa kanilang dalawa, hanggang sa natuloy sa naudlot na love scene. Abangan niyo na lang iyan!
Ang papalitan ng Unbreak My Heart na timeslot sa GMA Telebabad ay ang The Write One na nagtapos na nung nakaraang Huwebes, Mayo 25, at naka-5% ito.
Inaasahang mas mataas itong Unbreak My Heart, na bukod sa napakaganda ng pagsisimula ng kuwento, bago ito at kaabang-abang ang collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN Entertainment kasama ang Viu.
Abangan natin ang pagsisimula nito ngayong gabi sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies pagkatapos ng Hearts on Ice.
Sana, pagkatapos ng Hearts On Ice, iakyat na itong Unbreak My Heart at isunod na sa Voltes V: Legacy.
NOEL FERRER
Certainly, Unbreak My Heart will push benchmarks for excellence lalo na sa mga existing and future GMA shows.
Ang sabi ni Jodi, “For me, intimate scenes are the most difficult to do. It will require a certain level of vulnerability and trust from your scene partner and also from your director, and from everyone na nandodoon sa space na yun doon sa set.
“Of course as actors, we deliver what’s required from us. And yes, meron ngang intimate scene between my character and Joshua’s character.
“So, how did we prepare? They provided naman a sensuality workshop, before we left for Europe.
“Nakatulong yung discussion about boundaries, and what you’re comfortable and not so comfortable doing during the scene, ganyan. So, that’s one of the preparations that we did for the scene.
“And it’s always reminding yourself na you were not doing this as you, but you are in the scene as your character.”
Excited na akong mapanood at maging successful pa ang ganitong mga collab para magbukas ito ng iba pang collab projects sa GMA at ABS-CBN.
JERRY OLEA
Pinag-usapan din online nitong Sunday night ang isyu ng estranged couple na sina Moira de la Torre at Jason Marvin Hernandez. Aabot ba sa korte ang usaping ito?
Read: Songwriter Lolito Go posts string of grievance vs Moira dela Torre; defends Jason Hernandez
Patikim pa lang ang first two eps ng Unbreak My Heart, at inaasahan nating lalong iigting ang mga kaganapan kapag umariba na riyan ang mga karakter nina Gabbi Garcia, Richard Yap, Eula Valdes, Sunshine Cruz, at Laurice Guillen.
Ibang-iba ang dating ng Unbreak My Heart sa mga Kapuso teledrama, lalo pa’t limang-linggong nag-shooting ang produksiyon sa Switzerland at Italy.
Nakaka-excite lalong antabayanan ang susunod na collab ng industry giants na GMA at ABS-CBN.
Ito na ba iyong Pinoy adaptation ng South Korean suspense drama series na The Penthouse: War In Life?
