PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Abrenica preps for showbiz debut

Allen Abrenica-Reign Parani love team, tampok sa Monday First Screening
by PEP Troika
Published Jun 18, 2023
Allen Abrenica
Reign Parani
Handa nang sumabak sa showbiz ang nakababatang kapatid nina Aljur at Vin Abrenica. Si Allen Abrenica (kaliwa) ang kapareha ni Reign Parani (kanan) sa pelikulang Monday First Screening.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Inilunsad ng NET25 Films ang tambalang Allen Abrenica at Reign Parani sa pelikulang Monday First Screening na pinagbibidahan nina Ricky Davao at Gina Alajar.

Allen Abrenica
Reign Parani

Si Allen ay 24 years old at 19 naman si Reign, na naging second runner-up sa nakaraang Binibining Pilipinas 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kuwento ni Allen, ibang baguhang aktor daw dapat ang ipa-partner kay Reign, pero nakita sa mga Instagram posts ni Reign na kasama si Allen. Tinitingnan daw ng mga boss, mas bagay silang dalawa. May chemistry.

Yun pala, mahigit isang taon na silang magkasintahan.

Napapangiti si Allen na inamin sa amin ang kanilang relasyon nang nakapanayam namin silang dalawa sa nakaraang mediacon at screening ng pelikulang Monday First Screening na ginanap sa EVM Convention Center ng NET25.

Five years na raw silang magkaibigan at nagkadebelopan, ngayon ay magkasintahan na sila at magka-loveteam pa. Suportado raw ng kani-kanyang pamilya ang kanilang relasyon.

Kagaya nung nakaraang Binibining Pilipinas, pati raw mga magulang ni Allen ay excited at nakatutok sa pagsali ni Reign sa naturang beauty competition. Kampante lang daw si Allen dahil alam niyang kayang-kaya ito ni Reign lalo na sa question ang answer portion.

“Nung nanonood kami, yung family ni Reign, kinakabahan. Ako naman, ‘ba’t kayo kinakabahan?’ Alam ko namang hindi siya mara-rattle. Kapag nag-aaway kami, dere-deretso,” napapangiting tugon ni Allen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, nung nanalo nga si Reign, ang unang nag-text sa akin yung mom ko, e. Mom ko and my ate, congratulating her. Supportive naman yung dad ko,” dagdag niyang pahayag.

Kuhang-kuha ni Allen ang pagsasalita ng kanyang Kuya Aljur, at ang charm ni Kuya Vin. Suportado raw ng mga kuya niya ang pagpasok niya sa showbiz.

Vin Abrenica

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pati sa pagsagot sa mga isyu ng Kuya Aljur niya ay kaya nang iwasan ni Allen. Mukhang nabigyan siya ng instructions na huwag magbigay ng komento tungkol kina Aljur at AJ Raval.

Nakilala na raw niya si AJ pero tipid ang sagot tungkol sa relasyon ng dalawa.

“Kung anong mga isyu na lumalabas e, hindi ko naman alam. Minsan tinatanong ako ng iba…” pakli ni Allen.

Kumusta si AJ sa kanilang pamilya?

“Okay naman. Basta, we’ll just focus on the movie,” napapangiting sagot ni Allen.

Hindi naman daw sila apektado sa mga sinasabi ng iba, lalo nung kainitang naba-bash ang kuya niya, pati si AJ.

“Kasi sa totoo lang, wala naman akong pakialam. Kasi growing up, nandiyan na si kuya, so sanay na ako na naba-bash siya, na wala na akong pakialam sa sinasabi ng iba. Ang mahalaga na lang yung love namin for each other,” pakli ni Allen.

JERRY OLEA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa tayong balita kung saan at kailan ipapalabas ang pelikulang iyan, kung sa streaming ba o mga sinehan.

Hindi kaya mabantilawan iyan sa promo?

Sina Ricky Davao at Gina Alajar ay mga premyadong artista, at mahuhusay na direktor. Kahit ma-frozen delight ang pelikulang iyan ay tuluy-tuloy ang kanilang career. Hindi sila mauubusan ng projects.

Sina Aljur at Vin Abrenica, tampok sa pelikulang The Revelation na magsho-showing na sa mga sinehan sa Hunyo 21, Miyerkules. Co-stars nila roon sina Ana Jalandoni at Jelai Andres.

Katatapos lang ni Vin sa Kapuso primetime series na Mga Lihim ni Urduja. Si Aljur, may bagong movie kung saan katambal niya si AJ Raval.

Hopefully, mai-reveal na rin kung kailan at saan ang showing ng first movie ng tandem nina Allen at Reign. May kasunod pa kayang pelikula ang kanilang tambalan?

NOEL FERRER

Kilala ko si Allen dahil sumali rin siya noon sa isang reality-talent search and he didn’t quite make the cut before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buti naman ngayon ay nabigyan siya ng panibagong chance sa pagpasok sa industriya.

Sana, mas makikilala siya sa kanyang kahusayan at hindi lang sa kanyang relasyon.

Bilang pinakabata, improvement of the race ba si Allen? Let’s wait and see.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Handa nang sumabak sa showbiz ang nakababatang kapatid nina Aljur at Vin Abrenica. Si Allen Abrenica (kaliwa) ang kapareha ni Reign Parani (kanan) sa pelikulang Monday First Screening.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results