PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pauleen Luna's Pregnancy Reveal at E.A.T.

Kaswal lang ang announcement ni Bossing Vic.
by PEP Troika
Published Jul 29, 2023
Vic Sotto, Pauleen Luna
Twelve weeks nang buntis si Pauleen Luna, habang "three months" naman daw ang tiyan ni Vic Sotto.
PHOTO/S: Screen grab from TVJ YouTube

GORGY RULA:

Hinintay lang ni Pauleen Luna na nasa first trimester na ang kanyang pagbubuntis bago i-announce ni Vic Sotto na nagdadalantao na ito ng pangalawa nilang anak.

May mga isinakripisyo ang actress-TV host para sa pangalawa niyang pagbubuntis dahil matagal na rin nila itong ipinanalangin.

Nung nasa Eat Bulaga! pa sila sa GMA-7 ay nag-leave na si Pauleen dahil kailangan niyang mag-bedrest para mabuo lang ang nasa kanyang sinapupunan.

Ilang linggo rin siyang nagpahinga na lagi lang nakahiga, hanggang sa pinayagan na siyang lumabas.

Sa katunayan, katatapos lang ng ilang linggong bedrest niya nung dumalo siya sa pagsisimula ng E.A.T. nung July 1.

Kapansin-pansing namimintog na siya nung araw na iyon, pero nasa 8th week pa lang siya noon, at tinawag na nga siya ni Joey de Leon na "buntis."

Ngayon ay nasa 12th week na kaya okey na raw na i-announce sa lahat na naghihintay ng kanilang kumpirmasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayagan na rin daw siya ng doktor niyang magbiyahe pa-Baguio para makadalo sa wedding nina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde.

Isa si Tali sa flower girls, kaya gusto rin niyang masaksihan ang pagmartsa ng kanyang anak at personal na mabati ang bagong kasal.

Sinasabi naman ni Pauleen tuwing nakakatsikahan namin na gusto nilang mabigyan ng kapatid si Talitha, pero kung hindi naman daw ipag-adya ng Panginoon, sobrang happy na sila kay Tali.

Pero ngayon ay paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa Panginoon na bibiyayaan sila ng isa pang anak.

Congratulations kina Bossing Vic at Poleng!

NOEL FERRER:

Ang saya lang nitong pormal na announcement na ito na itinaon sa National Dabarkads Day ng E.A.T. ngayong Sabado, July 29.

Isang panibagong pagsisimula sa pagdaraos nila ng 44th anniversary at road to 50 years ng TVJ sa noontime variety show.

Sana, maging safe ang pagdadalantao ni Poleng, at sana, focus on the good at maging stress-free lang talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama niya kami sa pagdarasal para sa healthy at maayos na paghahanda para sa magiging kapatid ni Tali.

Congrats, Bossing at Poleng!!!

JERRY OLEA:

Nakakatuwa ang awit ni Joey de Leon kaugnay sa kasalang Arjo-Maine. Sa tono iyon ng theme song ng original Eat Bulaga!.

“Kasal nung Hulyo a-beinte otso/ Dito sa Baguio sabay ng bagyo/ Kahit weather ay ang sagwa/ Ang kasalan ay nagawa

“Ang mga puso ay pinag-isa/ Menggay at Arjo, mag-asawa na/ Marami ang natutuwa/ Habang luha ay bumabaha

“Sina Tito, Vic at Joey/ At army ng E.A.T./ Lahat sila ay saksing buhay/ Sa wedding nitong si Menggay

“Ang kalyeserye, kasalserye na/ Ang ating Yaya, meron nang iba/ Naiwan lang, alaala…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaka-good vibes ang 14344 National Dabarkads Day kung saan kasama nina Tito, Vic & Joey ang kani-kanyang legit darling.

Aba! Hinalikan pa ni Tito Sen si Helen Gamboa matapos itong kumanta. Nagbiro si Ciara Sotto na baka ma-call out ito ng MTRCB.

At siyempre pa, ang saya-saya ng chikang magiging ate na si Tali!

Kaswal lang ang announcement ni Bossing Vic habang katabi si Pauleen.

Ani Bossing, “Tuluy-tuloy lang ang celebration ng National Dabarkads Day at dahil celebration of love e gusto ko lang i-announce na nagbunga aming ang pagmamahalan!” sabay haplos sa sinapupunan ni Pauleen.

Kapagkuwan ay hinaplos ni Vic ang kanyang sariling tiyan at nagbiro, “Three months kami ni Pareng Joey!”

Pagbibiro rin ni Joey, “Ako naman, pare… ako naman ay pinapausukan pa ito!” patungkol sa asawang si Eileen Macapagal.

“Tinatawas?!” hirit ni Allan K.

Sa Agosto 1, Martes, ang first monthsary ng E.A.T. sa TV5. May paandar pa ba sila sa araw na iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Twelve weeks nang buntis si Pauleen Luna, habang "three months" naman daw ang tiyan ni Vic Sotto.
PHOTO/S: Screen grab from TVJ YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results