GORGY RULA
Bukod kay Pops Fernandez, na host ng bagong romance drama anthology ng TV5 at Viva Television na For The Love, humarap din sa miyembro ng media ang Viva artists na sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene, Jairus Aquino, at Aubrey Caraan.
Binubuo ang love team nina Heaven at Marco, Jairus at Aubrey, at si Gab Lagman naman ang ka-tandem ni Bea.
Read: Pops Fernandez, balik-hosting sa 'For The Love' ng TV5
Love story ang ilalahad sa bawat awiting ipi-feature sa For The Love na ihu-host ni Pops kaya tungkol sa pag-ibig ang madalas na natatanong sa kanila.
Tanging si Aubrey ang hindi nakaka-relate dahil hindi pa raw niya naranasang magka-boyfriend.
Tinanong namin sila kung ano ang nagawa nilang sakripisyo "for the love." Halos lahat sila ay ang oras daw ang naisakripisyo nila.
Pero si Heaven ay mabilis ang sagot na, “Ako, pera!"
Hindi naman itinatanggi ni Heaven na luka-luka siya pag na-in love, at okay lang sa kanya ang gumastos sa boyfriend.
"Pero noon po yun, sa past past relationship ko rin. Yes! Ayun po, pera po yung nasakripisyo ko.
"Ginastusan ko ito... pinautang ko. Beki kasi ako magmahal. All out lahat. Kung ano yung kailangan mo, ganun!" natatawa niyang pahayag.
Hindi na niya sinabi kung magkano eksakto ang ipinautang niyang pera sa dating boyfriend, pero almost a million daw. Ayaw na rin daw niyang sabihin kung sino. Basta non-showbiz daw yun.
Isa lamang daw yun sa mga kalokahan niya nung bagets pa siya, na ayaw na raw niyang balikan.
Siyangapala, ang episode nina Heaven at Marco sa For The Love ay mula sa awiting "Kahit Kailan," na magsisimula sa July 29, Sabado ng 3:20 p.m.
Read: Heaven Peralejo, payag bang tawaging "sexy star" pagkatapos ng Nanahimik Ang Gabi?
JERRY OLEA
Natawa si Heaven nang sinabi ng PEP Troika sa kanya na parang kagaya siya ni Andrea Brillantes na okay lang gumastos sa boyfriend.
Tapos na raw siya sa ganung kalokahan. Wala na raw siyang balak singilin ang ipinautang sa dating boyfriend.
"Alam mo, naisip ko na lang, God bless and let's say charity na lang," pakli ni Heaven.
"Alam mo ganun talaga pag nagmahal. Pero baby pa kasi ako nung panahon na yun. Bata-bata pa, kaya all out talaga.
"Pero ngayon, hindi ko na niri-regret. Kinailangan niya yun nung mga panahon na yun. Kung hindi man niya naibalik, e, di God bless na lang talaga," dagdag niyang pahayag.
Meron ba siyang mensahe para sa non-showbiz ex-boyfriend na nangutang sa kanya?
“Wala na. Tapos na rin po yun, e. Gusto ko na talagang mag-move forward. There's so much things in life to be more... parang to be focused pa," sabi pa ni Heaven.
NOEL FERRER
Sa nakaraang mediacon ng For The Love, kapansin-pansin ang closeness nina Heaven at Marco. Parang iba ang tinginan nila sa isa't isa.
Bukas sila sa posibilidad na magka-debelopan pero hindi naman daw sila nagmamadali. Umabot na ba sa ligawan o sila na?
"We're in this situation where we do not like to put a label into it, just because, once you put labels, everything follows, right?
"There's expectations, there's responsibilities, and what we have between us is... I can't even call it a friendship.
“You know, it's something right? It is something," pakli ni Marco.
Read: Marco Gallo at Heaven Peralejo, may something?
Sagot naman ni Heaven, “I think kung may sasabihin po kami, sasabihin naman po namin. Open naman po kami. You know, what you see is what you get. Yun po.
"I think we're just enjoying each other's company, and we're taking our time. I think like, ang pangit din naman na maging kami, because of all the parang pressure na parang nai-in love na lahat.
"Siyempre, we still have to be super sure talaga and, you know, we're still getting to know each other.
"Ayoko lang maging kami because love team kami. I think gusto kong maging kami, if in time maging kami, dahil pinipili at mahal namin ang isa't isa."
Dagdag na pahayag ni Marco, “That isn't really our priority to rush into anything. Cause, you know, we don't wanna waste it."
Kung maging sila man, tinitiyak ni Heaven na hindi siya gagastos para kay Marco, dahil madalas daw ay si Marco ang nagbabayad pag lumalabas sila.
"Alam mo, si Marco hindi ako pinagbabayad niyan. So, thankful naman ako diyan," napapangiting tugon ni Heaven.
Pero sana si Heaven, hindi mapariwara at mag-concentrate na lang muna sa ikagagaling pa niya bilang aktres, kasi meron siya. Kinakitaan na siya ng paunang galing, sana’y pagbutihin pa niya!
