PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Muriel Lomadilla leaves Eat Bulaga! for sitcom

Muriel, wala bang sama ng loob dahil hindi isinali sa Eat Bulaga! cast?
by PEP Troika
Published Jun 18, 2023
Muriel Lomadilla
Muriel Lomadilla, hindi ba sumama ang loob sa TAPE Inc. dahil siya lang ang XOXO Girls member na hindi isinama sa bagong cast ng rebranded Eat Bulaga? Aniya, “Sana po, when the time comes na mabigyan po ako ng chance. Pag humilom na po yung sugat po.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nag-host sa katatapos lang na mediacon ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Magandang Dilag ang miyembro ng XOXO Girls na si Muriel Lomadilla.

Muriel Lomadilla

Si Muriel ang tanging XOXO girl na hindi kasali sa grupo bilang regular performers sa revamped Eat Bulaga!

Hindi na siya isinama ng TAPE Inc. para iwas na lang daw sa mainit na isyu ng Eat Bulaga!, dahil kasama rin siya sa cast ng bagong sitcom ni Vic Sotto na Open 24/7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasali rin si Muriel dito sa Magandang Dilag na gumaganap bilang si Donna, ang bff ni Gigi na ginagampanan ni Herlene Budol.

Tinanong namin si Muriel tungkol sa di pagsali sa kanya sa Eat Bulaga!, at medyo naaalangan pa siyang sumagot. Nakabantay pa ang handler niya sa Sparkle at iniiwas sanang itanong ito sa kanya.

Pero maayos naman ang pahayag ni Muriel tungkol dito.

Aniya, “Ako po, happy naman po ako for them. Ang amin naman po as a group, maging successful po no matter what. So, hindi naman po yun hadlang… hindi naman po ibig sabihin po, disband kami.

“Tuluy-tuloy pa rin naman po yung XOXO. Kumbaga, may iba lang po kami ngayon na career path. Dito lang po sa specific part na po ito.”

Hindi ito desisyon ni Muriel, kundi sa management at pati na rin sa TAPE. Kaya lang, nadamay siya sa isyu ng TAPE at TVJ.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi po, parang hindi lang po kami nag-try mag-usap… parang out of ano lang din po, parang respect po. Kasi nauna po yun [Open 24/7].

“Pero yung goal lang po ng XOXO sana is to be seen as a group kaming apat. So, naghanap lang po kami for so long ng avenue na kaming apat yung ipapakita sa TV for promotion.

“Yun nga lang… perfect po sana yung Eat Bulaga!, pero yun nga po, merong issues na ganun.

“Sana po, when the time comes na mabigyan po ako ng chance. Pag humilom na po yung sugat po,” medyo nahihiya pang pahayag ni Muriel.

NOEL FERRER

Ang grupong XOXO Girls ay inilunsad ng Sparkle ng GMA Artist Center, at under contract sila sa GMA Music.

Malakas sila sa social media, at unti-unti na silang nakikilala. Sana, makilala ko rin sila.

Pero kung tuturuan sila nang maige ng Karaoke Queens na performance level na sina Tracy Garcia at Joy Marcelo, siguradong malayo ang mararating nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan natin!

JERRY OLEA

Ayaw na lang isipin ni Muriel kung bakit siya nadamay sa isyung ito.

Nagpapasalamat pa rin siya na tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya kahit hindi siya kasali sa grupong XOXO na regular sa Eat Bulaga!

“Hindi naman po. Blessed pa rin naman po ako, kasi may Magandang Dilag at saka may Open 24/7 na iyun pa rin po ang priority ko, aside from XOXO,” safe na sagot ni Muriel.

Maganda sana kung kumpleto silang napapanood na nagpe-perform sa revamped Eat Bulaga!

Siyempre, mas malaki ang kita kung nasa daily show ka. Steady income, ikanga.

Sa mga susunod na araw ay bubulaga pa ang maiinit na isyu kaugnay sa local noontime shows.

Sa Hunyo 20, Martes ng 3:00 pm ay gaganapin na ang Media Day with Legit Dabarkads sa TV5 Media Center, Mandaluyong City. Pangungunahan ito nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Abang-abang tayo kung may mga pasabog silang pahayag, at kung makakatulong ba iyon sa ratings ng programa nila sa Kapatid Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pag-entra ng Legit Dabarkads sa TV5, masasabi bang “sisipain” o “tatadyakan” ang It’s Showtime na pinangungunahan ni Vice Ganda? If ever, magdadabog ba ang madlang pipol at ang ponytails?

Susubaybayan natin ang ratings. Mas tataas ba ang TV5 ratings kung Legit Dabarkads ang nakapuwesto kesa sa It’s Showtime, at kung may epekto iyon sa revamped Eat Bulaga!

Nobody is indispensable, ika nga. The changing of the guards is inevitable.

Gumigitaw rin sa ating diwa… this too shall pass. Sisingaw at sisingaw ang katotohanan, sa tamang panahon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muriel Lomadilla, hindi ba sumama ang loob sa TAPE Inc. dahil siya lang ang XOXO Girls member na hindi isinama sa bagong cast ng rebranded Eat Bulaga? Aniya, “Sana po, when the time comes na mabigyan po ako ng chance. Pag humilom na po yung sugat po.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results