PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis and John Arcilla Shine in Film

Paolo Contis, kakarerin ang pagsasama nila ni John Arcilla sa pelikula.
by PEP Troika
Published Aug 11, 2023
john arcilla paolo contis movie
John Arcilla (second from left) and Paolo Contis (second from right) are set to shoot a movie titled 'Fuschia Libre' where they will play father and son. With them are Direk RC delos Reyes (leftmost) and producer Erwin Blanco (rightmost).
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Magsasama sa isang pelikula na ipu-produce ng Mavx Productions sina Paolo Contis at John Arcilla.

Ito yung binanggit ni Paolo sa nakaraang premiere night ng pelikula niyang Ang Pangarap Kong Oskars, na meron daw siyang isang dream role na gustung-gustong gawin.

Ito yung tinutukoy niyang finally ay gagawin na ng Mavx Productions na ididirek ni RC delos Reyes.

Hindi lang maibigay ni Paolo ang detalye, pero mag-ama raw sila rito ni John na ang pamagat ay Fuchsia Libre. Hindi ito destination movie, dahil dito lang sa Pilipinas kukunan ang kabuuan ng pelikula.

Type na type ni Paolo dahil malapit lang sa studio ng Eat Bulaga! ang location. Kaya magagawa raw niya pagkatapos mag-live sa naturang noontime show.

Na-finalize na nila ito sa meeting nila nung Huwebes ng gabi, August 10, 2023, at inaayos na lang daw ang schedule ni John.

Baka first week of September daw nila ito sisimulan. Kaabang-abang ang matinding aktingan dito nina Paolo at John na parehong magagaling na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Bilang paghahanda sa role niya sa pelikulang ito, kailangan pa ni Paolo na magbawas ng timbang.

“May 10 pounds na akong na-lose. Siguro mga 5 pa," text niya sa PEP Troika.

Kakarerin daw niya ito nang bonggang-bongga dahil hindi lang si John ang madalas na kaeksena niya, kakaiba raw ang kuwento at ngayon pa lang niya ito gagampanan.

JERRY OLEA:

Nakahuntahan namin si Mon Confiado bago ang Cinemalaya premiere ng Call Me Alma nitong Agosto 10, Huwebes ng gabi, sa PICC.

Natutuwa si Mon na tuluy-tuloy ang paggawa ng mga pelikulang Pilipino kahit walang kasiguraduhan kung saan at kailan ipalalabas ang mga ito, at kung mababawi ba ng mga ito ang kanilang puhunan.

“Matagal ko nang natapos iyong movie na The Fisher, hindi ko pa alam kung kailan ang showing,” sambit ni Mon.

Bilang character actor actor ay isa si Mon sa pinaka-busy. Palibhasa ay mahusay at marunong, hindi siya nauubusan ng proyekto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ganoon din sina Paolo Contis at John Arcilla.

Katatapos lang mag-shoot ni Paolo ng MAVX movie sa Tasmania kung saan nag-reunion sila ng Tabing-Ilog co-stars na sina Patrick Garcia at Kaye Abad, heto at may follow-up movie na si Paolo.

E, visible pa si Paolo sa TV. Regular siya sa Eat Bulaga! at Bubble Gang.

Read: Patrick Garcia, nakumbinsing magbalik sa pag-arte dahil kina Kaye Abad at Paolo Contis

Siyempre pa, hindi mawawalan ng alok si John Arcilla matapos magwaging best actor sa 78th Venice filmfest para sa On The Job: The Missing 8.

Ang tatlong pang artista natin na laging may proyekto sa pelikula at TV ay si Jaclyn Jose na best actress sa 69th Cannes para sa Ma’Rosa, si Dolly de Leon na nominadong best supporting actress sa 80th Golden Globes para sa Triangle of Sadness, at si Allen Dizon na nakatanggap na ng 50 acting awards (12 of which ay sa international filmfests).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla (second from left) and Paolo Contis (second from right) are set to shoot a movie titled 'Fuschia Libre' where they will play father and son. With them are Direk RC delos Reyes (leftmost) and producer Erwin Blanco (rightmost).
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results