GORGY RULA
Ngayong Lunes, June 12, 2023, nag-workshop sina Sharon Cuneta at Alden Richards para sa pelikulang Swipe Right, Ma.
Ipu-produce ito ng Cineko Productions, ididirek ni Nuel Naval, at isinulat ni Mel del Rosario—ang team sa likod ng MMFF 2022 entry na Family Matters.

Sharon Cuneta (extreme left) and Alden Richards (extreme right) with scriptwriter Mel del Rosario (second from left) and director Nuel Naval (extreme right).
Excited si Mayor Enrico Roque ng Cineko nang nakaka-text ko dahil natupad na rin daw ang matagal na niyang pinapangarap makatrabaho ang Megastar—at may Alden pa!
Ang suwerte nga raw niya dahil hindi siya nahirapang makipag-negotiate sa dalawang bida ng malaking film project na ito.
“Yes. Madali silang kausap. Feeling namin perfect for Sharon and Alden yung role,” text ni Mayor Roque sa PEP Troika.
Magandang nakapag-workshop daw sina Sharon at Alden ngayon para lalo silang ma-familarize sa isa’t isa.
Pagkatapos ng workshop ay naka-schedule na ang looktest at story conference nila sa June 15. Sa June 20 na raw ang kanilang first shooting day.
Ang isa pang nakakatuwa rito ay ang special participation ng ilang kilalang aktor na ang iba ay naging leading man ni Sharon. Abangan natin iyan!
JERRY OLEA
Bilang isang Sharonian ay excited ako sa project ni Ate Shawie with Alden Richards.
For sure, ibang-iba ito sa huling pelikulang ginawa ng Megastar, ang Revirginized with Marco Gumabao.
NOEL FERRER
Ang saya lang nating Sharonians at may bagong pelikula si Shawie, at may Alden pa!
Grabeng treat ito sa mga tao at talagang movie event ito kung sakali.
Excited din tayo siyempre sa mga kasama sa pelikula na lahat magaan at masayang kasama sa set kaya siguradong happy set lang talaga sa paggawa ng pelikulang ito under Cineko.
Aabangan natin ito!!!
