GORGY RULA
Halos tatlong oras inabot ang "TVJ and Dabarkads Media Day" sa TV5 Media Center, Reliance Street, Mandaluyong City, nitong Martes, Hunyo 20, 2013.
Dinaluhan ito nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon. Kumpleto ang tinatawag nilang "Legit Dabarkads" na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Carren Eistrup, at Ryza Mae Dizon.
Read: “Legit Dabarkads,” other celebs react to TVJ’s transfer to TV5
Suportado rin sila ng executives na pinangungunahan ng MediaQuest Ventures Chairman na si Mr. Manny V. Pangilinan, ang President at CEO ng TV5 na si Mr. Guido Caballero, at ang President and CEO ng MediaQuest na si Ms. Jane Basas.

Sabi ni Sir Guido, handang-handa na ang buong TV5 sa pagsisimula ng noontime show ng TVJ sa July 1, 2023. Dalawang studio nila sa Mandaluyong ang gagamitin at inaayos na nila ito ngayon.
Sabi ni Tito Sen, na Chairman ng TVJ Productions na partner ng MediaQuest sa noontine show, may mga dating segments at games na gagamitin nila, at may dalawa o tatlong bagong games na mas masaya raw at tiyak na magugustuhan ng mga manonood.
Ayon sa kanila, wala pa silang napagdedesisyunang titulo ng programa.
Nang tinanong ni Jun Nardo kung ano na ang magiging title ng kanilang noontime show, “Basta ako Eat Bulaga! ako!” mabilis na sagot ni Bossing Vic.
Sabi naman Joey, “Masaya ito, e. First time to, e, ang show, maraming title. Basta bahala kayo.”
Ayon kay Tito Sen, nasa legal na proseso pa rin pala ang paggamit ng titulong Eat Bulaga!.
“We are definitely working on the legal side, ang Eat Bulaga!. Si Joey ang nag-imbento nun, e.
“History and the law back us up. Ganun kasimpleng usapan yun, e.
“So, therefore, it will take some time but we will be able to use Eat Bulaga!. I’m sure of that.
"Ngayon, paano sa July 1? Ang usapan namin kanina nina Jane [Basas] at saka nina Jeny [Ferre], isu-surprise namin kayo sa July 1,” pahayag ni Tito Sen.
Pabirong pakli ni Joey, “Sabi ni Vic, okay, Lunes ngayon, our title for the day…”
Hindi napigilang maluha nina Bossing Vic, Joey, pati ang Dabarkads na sina Ryan, Wally, at Paolo na nagpahayag ng kanilang saloobin sa mga nangyari at ang pagkuha sa kanila ng TV5.
Read: Vic Sotto on Eat Bulaga! trademark: "Kukunin lang ng kung sinu-sino? Aba! Hindi puwede."
NOEL FERRER
Sabi pa ni Tito Sen kaugnay sa isyu ng trademark sa Eat Bulaga!, “Hindi namin alam, 2011 nag-file sila ng trademark. Anong issue nun? Anong ibig sabihin nun?
“Pagkatapos na-expire, paano ngayon? At saka trademark yun. Trademark, it only shows na ang tinarget kung paano kikita. Bakit?
“Ang trademark na naka-file, goods. Not copyright, this is not copyright at all actually. The copyright belongs to Joey de Leon. Ganun yun.
“So, kahit mag-file pa ang kahit sino ng copyright, this is backed up by law and jurisprudence not only in the Philippines but also abroad.
“Even if you file 10 copyrights or 100 copyrights for something you do not own, talo ka. Why? A copyright is always during the moment of creation. Ang may-ari, the one creator.
“Yun ang katotohanan kaya Eat Bulaga! is TVJ. TVJ is Eat Bulaga!”
Sa July 1, Lunes ng 11:30 a.m-2:30 p.m. mag-uumpisa ang programa ng Legit Dabarkads sa TV5.
Siyanga pala, ang ibig sabihin daw ng EAT ay “Eto Ang Totoo”!
JERRY OLEA
Mula sa pagiging Kapamilya ay nag-TV5 sina Sharon Cuneta at Aga Muhlach. Eventually ay umalis din sila sa Kapatid Network.
Tingnan natin kung ano ang magagawa ng Legit Dabarkads para sa TV5, at kung raratsada pa rin sa ratings at commercial load ang noontime show na pinangungunahan nina Tito, Vic & Joey.
Baka blessing-in-disguise para sa It’s Showtime na “pinakawalan” sila ng TV5 para i-accomodate ang Legit Dabarkads.
Biruin mo, lilipat sa GTV ang It’s Showtime. Magiging “Kapuso” na rin sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at iba pang hosts ng It’s Showtime?!
Exciting kung magge-guest ang Kapuso stars sa It’s Showtime, di ba?!
Read: CONFIRMED: 'It’s Showtime' to transfer from TV5 to GTV
Hanggang katapusan ng 2024 ang kontrata ng TAPE with GMA-7. Sakaling hindi i-renew ng GMA ang kontrata ng TAPE o revamped Eat Bulaga!, puwedeng sa GMA-7 na mapanood ang It’s Showtime umpisa 2025.
Nang mag-alsa-balutan sa Eat Bulaga! ang Legit Dabarkads at maulinigan nating lilipat sila sa TV5, naglaro agad sa ating diwa… saan pupulutin ang It’s Showtime?
Read: TVJ noontime show sa TV5, 'Eat Bulaga!' rin ang title; It's Showtime, mawawala sa TV5 noontime slot
The stars aligned in the sky. Ang sagot ay dumating sa tamang panahon.
Exciting ang mga kaganapan sa mga susunod ng araw.
May mga hawak na alas ang kampo ng “illegitimate” Dabarkads. May mga isyung kailangang bigyang-linaw.
May kasabihan, “Quos Deus vult perdere, prius dementat.”
“Whom the gods would destroy, they first make mad.”
