PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Love life ni Ricky Davao suportado ng kanyang mga anak

Mga senior citizen, may pagkakataon pang mabigyan ng love life.
by PEP Troika
Published Aug 23, 2023
ricky davao daughters
Ricky Davao's daughters Rikki Mae (left) and Arrabella (right) attend the celebrity screening of 'Monday First Screening," the actor-director's movie with Gina Alajar (not in photo).
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Suportado ng senior stars ang celebrity premiere ng pelikulang Monday First Screening na ginanap sa GBS Hall ng EVM Convention Center sa Quezon City nung nakaraang Lunes, August 21, 2023.

Muli naming nakita ang veteran actress na si Barbara Perez, pagkatapos pumanaw ng kanyang asawang si Robert Arevalo. Sinamahan siya ng kanyang anak at ilang non-showbiz friends.

Read: Robert Arevalo passed away a day before 61st wedding anniversary with Barbara Perez

Ilan pa sa mga dumalo ay sina Boots Anson Roa-Rodrigo, Nova Villa, Amy Austria, Evangeline Pascual, Isabel Rivas, Eric Quizon, at Gladys Reyes.

Itong Monday First Screening ay kuwento ng dalawang senior citizens na nagkainlaban. Bida rito sina Gina Alajar at Ricky Davao.

Read: Gina Alajar, sinabihan ng "Watch and learn" si Ricky Davao nang idirek niya ang aktor

Pagkatapos ng screening, kaagad naming hiningan ng reaksiyon si Tita Boots kung naka-relate ba siya sa pelikula.

boots anson road rodrigo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “God is a God of second chances, di ba? Na merong nawala, papalitan Niya. Kagaya naming parehong dalawa… wala na kaming...

"Life does not end there, di ba? You can still be happy even if you're alone, but happier if you can share with somebody else, even a second time."

Ang tinutukoy ni Tita Boots ay ang pagpapakasal nila ng mister na si Atty. King Rodrigo pagkatapos ng maraming taong pagiging biyuda at biyudo.

Read: Boots Anson Roa, hindi na umaasang magkaanak sila ng asawa pero "the playground is open"

Agree naman ang lead actor ng Monday First Screening na si Direk Ricky.

Sabi niya, “If you'll be given a second chance, grab it right away. Kung mabibigyan lang ng second chance... ang suwerte mo pa nga kung mabigyan ka ng third chance. Nabigyan ka na ng second chance, grab it!

"I'm talking about being in love, ha? Being in a relationship, lalo na sa mga seniors na mabigyan ng second chance, lalo na kung hiwalay ka sa asawa, biyuda ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, meron talaga. Mabigyan ka ng pagkakataon na ma-develop yun."

Hindi pa naman daw ganun ka-relate si Direk Ricky sa kuwento ng Monday First Screening dahil hindi naman senior citizen ang non-showbiz girlfriend niya.

Masaya raw siya ngayon sa kanyang love life na all-out din ang suporta sa kanya.

"I'm very happy now. I'm involved with someone. Pero ibang-iba naman ito sa kuwento ng Monday First Screening. Ibang-iba naman yung sa akin.

"Pero ganun din yung sa akin, yung natural lang, nandiyan lang," napapangiting pahayag ni Ricky.

Read: Ricky Davao, may love life ngayon: "It's an pen book. Kaya lang ako, I'm not very open about it."

NOEL FERRER:

Hindi lang ang non-showbiz girlfriend ang todo ang suporta kay Direk Ricky, kundi pati ang mga anak nila ni Jackie Lou Blanco na sina Rikki Mae at Arrabella.

ricky davao daughters

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakikita ang closeness ng mga anak nito sa partner ngayon ng actor-director.

Sabi naman ni Rikki Mae, basta masaya lang ang kanilang Papa.

"Si Papa, sinu-support lahat na parang gusto rin naming... buhay naman yun ni Papa," sabi ni Rikki Mae.

Ilang beses din daw nagkita si Jackie Lou at ang partner ni Direk Ricky. Okay naman daw sila.

Pero nandiyan pa rin ang kilig sa mga anak nila kapag magkasama sina Ricky at Jackie Lou sa isang project.

Read: Ricky Davao, Jackie Lou Blanco open secret ang estado ng relasyon

Samantala, si Direk Gina naman ay suportado ng mga anak niyang sina Ryan at Geoff Eigenmann, na dumalo sa celebrity premiere ng Monday First Screening.

gina alajar sons

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya si Direk Gina na kasama niya ang kanyang mga apo. Sabi nga ang actress-director, sobrang saya na niya sa kanyang mga apo at wala na sa isip niyang pumasok sa panibagong relasyon.

JERRY OLEA:

Panonoorin kaya nina Jackie Lou Blanco at Michael de Mesa, ex-husband ni Gina, itong Monday First Screening? Ano kaya kung sila naman ang magtambal sa ganitong tipo ng movie?

At any rate, co-stars din sina Ricky at Gina sa pelikulang Karnabal ni Direk Adolf Alix Jr.

Nasa cast din ng Karnabal sina EA Guzman, Jaclyn Jose, Joel Sarracho, at Shaira Diaz. Ipoprodyus ito ng BC Entertainment.

Itong Karnabal ay one-take film. One-shot lamang.

Lahad ni Direk Adolf sa storycon ng Karnabal noong Agosto 10 sa Relish restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City, “Alam ko po, marami na sa inyo ang nakakaalam ng mga kuwento tungkol po sa mga biglaang umaakyat sa billboard, tapos nagkakagulo po, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre iba-iba po sila ng rason sa pag-akyat sa billboard. Matagal na po itong materyal na ‘to.

“Kaya lang nung minsang magkuwentuhan kami ni EA, kasi magkasama kami ngayon sa isang series na ginagawa namin sa GMA, yung Atty. Matias kasama po si Jo Berry…

“Ang unang pelikula niya po, kasama namin siya, Imoral [2008] kasama si Katherine Luna at Paolo Paraiso.

“Tapos ang huli naming pinagtrabahuhan magkasama, Coming Home [2020] kasama si Miss Sylvia Sanchez.

“So, gusto ko at gusto rin niyang gumawa ng pelikula na medyo kakaiba, naalala ko lang yung concept namin… na matagal na naming hinahanap kung sino ang puwedeng gumawa.

“Tapos ikinuwento ko kay EA, tapos na-excite naman siya. Ang pinakakakaiba lang po siguro sa pelikulang ito, isu-shoot po namin siya nang isang take. “Opo, wala pong putol. One hour and 45 minutes, more or less. We will shoot it na walang cut.

“Medyo challenging po pero kaya po sila nandiyan, tutulungan po nila akong mai-mount po yung pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Direk Adolf na rin ang kinuha ng BC Entertainment para magdirek ng horror movie na Mananambal, starring Nora Aunor and Bianca Umali.

Nasa cast din ng Mananambal sina EA Guzman, Jeric Gonzales, Kelvin Miranda, at Martin Escudero.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Davao's daughters Rikki Mae (left) and Arrabella (right) attend the celebrity screening of 'Monday First Screening," the actor-director's movie with Gina Alajar (not in photo).
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results