GORGY RULA:
Lalong gumaganda ang performance sa ratings ng tatlong afternoon drama ng GMA-7.
Nagpapatalbugan ang Abot Kamay na Pangarap at Magandang Dilag na parehong consistent na mataas ang ratings.
Kahit medyo patay na ang oras sa sumusunod na The Seed of Love, nadadamay ang pagtaas ng ratings.
Nung nakaraang Biyernes, August 4, 2023, ay nagtabla sa 12.5% ang Abot Kamay na Pangarap at ang Magandang Dilag.
Ang The Seed of Love ay naka-9.9%.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 5.1%, at ang Bad Romeo ay 2.2%.
Tumaas muli sa Dapat Alam Mo! ni Kuya Kim Atienza na naka-6.5%.
Ang latest na nabalitaan ng PEP Troika, inaayos na kung paano mae-extend ang Magandang Dilag.
Nai-tape na kasi nila ang ending kaya pinag-uusapan kung paano pa maipagpatuloy ang kuwento ni Gigi Robles, na naging si Greta V na ginagampanan ni Herlene Budol.
Ipapa-approve pa raw sa mga boss kung keri nang i-extend. Pero dapat talagang ituloy pa rin ang kuwento dahil lalong gumaganda ang takbo ng kuwento at ang galing pang mag-promote ni Herlene.
Tuwing umeere ang Magandang Dilag ay nag-a-IG live si Herlene habang pinapanood ito. Sinasabayan pa niya ng iyak ang mga madramang eksena.
Samantala, ang Abot Kamay Na Pangarap lang ang umaabot hanggang Sabado, at naka-11.5% ito nung August 5.
NOEL FERRER:
Ang Abot Kamay Na Pangarap ay ilang beses nang na-extend dahil sa pataas nang pataas ang ratings. Lalong nagningning ang career ni Jillian Ward.
Dito nakilala ang nagkokontrabidang si Kazel Konouchi. Napatunayan ang galing ng pag-arte nina Pinky Amador at pati si Allen Dizon na napapasok na rin ang mainstream.
Ang latest na nabalitaan ng PEP Troika, mae-extend pa rin ito. Pero tatapusin na raw talaga hanggang January 2024.
JERRY OLEA:
Kumusta ang rating ng Magpakailanman episode last Saturday na tinampukan nina Alden Richards at Sanya Lopez?
Bida si Alden sa apat na magkakasunod na Sabado night sa Magpakailanman ngayong Agosto. Nawa’y maging masigasig ang kinauukulan sa pagpo-promote ng nasabing episodes.
Aba! Kung bonggang-bongga these days ang Abot Kamay na Pangarap at Magandang Dilag, nawa’y magpakitang-gilas din ang iba pang Kapuso programs!
