PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Deborah Sun Ends Rivalry with Lorna Tolentino

Lorna, ikinuwento ang pagbabati nila ni Deborah.
by PEP Troika
Published Jul 22, 2023
lorna tolentino deborah sun reconciliation
Lorna Tolentino (left) on reconciliation with Deborah Sun (right): "Nung last naming pagsasama sa Channel 5, alam ko galit siya dahil hindi naman niya ako binati nun. Parang galit pa siya. Sabi ko, ano ba ito? Okay na kami sa Startalk, tapos biglang nagkita na kami sa Channel 5, hindi naman siya bumati... Ang ano ko kasi, 'Hindi mo kasi ako binati sa Channel 5 nun,’ gumanun ako sa kanya. Tapos sabi niya, 'Nahihiya kasi ako sa yo,’ sabi niyang ganun. Tapos hinawakan ko yung mukha niya, tapos nagy
PHOTO/S: Deborah Sun Facebook

GORGY RULA

Ipinasa ng PEP Troika kay Lorna Tolentino ang litrato niya kasama sina Deborah Sun, Senator Lito Lapid, at Azenith Briones na kuha sa set ng FPJ's Batang Quiapo.

Tinanong namin si Lorna kung ano ang nangyari at napunta sina Deborah sa taping nila sa Batang Quiapo, at kung paano sila nagkabati.

Read: Lorna Tolentino and Deborah Sun finally end rift after 37 years

Tinawagan kami ng premyadong aktres para ikuwento kung ano ang nangyari.

Matindi raw kasi ang mga eksenang kinunan nila ni Senator Lapid, kaya habang nagsi-set up para sa panibagong eksena, nasa loob lang sila ng kotse para magpahinga.

Hindi raw niya namalayan na dumating pala sina Deborah at Azenith.

"Puro kami takbo, takbo, takbo. Baril, baril, takbo. Tumalon pa kami. Mataas pa, ha? Ang suot ko pa na sapatos, puti. Puro putik na. Umulan di ba?

"Hinihika na ako, nakaapat na puff na ako ng Ventolin. Grabe! Sobra talaga akong pagod na pagod. Pawis na pawis na ako, nakadalawang palit na ako ng bra, ng dalawang T-shirt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pagod na pagod na kami, nakaupo na kami para maghintay ng cue, bago bumaba, habang nagsi-set up sila.

"Nandun yung chief of staff ni Sen [Lito Lapid], tatlo kaming artista sa loob ng kotse," kuwento ni Lorna.

Habang naghihintay sila sa susunod na take, nagulat siya nang sinabi sa kanyang dumating sina Azenith at Deborah.

Si Deborah ang lumapit kay Lorna na nasa loob pa ng kotse, habang nag-uusap sina Senator Lapid at Azenith.

lorna tolentino deborah sun lito lapid azenith briones

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Senator Lito Lapid, Lorna Tolentino, Deborah Sun, and Azenith Briones

Lahad ni Lorna, "Umikot siya [Deborah], tapos si Sen. bumaba. Ako, hindi na bumaba. Sabi niya [Sen. Lapid], 'O halika! ‘Hindi. Galit siya sa akin e.’ Gumanun ako.

"Kasi, di ba? Nung last naming pagsasama sa Channel 5, alam ko galit siya dahil hindi naman niya ako binati nun.

"Parang galit pa siya. Sabi ko, ano ba ito? Okay na kami sa Startalk, tapos biglang nagkita na kami sa Channel 5, hindi naman siya bumati.

"Hanggang sa narinig ko na yung name ko, binuksan na yung car, sabi niya [Deborah], 'Lorn,’ gumanun siya. Pumasok siyang ganun.

"Umusog na ako parating sa kanya. Sabi niya, 'Tulungan mo naman ako.’ Lumapit ako, sabi ko... hinawakan ko yung mukha niya.

"Ang ano ko kasi, 'Hindi mo kasi ako binati sa Channel 5 nun,’ gumanun ako sa kanya. Tapos sabi niya, 'Nahihiya kasi ako sa yo,’ sabi niyang ganun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos hinawakan ko yung mukha niya, tapos nagyakapan na kami Tapos bumaba na ako ng car. Ayun na!"

Read: Deborah Sun, pitong taon nang nakatira sa condo unit ni Ara Mina nang libre

JERRY OLEA

Andaming magagandang memories ni Deborah Sun bago ang gusot nila ni Lorna Tolentino humigit-kumulang tatlumpo’t pitong taon na ang lumipas.

Aniya, apat sila noon nina Lorna, Beth Bautista, at Amy Austria na close friends.

Salaysay ni Deborah sa PEP via cellphone nitong Hulyo 22, Sabado ng umaga,

“Lahat kami, ang birthday naming apat, December. Ang una, si Beth Bautista, December 8. Kaya December 7 pa lang, magkakasama na kami, sinasalubong namin.

“Ang susunod, si Amy, December 13. Kaya sinasalubong namin ng bisperas, December 12.

"Si Lorna, December 23. Ako ang panghuli, December 31.

"December kaming lahat na magkakabarkada.”

Nag-guest pa nga raw silang apat noon sa musical-variety show ni Vilma Santos na V.I.P. (Vilma In Person).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking isyu noong mid-‘80s sa showbiz ang hidwaan nila ni Lorna. Hangga’t maaari, ayaw na iyong bulatlatin ni Deborah.

“Ayoko na kasing buksan pa iyon. Baka maging iba ang dating sa tao at kay Lorna. Kumbaga, close case na,” text ni Deborah.

“Huwag na sanang pag-usapan. Kung pag-usapan man, ayoko na galing sa akin. Kayo mga press siguro na lang puwede magkuwento or magsalita. Pero coming from me, ayoko…”

Ang importante kay Deborah, nagkaayos na sila ni Lorna.

Nag-friend request sa kanya si Lorna sa Facebook ngayong Hulyo 22, Sabado, na in-accept niya agad-agad. Tuwang-tuwa si Deborah na nag-chat pa sa kanya si Lorna.

Bumilib naman si Lorna kay Senator Lito Lapid dahil nakita raw niya kung gaano ito kabait. Nakita ni Lorna willing ang senador na tulungan si Deborah na humihingi pala ng trabaho.

Kuwento pa ni Lorna tungkol sa pagkikita nila ni Deborah, “Tapos, sabi niya, 'Sen, tulungan mo naman ako,’ sabi niyang ganyan. Sabi ko, 'Ito, ito.’ Tinuturo ko si Senator. Ayan ang makakatulong sa yo, kung ano man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos nung ano na... sabi niya, 'Sen, tulungan mo naman ako. Kailangan ko talaga ng trabaho,’ sabi niyang ganun.

"Sabi ni Sen, napag-usapan ka na namin ni C [Coco Martin],’ parang napag-usapan na siya na ipapasok. Mabait talaga si Senator.”

Read: Is Lorna Tolentino open to dating younger guy?

NOEL FERRER

All’s well that ends well. Hindi malayong mapapanood natin sa FPJ’s Batang Quiapo si Deborah, dahil ang iba ngang nasa cast na kasama sa teleseryeng yun ay tulong na ni Coco sa kanila.

“Good vibes naman," sabi ni Lorna nang idinetalye niya ang pagbabati nila roon ng dating kaibigan.

"Sabi niya [Deborah] kay Sen. 'Sagrado ang pagiging pagkakaibigan namin nito. Inaanak ko si Raphael, inaanak mo si Jam. Inaanak namin yung kay Beth Bautista, si Barok.’

“Kumbaga, kaming apat nun e, paikut-ikot lang e, pati si Amy [Austria], di ba?" sey pa ni Lorna.

Kahit tayong showbiz insiders, ayaw na nating balikan pa ang dahilan ng pagkakasira ng kanilang magandang samahan noon pero buti na lang at naayos na ito at okay na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino (left) on reconciliation with Deborah Sun (right): "Nung last naming pagsasama sa Channel 5, alam ko galit siya dahil hindi naman niya ako binati nun. Parang galit pa siya. Sabi ko, ano ba ito? Okay na kami sa Startalk, tapos biglang nagkita na kami sa Channel 5, hindi naman siya bumati... Ang ano ko kasi, 'Hindi mo kasi ako binati sa Channel 5 nun,’ gumanun ako sa kanya. Tapos sabi niya, 'Nahihiya kasi ako sa yo,’ sabi niyang ganun. Tapos hinawakan ko yung mukha niya, tapos nagy
PHOTO/S: Deborah Sun Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results